Home / Sections / Dear Tita EZA / Maid in Taiwan

Maid in Taiwan

pacita-ramiro-pacis

By: Pacita Ramiro Pacis

 

Dear Ate Eza,

Pasko na naman! Ngayong Pasko,naala-ala ko ang aking lungkot noong kami’y bagong dating sa ‘Merika. Bagamat kasama ko na noon ang aking kabiyak at dalawang anak, may dalawa pang naiwan sa atin, bukod pa sa kapatid,kamag- anak at mga kaibigan.Maramdaman ko na naman ang kasabikan ng maraming naninirahan at nag-tratrabaho sa ibang bansa para sa ikakabuti ng pamilya,na makauwi man lang para makisalo sa Noche Buena.

Sa ala-ala ni Rosario (Via Times “Dear Tita Eza” November issue) sa kanyang karanasan sa DILG,gusto ko rin ibahagi ang aking most unforgettable Christmas experience bilang Social Worker sa DSWD. Pareho kami ni Rosario na assigned sa aming respective offices San Fernando City, La Union,kaya lang sa Norte ako umuuwi. For the last seven years of my government service, eto ang aking weekly schedule: alas tres umaga ng Lunes, hatid na ako ni Nick sa bus station sa Laoag for the 3:30 trip;dating SanFo 7:30 in time for the flag ceremony at 8:00 .Sa Biyernes,baliktad naman.Kung makakasakay ako ng 5:30 p.m. makakarating kami ng Laoag after 4 hrs,.,nagaabang na Nick sa estasyon. Alas dies,nasa Vintar na kami. Mahirap kung mahirap, kaya lang, kailangang;nasa colegio na sa Manila noon ang dalawang panganay,dalawa pa sa high school sa amin.

LAST OFFICE DAY BAGO MAG-CHRISTMAS VACATION. Nag-attend pa kami ng Christmas program sa Office. Paglabas namin, kita naming puno ang mga buses pauwi. Pumunta ako sa estasyon. Ganun pa rin. Alas siete,otso, nueve….alas dies,sabi ko, makipagsapalaran na lang ako kahit standing room na, hoping may bababa sa Northern La Union. Dapat makauwi, makapaghanda para sa Noche Buena samakalawa. Meron nga’ng bumaba,bandang San Juan, La Union. Salamat at inalok ako ng konduktor sa pinanggalingan – last seat! Di bale na, kako, basta merong upuan. Ang katabi ko, isang mama at isang buntis!

Laoag din daw sila, bandang Northwestern University, Barangay Buttong, bababa kami pareho sa estasyon. Galing silang dalawa sa Taiwan, nauna lang ung babae, si Marie kasi pinauwi ng employer niyang babae noong nakitang nagdadalang-tao na’to .Sabi,baka mapagkamalan pa daw ang mister niya. Sa Mandaluyong sa isang kamag-anak siya tumuloy, dahil malayo naman ang Ilo-ilo na uuwian niya. Hindi lang yon, takot pa sa tatay kasi isinanla pala nito ang kanyang kalabaw,at bukirin, para pamasahe niya.

Ang lalaki naman, si Joseph, graduate ng education, pero tila walang suerteng makakuha ng slot. Sinubok-subukan niyang mag-apply pero mas pili naman daw ng school heads ang may dalang tali (na may dalang umiiyak kung di mee-eeee,moo-ooo.) Sa kanyang ‘pride chicken’ dahil civil service eligible man siya, mas ginusto niya ang maging empleyado sa call center sa Taipei.

Sa exchange rate noon na one taiwan dollar is to one peso ,mas mataas ang sahod keysa atin, nakaka-aliw. Natubos na ng Tatay ni Marie ang isinanlang kalabaw, pero ang bukirin, hindi pa lubos. Si Joseph naman,bilang panganay,nag-resolve na pag-aralin niya ang dalawa niyang kapatid, sa mga kurso na di na nangngailangan to kiss the ass of powers-that-be. Awa ng Dios malapit sa kanila ang Northwestern University kung saan nag-Marine Engineering ang bunsong lalake,pa-graduate na rin sa susunod na taon at makakasakay na ng barko;at kung saan din nag-Nursing ang ate niya. Kaya hindi nakasabay si Joseph ke Marie’ng pauwi, dahil ipinangako niya sa utol ang gagastahin niyang mag-review sa Maynila.

“Ikaw kasi,eh,” palambing na kurot ni Marie.”Ikaw nga diyan,eh,” tawa naman si Joseph sa kanya. Kilig naman si ako, na kunyari antok at pagod, pero nakikinig sa love story nila.

