Home / Sections / Dear Tita Eza / Nahihirapan Sa Pag-Adopt Sa Pinas

Nahihirapan Sa Pag-Adopt Sa Pinas

pacita ramiro pacis

By: Pacita Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Sa siyam na taon na maligayang pagsasama namin ng aking mahal na asawa ay hindi kami pinagkalooban ng Diyos ng supling, kaya seriously na ang option namin ng aking kabiyak ay through adoption process para malubos na ang aming kaligayan bilang mag-asawa.

Tamang tama naman at nagkaroon ng love child ang aming pamangking taga Pilipinas so kadugo namin at aming matutulungan ang aming kamag-anak. Adoption communication between Pinas at U.S. ay non-stop in the processing of the adoption papers at natapos na rin sa wakas ang lahat at akala ko ay tapos na at we are so excited about the prospect of being adoptive parents. Meron din kaming mga nagastos na in the meantime sa communication process.

Ngunit sa ngayon ay nakaharap kami sa isang malaking problema sa pagkuha sa bata dahilan sa Pinas pala ay may adoption requirement that we (the adoptive parent/s) live with the child for two years bago siya mailabas ng bansa.

Hindi namin ini-expect ito at wala naman ding nag-advise sa amin beforehand. Mayroon po kayang shortcut na puwedeng dalhin na dito sa madaling panahon ang aming adopted baby? Federal worker po kasi ako at si mister ay nasa real estate business naman at pareho kaming full-time workers sa aming trabaho kaya imposibleng maka-take off kami ng two years to live with the child in the Philippines.

Kami po ay sabik na sabik na na maging mga magulang sa batang darating sa aming buhay. Ano ang mabuti naming gagawin para maisagawa na ang aming pananabik na maging magulang? Meron ka bang knowledge sa adoption laws in the Philippines? Meron ka kayang kilalang makakatulong sa aming malaking dilemma sa buhay? Perla Santos

 

Dea Perla:

Salamat sa inyong sulat. Salamat sa inyong pakay na pagtulong sa pamangkin ninyo sa pag-aaruga sa kanyang supling para mapag-aral siya at mabigyan ng magandang future. Sa pagsusuri ng korte at social worker sa atin, siguro natiyak nila na ang plano ninyo ay for the best interest of the child, I am sure.

Kaya lang, sa hiling ninyo na madaliin ang proceso na makuha ninyo agad ang inyong bagong anak, hindi naman ninyo nabanggit kung nagkaroon kayo ng pagkakataon na makipag-bonding sa bata

Knowing the adoption laws in the Philippines, ang 2- year trial custody ay para din sa kapakanan ng both parties. Ang adoption process ay hindi po parang nag-shopping ka lang ng bata, at kung di kayo magkatalo, parang merchandise na puedeng Return or Exchange.

As for the shortcut na sinasabi ninyo dahil sa inyong trabaho, makipag-ugnayan ka sa kung kaninong ahensya — sa abogado, social worker o di kaya Consulate kung puedeng aggregate of two years o di kaya gawaan ng paraan, like yung isa sa inyong mag-asawa ay siya munang manatili sa Pinas, tapos yong isa to stay, halili kayo.

Nasa private government employ ka naman, at si mister ay sigurong puedeng baka-bakasyon sa kanyang private employment na hindi masisira ang inyong continuous years of service. If there’s a will, there’s a way, di ba? Gaano ba kayo puedeng mag- sakripisyo, para sa habangbuhay na kaligayahan na kasama na ang anak ninyo?

Gaano ba ninyo siya kamahal? These are the most important questions that need to be answered by both of you.

I am sure na makakagawa kayong mag-asawa ng paraan para matapos na ang inyong pananabik na maging magulang sa isang batang nangangailangan ng inyong kalinga.

At always remember na ang bawat isang bansa ay merong kanilang sariling adoption laws na dapat susundin ng both adoptive parties. Good Luck! TITA EZA

Back in the Philippines, Pureza Ramiro Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW ’61 graduate from the University of he Philippines (UP, she retired from the Department of Social Welfare and Development in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been residing in Chicago with hubby Nick for nine years now.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top