Home / Sections / Dear Tita EZA / No Crib For a Bed

No Crib For a Bed

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

December na naman, buwan na napaka-importante, napakasaya ngunit napakalungkot din na buwan ng aking buhay. Taong 1981 noong nagsimulang dumating ang aking mga blessings sa buhay. Nabuntis ang aking girlfriend na 19 years old; 20 years old naman ako. Pareho kaming hindi pa handang maging magulang, pero wala sa isip namin at wala sa usapan ang abortion. 1981 pinanganak si Margaret, blue-eyed, blond-haired angel. Tatlong araw lang siyang naging amin. At sa loob ng tatlong araw ay napamahal ng husto sa amin ang munting angel, at dahil sa pagmamahal na iyon ay pinili naming iwanan siya sa hospital upang ampunin ng ibang pamilya dahil alam naming wala siyang magandang kinabukasan sa piling namin. Isang bagay na babagabag sa aking kaluluwa magmula sa araw na iyon.

Nagpakasal kami ng aking girlfriend noong 1985, at nabiyayaan muli ng isa pang angel, si Angela, blue-eyed, blond-haired din katulad ni Margaret. Magkapatid silang buo na may napakaliit o walang pag-asang magkita at magkakilanlan balang araw. Kung sakalli man, kailangan ng napakalaking milagro ng isang napakabait at mapagmahal na Diyos lamang ang makapagbibigay ng pagkakataon na magkita sila.

Makalipas ang napakaraming taon, walang isang dasal sa Maykapal na hindi kasali si Margaret, na sana ay malusog siya at maayos ang buhay, na sana ay masaya siya sa piling ng umampon sa kanya, na sana ay matagumpay siya sa kanyang buhay. Napakaraming sana… Maraming beses na gusto ko siyang hanapin ngunit pakiramdam ko ay wala na akong karapatan na bumalik sa kanyang buhay. At natakot ako na di niya ako matanggap at mapatawad.

Isang araw, nakatanggap ako ng message mula sa aking ex-wife (nagkahiwalay kami ng ina nila) at ang sabi niya ay may nagpakilala na Margaret na tumawag sa kanya. Hindi ako makapaniwala! Nagpalitan kami ng texts at e-mails at parang nabuhay ang aking kalooban, umasa at naniwala ako na siya nga ang nawalay kong anak at sinagot na ng Diyos ang aking mga panalangin.

At sa wakas ay nagkta din kami, kasama si Angela on Christmas Day. Sa sandaling tumayo si Margaret para kami salubungin, alam ko na siya ang sanggol na iniwan namin 36 na taon na nakakaraan. Kung minsan ay nananadya talaga ang tadhana. Siya ngayon ay isa na ring ina ng isang pares na kambal, katulad din ni Angela na may isa ring pares ng kambal!

Mula noon ay napanatili nila ang kanilang ugnayan at napakasaya ko dahil napakaganda ang kanilang relasyon. Kami naman ay madalas magtawagan sa phone, text at social media at kasali pa rin sila sa aking mga dasal. Alam ko na hindi na ko magiging ama sa kanya. Isinuko ko na ang karapatan ko bilang ama niya maraming taon na ang nakalipas. Tanggap ko na yan. Pero sa puso ko, mananatili na siya ang pinakamamahal kong anak at masayang- masaya na ako dahil hinanap at napatawad ako ng anak ko.

Nagpapasalamat,

Johnny

—————–

Dear Johnny,

What a timely gift for Christmas! Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi ang mga regalo, o ang mga mararangyang bagong damit, o yung mga bonggang pagsasalo. Tama ang sabi nila kung minsan na we almost always forget the reason of the Season. Wala nang hihigit pa sa ginawa ninyong pagpapatawad sa sino mang nagkulang o nagkasala kundi ang pagpapatawad.

In the first place, wala tayong ituturo na nagkulang o nagkamali. Kahit sino sa atin, the decisions we make are the best we can make for that particular time and reason. Sometimes we wish we could have made another decision. But then, we would make another set of mistakes. So, all is well that ends well. Hangad namin na ito na ang pinakamaligayang pasko sa inyo! “

Ang Pasko ang sumapit; tayo ay magsi-awit Ng magagandang himig; Dahilang nasa Diyos ang pag-ibig Tayo at magmahalan, sundin natin ang gintomg aral At magmula ngayon, kahit hindi Pako ay magbigayan.

—————–

“Dear Tita Eza” is based on true stories. However, names, have been changed and circumstances fictionalized to protect the identity of the characters involved. Anny similaraties whatsoever are purely coincidental.

——————-

Back in the Philippines, Pureza Ramiro Pacis used to be an elementary grades teacher, high school teacher and social worker rolled into one. An ABSW ’61, UP Diliman and MDM’99 AIM, Makati graduate,she retired in 2004 as Asst. Director of DSWD Region I, SFLU Both from vintar, Ilocos Norte, she and husband Nick Pacis have since been residing in Barttett, Illinois for the past eleven years.

 

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top