Home / Sections / Dear Tita EZA / Forget Me Not

Forget Me Not

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Parang kelan lang dumating ang aming mga magulang para mat – ulungan kaming mag- alaga sa aming mga supling. Retired na sila sa atin. Nandito na sila mula noong naipanganak ang panganay. Ngayon, Grade 3 na ang siya, Grade 1 na ang bunso.

Oo, Tita Eza, nakatutulong din sila sa amin, kahit papaano. Pagpasok naming mag- asawa sa trabaho,compante kami na may mara ratnan na tao sa bahay. Pagdating namin, presto, meron na’ng lutong-bahay.

Ang problema ko, Tita Eza, ay ang hindi na mapagkaila na tumatanda narin sila. Hindi narin sila kasing- sigla gaya ng da ti. Bukod sa may rayuma sila, may cataract pa. Pero ang mas malala sa ami n, kung minsan,nakakalimutan nila kung saan nailagay ang susi. Kung nag kukuwento kami, naalaala nila ang pangalan ng mga childhood friends nila noong panahon ng hapon pero hindi na nila maderecho kung anong araw pangkasalukuyan. Alam nila na Martes kung nakalabas ang garbage cans, o Linggo kung kami’y magsisimba. Tanong minsan,. “Ano na nga’ng English ng green clams nahina- half cook natin?”, “Mussels po, Mommy,” sagot ko naman. Kung minsan, bumabalik ang kanilang sulat, kasi walang selyo.Hindi nila ma -solo manood sa DVD, sa kadamidaming featur es ng daladalawang remote control!

Tita Eza, hindi kaya eto na ang umpisa ng tinatawag nilang Alzheimer’s disease? Ayaw namin silang pabalikin sa atin. Mahirap doon ang medical attention. At kung puede lang, ayaw din namin silang ilagay sa Nursing Home. Tita Eza, anong puede naming maitutulong sa kanila ?

Gumagalang,

Teresita ———-

 

Dear Teresita:

Oo nga naman, ano, Teresita, lahat tayo gustong tumanda, pero mahirap din pala. May nagsabi,”Old age can be hell……The heart sleeps wearily all day; the eyes are weak;the ears deaf;strength disappearing because of the weariness of the heart; the mouth is silent and cannot speak; the bone suffers old age;all taste is gone; the heart is forgetful and cannot recall yesterday…..”

Kaya sa pagtanda din mismo ng aming sariling magulang, nagbabasa din kami ng articles, o nag-a-attend kami ng seminars about aging. Tungkol sa tanong mo kung may “Alzheimers” na nga ang iyong mga magulang, i-share ko sa’yo ng aking natutunan. Mangyari po lamang na di ako doktor, kundi social worker.

1)Tayo lahat,at any age, ay nakakalimot din. At age 80,medyo mag-start na raw mag-decline ang ating faculties. Pero hindi naman yan ang general rule. Mga iba diyan, at age 90, nakakasayaw pa ng maayos,nakakasulat ng libro, o nakaka-inbento pa, nakakapag- doctor pa sila.

2)Nakakalimot tayo paminsan minsan (information overload), pero kung gaano madalas ang minsan, at nakaka-abala na o nakakasagabal sa familia, tawag na dun ay dementia.

3)Maraming possible causes ng dementia katulad ng: depression;medication side effects; excessive alcohol; thyroid problem; poor diet;vitamin deficiency; certain infections; o Alzheimer’s disease and other related dementias( like Parkinson’s, stroke, tumor,etc.

Kaya ang payo ko sa’yo, bring your folks to your doctor for their general check-up ( blood works).

4) Ang dementia ay isang syndrome..Alzheimer’s is a disease,kung saan ang dementia ay isa sa mga sintoma.

5) Maraming bagaybagay ang tumbukin sa sakit na eto, pero for this purpose, sapat siguro na alamin natin ang mga basics, tulad ng danger signs:

-memory loss.nakakalimutan ang important dates or events.

-challenges in planning or solving problems.Nahihirapan sumunod sa mga instructions o recipes, kahit dati naman niyang ginagawa;

-difficulty completing familiar tasks; Nakakalimutan maligo o mag-toothbrush;

-confusion with time or place.Kung minsan, nakakalimutan kung saan sila o kung saan pupunta;

-trouble understanding visual images. Nahihirapan magbasa o mag-tantsa ng kulay o distansya; kaya kung minsan, nawawala.

-problem in carrying a conversation. Kung minsan hihinto habang nakikipag-usap dahil nakalimutan ang ibig niyang sabihin;

-nakakalimutan kung saan niya inilagay ang mga importanteng bagay; ilalagay kung saan-saan, at hindi na niyang alam hanapin;

-mahina na siyang magdesisyon;

-pagod na; ayaw na’ng mag- trabaho, o bumalik sa kanyang dating hobbies; inaayawan makitungo sa tao;

-nagbabago ang kanyang mood o personality. He is no longer his old self.

6) Depende sa kalala ng problema, tignan ng doctor kung anong stage sa 1-10 ang pasyente. Kung stage 1 ( kung saan maraming elderly), normal pa lang; no impairment.

Repeat, go to the doctor as soon as possible. Leave the treatment to the experts.Symptoms may improve when the underlying cause is treated. Huwag mo na’ng antayin na mag-progreso ang decline hanggang sa later stages, na kung saan hindi na nila mataandaan kung kumain na sila o hindi pa, o mismo ikaw ay hindi ka na kilala.

At dahil sa, in spite of extensive research, wala pa raw paraan to prevent Alzheimer’s disease, ang magagawa daw natin is to maintain brain health. Let your folkks eat a low-fat diet, fruits and vegetables. Exercising regularly, and staying mentally and socially active may also help protect the brain.

“Do not ask me to remember. Do not try to make me understand. Let me rest and know you are with me.

Kiss my cheek and hold my hand, I am confused beyond your concept. I am sad and sick and lost.

All I know is that I need you to be with me at all cost.Do not lose your patience with me.Do not scold or curse my cry

I can’t help the way I am acting.Can’t be different though I try. Just remember that I need you, that the best of me is gone.

Please don’t fail to stand beside me, love me till my life is done.” (anonymous from page 6 of black journal). ———-

 

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top