Don't Miss
Home / Sections / Dear Tita EZA / Pangako Ng Puso

Pangako Ng Puso

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Natutuwa akong magbasa ng inyong kuwento ng pagibig. Sa umpisa, mukhang simple. Di umano, may twists and turns. May suspense. May climax, di mo mahulaan ang ending. Kung minsan, may gamu-gamo. Salamin nga talaga ang buhay!

Ang love story ko naman ay pangkaraniwan lamang. Mommy ko at Mommy ni Arnel (my husband), ay mag-best friends. Klasmeyts mula elementary hanggang high school. Sa college sa Manila, hindi na; magkaka-barkada na lang silang magkakababayan. Napangasawa ni Mommy ay provincemate niya.

Napangasawa ng friend niya, ang Daddy ni Arnel from Iloilo. Dahil sa Laguna ang trabaho niya, sa Manila na sila nag-reside. Kami naman sa probinsya. Sa Manila sila nagkikitang magkaibigan. Nang pareho silang preggy, pabiro silang nangako na sila ay magiging magbalae! Later, nag-migrate na sila sa Chicago at doon na ipinanganak si Arnel.

Lumipas ang mga taon. First time nilang mag-balikbayan, dumalaw sila sa amin, sa aming family house. Tamang-tama na may sakit si Daddy. Nagkataon na nandun ako sa ilalim ng punong mangga, naglulutu-lutuan ako sa laruang kalan na binili ni Mommy sa San Nicolas. Kunyari nagluluto ako ng dinengdeng na dahon ng malunggay, nang lumapit si Arnel at ang tanong, “You know how to cook? May I taste?” Natuwa ang aming mga elders. Pareho kami ni Arnel na fi ve years old at that time.

Hindi nakaligtas si Daddy sa kanyang sakit. Kami nina Mama ay nag-migrate na sa California. Palagi ang tawagan, tsikahan ng magkaibigan from Chicago at California, at nag-plano silang sabay mag-babalikbayan, tamang-tama sa Class Reunion, Pasko at Wedding ng bunsong kapatid ni Mama. Three-in-one affair, ayos! Ako daw ang Flower Girl, si Arnel ang Ring Bearer, (pareho kaming nine years old). At sa family house namin sila tutuloy!

GANUN NGA ANG NANGYARI. Isang van kami patungo sa Tagaytay, stop-over sa Anilao, Sa Woodlands kami nagpaayos; sa Madre de Dios sa Highlands ang kasal. Formal lahat. Kinaumagahan, nag-breakfast (brunch) kami sa “The Big Bean” kung saan, natatanaw yan!) namin ang majestic Taal Lake (OMG, ang ganda ng Pilipinas! Hindi ko yata makakaimutan ang view na yan over bulalo, dinuguan at puto, kare-kare, tawilis, at buko for dessert. Ang sarap-sarap!

Sa daang pauwi, namili kami ng lansones at mangga. Sa Dagupan kami nag-lunch over Bonoan bangus. Overnight sa Villa Estrella by the beach, sa San Fernando, La Union. Photo-ops, sa lumang simbahan, mataas na hagdanan at kampanaryo sa Sta. Maria, Ilocos Sur, na favorite shooting location daw ni FPJ. Antique-shopping, sa Vigan World Heritage Site at namili ng mga halaman sa kanilang Hidden Garden. Pilgrimage sa Sto. Cristo Milafoso sa Sinait. Gabi na. Dahil hindi kami gumawi sa Paoay Church, bumili na lang kami ng empanada sa Batac.

CLASS REUNION AT PASKO. Naganap ang pagtitipon ng klasmeyts ng mga Mama namin. Nakapag-Simbang- gabi kami; nag-caroling with other kids on the block; nakipagsigawan kami ng Maligayang Pasko.

Sa kanyang sasakyang Safari, pinasyal kami ni Tito Roland sa Fort Ilocandia sa Laoag at sa mga magagandang tanawin sa amin. Umakyat kami sa mga bundok, nagtampisaw-sa ilalim ng tulay Tamdagan; naligo kami sa Encantadora Falls sa Barangobong, nagmeryenda kami ng isdang nahuhuli nila sa ilog, tupig sa Visaya, nag-boating kami sa Bucana; naglangoy-langoy sa Ilog. Sa picnic, dala-dala namin lutong-bahay, at inihaw namin ang mga isdang nahuhuli nila. taste of home! Oh, Tita Eza, I love the Philippines! Pareho kami ni Arnel.

FAST FORWARD. Tapos na ako ng Education, may Masters na ako from Berkeley. Sumulat ang Mama ni Arnel, at graduating na rin daw si Arnel ng Architecture from Northwestern. Return-bout daw. Pa-Chicago daw kami ni Mama ni Arnel sa Hibachi Grill, kung saang special guest ni Arnel ang girlfriend niyang puti na si McKeena. Naghanda rin kami sa bahay ng Mama ni Arnel.

Pagdating ni Arnel ay nakita niyang nakalapag sa dinner table: bulalo, tinolang manok, dinuguan at puto, kare-kare, pinakbet, fried Bonoan bangus, at ube cake for dessert, napahiyaw siya. Tanong niya sa akin, “You cooked all these? You know how to cook? May I taste?” Sabi ko sa saril ko, “Parang narinig ko na ‘yon, huh!” At nagbalik- alaala!

Mama niya ang sumagot, “Tulong-tulong kaming three ladies, but I tell you she’s a darlin’! We get along well together!” “I should have invited McKeena here,”sabi ni Arnel. “Sana kasama din namin ni Mommy si Ricardo,” sabi ko rin, meaning my BF na Latino.

HINDI GANUN ANG NANGYARI. Kami ni Arnel ang nagkatuluyan. In ten years’ time, meron na kaming tatlong junior architects!

Joanne

__________

Dear Joanne:

Ako ay natutuwa sa iyo. Wag mong mamaliitin ang iyong love story. Walang simple, walang pangkaraniwan. Ang sarili mong kuwento ng pag-ibig pa rin ang pinakamahalaga. Sabi nga sa sa romantic movie na “Love is a Many-Splendored Thing,” “It’s the golden crown that makes a man a king.” Sa love story ninyo ni Arnel, ang sadyang umiral ay hindi lang palabra de honor ng inyong mga magulang, kungdi ang pangako ng pusong nagmamahalan.

For Hearts Day, ibabahagi ko ang theme song, from “Casalanca” movie. It’s still the same old story, a fi ght for love and glory, a case of do or die; The world will always welcome lovers, as time goes by.” HAPPY VALENTINE’S DAY, everyone!

Nagmamahal’

Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top