Home / Sections / Dear Tita Eza / Tubig At Langis

Tubig At Langis

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza,

Hangang-hanga ako kay Angelita (“Luluhod ang mga Tala” (June issue). Hindi ko yata kaya ang kinaya niya. Upon graduation ni Mama sa Philippine Normal College (PNC), at nakapasa sa Cvil Service Exams, na-assign siya sa Bicol. Agad-agad, na in-love sa lugar, sa trabaho niya at sa kanyang co-teacher. When love was new, it was grand, but not for long. Nang may bagong dating na teacher, na- in love na naman si Papa sa kanya. Sa suya ni Mama, nag-alsa balutan, umuwi sa Cagayan, dala-dala niya ako at ang dalawa kong nakakabatang kapatid. First year high school pa lang ako noon.

Sa exclusive school run by sisters ako naka-transfer. Sa tindi ng aming mga assignments, naging tutor ko ang kapitbahay naming si Romy, himself a scholar sa public high school. Mabait at at may potential. I felt so safe with him. After high school, kung kailan kanya-kanyang patungo na sa Manila for college, nagpahiwatig si Romy ng kanyang tinitimping damdamin. Sugod agad ang Mama ko at ang Mama nya. Kung ano man daw, we should not let it prosper. Magkapatid pala sila sa ama.

Sa Centro Escolar ako nagtapos ng Nutrition. After graduation, nagpakasal kami ng pinakamatindi kong manliligaw, si Dr. Ronnie (Magkatunog ang pangalan nila ani Romy!). Deretso kami sa Michigan. Good provider siya. Panay ang duty niya sa pagsisikap makamtan lahat ng kailangan namin – bahay, sasakyan, education ng mga bata, travels, and investments, gaya ng villa namin sa Spain.

Hindi na ako pinayagan ni Ronnie na magtrabaho; mag-alaga na lang daw sa aming apat na supling at mag-asikaso ng bahay. In my leisure time, natuto akong mag -paint. Sa itinatago ko palang talento, naging art deco ang aming paligid. I got the best compliment of my life from cousin Romy, na by that time ay nasa larangan ng public service, palaging ipinapadala ng gobierno ng Pilipinas mag-attend ng conferences dito sa States. Everytime nagagawi sa amin, he would say, “OMG, Anette, this is my dream home!”

Sa masamang palad, hindi nagtagal ang buhay ng aking pinsan. Nadisgrasya siya after coming from an official trip. He was at the prime of his career.

Nang nakatapos at nakapag-asawa na ang lahat ng anak namin, our house became a virtual empty nest. Nagpermiso ako kay Ronnie for me to go into business, with my passion for art, May building na idle, malapit sa amin na gusto ko sanang upahan for a shop. Ayaw naman ng may-ari na biyudong architect-builder; prefer niya equity. Sa kanya ang building; anak niya, dress-maker; ako ang fashion designer. Ayos! Patok na patok ang partnership namin, ang Bridal Boutique, naging Arts and Events Center, ako ang naging Public Relations Officer.

Di ko naman napabayaan ang aking gawaing-bahay. Minsan, sa aking laundry, may nakita akong recibo ng dalawang magkaparehong mamahaling tocador. Sa isip ko, sa akin ang isa, kanino kaya ang ikalawa?

Tamang-tama naman na may invite si Gigi, ang dalagang matagal nang nurse-assitant ni Ronnie, sa kanyang housewarming. Dati-rati sa townhouse siya; ngayon, nasa single detached house na. After the party, tour kami sa iba’t -ibang rooms ng bagong bahay. Sa bedroom niya, may tocador tulad ng akin!

Wala kaming imik ni Ronnie pauwi, subalit sa kitchen. nang kami’y nag-aayos ng maraming to-go na pinabaon ni Gigi, di pa ako nagtatanong, kusang-loob na ipinagtapat ni Ronnie na matagal na sila ni Gigi. The fish was caught by its mouth, Tita Eza! Sa pagdilim ng aking isipan, Tita naghabulhabulan kami ni Rommie sa kusina. Buti’t naawat niya ako sa kutsilyo na hawak ko. Buti na lang, wala namang nasaktan.

Things, however, were never the same as before. Walang naayos. Naala-ala ko si Mama. Ibinuhos ko ang aking panahon sa trabaho. Ang hindi ko rin inaasahan, my business partner offered his shoulder for me to cry on!

Humingi ako ng divorce kay Ronnie. Ayaw naman niya. Sabi nakakasira daw sa image niya sa hospital. (Di ko maisip kung ano pang image tinutukoy niya!) Binigyan ako ng kalayaan to do whatever, huwag ko lang daw siyang iiiwan. Kinonsulta ko ang aming mga anak. Sabi nila, ”Ma, do whatever makes you happy!” Dalawang taon na lang at mag- Golden Wedding Anniversary kami ng Daddy nila sana.

Sa ngayon, dalawa-dalawang bahay ang aking inaaruga. Libre na kami ng aking business partner sa paglalakbay-lakbay. Wala na akong pakialam; ganoon din ang mister ko at ang kanyang nurse assistant.

Sabi ng kaibigan ko, blooming daw ako, and I want to believe that, kahit 78 na ako! I’ve never been happier in my life!

Gumagalang,

Anette

P.S.Kung minsan naiisip ko, ano kaya kung nagkatuluyan kami ng pinsan kong si Romy?

———-

Mahal kong Anette :

1) In a way, hindi kita masisisi. Sabi ni Shakespeare,” Hell knows no fury like a woman scorned.” Kanya-kanyang disckarte lang yan: either flight or fight. Ang Mama mo, lumisan; ikaw, you chose to fight. Kung baga, “Kung kaya mo, kaya ko rin.” It’s your choice. Mali nga naman si James Bond sa sinabi niyang” You only live twice.’’ You only live once!

2) Nakakapanghinayang nga lang ang 48 years gone to waste. Subalit kung ang sabi mo you’ve never been happier in your life, so be it. Just be ready lang for any consequences. Magpakatatag!

3) What would make you happy? What gives you happiness? Overheard someone lately: “I’ve been to Paradise. I didn’t even know I was there.” Nakakalungkot!

4) Tungkol sa regret mo sa’yong pinsan, never mind what might have been. The case against first cousins getting married is based on genetic reasons, baka daw mag-dominate ang weak genes, lalo daw kung fraternal cousins. Dahil diyan, some states require testing sa mga applicants. Ganun pa man, people still fall in love. Pag-ibig nga naman, oo!

Mag- pinsang-buo din ang aking parents; magkapatid ang aking mga lola! Nagmamahal, Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top