Don't Miss
Home / Sections / Dear Ate Lena / Love Through Eternity

Love Through Eternity

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Ako ay isang biyuda na may tatlong anak na puro mababait at masunuring mga bata at pawang matatalino at mga scholars sa school. Hindi sila problemang mga anak.

Ako ay muling umibig sa isang lalaking katangi-tangi ang ugali. Mahal na mahal niya ako at ang aking mga anak na tinrato niyang kanyang parang tunay na mga anak ang aking mga anak at gayon din naman ang mga bata sa kanya. Parang nakita nila ang kanilang sariling ama sa kanya. Meron na kaming five years na on at we have been seriously planning our wedding at talagang kaming dalawa ay nagmamahalan.

Ngunit, shock of all shocks, he was diagnosed with lung cancer stage 3, the last time he went to visit his doctor. Devastated kaming lahat at para bang binigyan na siya ng death sentence. Or, are we just over-reacting? Nag-iiyakan kaming lahat. Diyos ko, bakit naman nagkakaganito ang buhay ko?

Sa ngayon ay halos hindi ko siya hinihiwalayan at am making sure na siya ay well taken care of, sa ospital, sa bahay, sa doctor’s office, sa pamamasyal, at sa lahat ng bagay ng kanyang pangngailangan.

Lately, sa aming pag-uusap ay kanyang hiniling na ang aming planong wedding ay aming i-advance at baka siya raw ay hindi na abutin ng aming wedding date. Wala akong maisagot sa kanya at ako ay natataranta sa kanyang bagay na gustong gawin. Ang kanyang reason ay para raw na ako at ang aking mga anak ay siguradong maalagaan kahit siya ay wala na sa mundong ibabaw.

Ang feeling ko ay para namang hindi fair sa kanya, di ba? Tama kayang magpakasal kami, knowing na sooner or later he will be meeting his death? Maria Dolorosa

 

Dear Maria Dolorosa,

Hindi mo ba narerealize kung gaano kang kaswerteng babae sa pagmamahal na ibinibigay sa iyo ng iyong fiance?

In spite of his illness, ang inyo pa ring future ng mag-iina ang kanyang nasa isip. Napakabait niyang tao at mahal na mahal niya kayo. Pambihira ang lalaking ganyan. I respect that.

Ang traditional marriage vows include… “for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do us part.” He knows that at iyan ang iyong iisipin, at alam kong alam mo rin iyan sa dahilang ikaw ay nag-asawa na before.

With prayers and medical advancement, maraming mga tao ang nagsu-survive sa mga sakit na dati ay walang lunas kamukha ng cancer. Who knows? Walang guarantee ang buhay natin dito sa mundong ibabaw, pwedeng buhay na buhay ka ngayon ngunit pwedeng patay ka na lamang bigla sa accident or sa heart attack bukas.

Ngayon niya kailangang kailangan ang iyong pagmamahal, pag-aaruga at oras na iyong maidudulot sa kanyang karamdaman. Ngayon ang panahon na kailangang maipakita mo sa kanya ang mga ito. At ngayon din ang tamang panahon na sundin mo ang kanyang nais na mangyari or last wish sig-uro kung siya man ay papanaw na anytime.

Total, ang mga legal documents concerning his personal properties at iba pa, ay madaling malulutas kung siya ay wala na at kung ikaw ay may legal documents na pinanghahawakan tungkol sa mga ari-ariang gusto niyang maiwanan sa inyong mag-iina. Masyado niya kayong mahal at gusto lamang niyang ipakita sa inyong mag-iina that he cares for you and loves you. Good luck, and wishing for your happiness through eternity. ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top