Kahit sabihin magkapareho ang klima ng Pinas sa Taiwan, it gets to be cold there,too, kaya masarap magliwaliw mga kabataan. Ang mga OFW’s, homesick na homesick, nag-miyemiyembro ng Association.

Nang mag-maiden flight ng PAl galing Laoag,sumabay ang dalawa sa promo’ng “See Five Cities for Half Price”,kaya sila naka-ekstra sa Taipei, Taichung, Tainan,Taitung,at Kaoshiung .Doon nila nasilayan ang mga templo, mga palasyo (gaya ng Chiang-kai-shek National Museum), mga high -rise buildings, mga malalagong agricultural industries (gaya ng Rose Apple at bigas) at kanilang naisip na kung sana may ganun tayong mga industria, hindi sana maisip ng Pinoy ang maglakbay. Nainggit sila na ang mga Taiwanese scholars na nag-aral sa Los Banos na pangkasalukuyan ay sila ang dahilan na nag-e-export na sila ng bigas; na ang export natin na feldspar ay kung pabalik sa atin ay ceramics;na ang mga malaking fishing boats na sinusubsidize ng gobyerno ay sila na ang gumagala sa ating Philippine waters.

Sa dalawa, it started with that lakbay-aral aral. Naging close sila pagkatapos: pa-tele-telefono, (wala pang selpon noon),at pasyalan sa linggong day-off, kakain ng street food,na uso doon.

Hinayaan ko ang dalawa’ng nag-aala-sa kanilang matatamis na araw sa Taiwan.Tuloy naman pagtulog- tulogan ko.

“Eh, ano kung hindi tayo patuluyin sa bahay niyo?”,dinig kong tanong ni Marie.”Oo naman,”sagot ng lalake,”di na sila maaawa sa maging baby natin?!” “Yun nga,eh, wala man lang tayong naipon para sa tulad nito.”

“A-apply ako uli, kahit pinaka-malayong barangay. Magtanim- tanim ako,gaya nila sa Taiwan. Napuna mo, wala’ng idle lands? Tinataniman nila kung puede- bigas o gulay; mag-alaga ng hayop.Tiis lang tayo,magsumikap. Kung magalit ermat erpat natin, sana man lang di masyado, alang-alang sa Noche Buena.”

NANG BIGLANG HUMAGULGOL itong si Marie. Manganganak na raw. Eh,nandoon pa naman kami sa boundary ng La Union at Ilocos Sur, bihirang bahay at wala man lang hospital in sight,

Nagtanong-tanong ako kung sino’ng puede’ng makatulong ke Marie, Salamat naman at may doktora na galing din sa kanilang regional office.

Pinahinto ng doktora ang sasakyan, pinababa lahat ng pasahero, sa gitna ng dilim. Sa gitna naman ng aming kasabikan, naging festive tuloy ang sidewalk ng highway abot sa may pilapil! Mga lalake naghanda ng sigarilyo, kami namang mga babae, nagsilabasan ng bread and candies takdang pang-noche buena. Tuwa lahat noong narinig naming iyak ng sanggol!

Balik kami ng sasakyan, kaya lang sabi ng doktora dapat ipa-hospital pa rin ang mother and child. At dahil sa ako ang nakarinig ng kagipitan ng dalawa, hindi na ako nagdalawang-isip nag- pass the hat.

Binaba namin sina Joseph and Marie,with the infant,sa Tagudin (Ilocos Sur) Medical Center. Pumasok sa isip ko ang Holy Family! Kung may i-phone sana noon, I could have captured the moment!

Meanwhile, nag-‘over over’ (handset) ang konduktor sa estasyon sa Laoag upang ipa-alam ang location ng bus namin. Nang- na-admit na ang mag-ina, sumama rin si Joseph upang ipaalam sa pamilya sa barangay.

Lingid sa kanyang kaalaman, nandiyan buong tropa ng kanyang pamilya, nag-aabang sa estasyon. Nandun din ang may-ari ng companya,at sa pandinig ng lahat, nangako na paglaki ni Baby Isaiah, free ride siya sa Maria de Leon for life,at sana makakatulong nito sa kanyang pag-aral sa Maynila .Full name ng Owner-Manager: Isaias Dimaya.

——— “Family is why we do it all.” -State Farm

——– Back in the Philippines, Pureza Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW graduate from the University of the Philippines, she retired from the Department of Social Welfare and Development, Region I, SFLU, in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been resi

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top