Home / Sections / Dear Tita EZA / Tinimbang Ka Ngunit Kulang

Tinimbang Ka Ngunit Kulang

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Sa Clark Air Base Hospital nag-meet ang aking parents. Nang nag-supervisory visit ang Daddy ko, connected with Boeing International, nagkasakit siya at doon niya nakita ang Mommy ko, from Pangasinan, Laboratoty technician, pinag-aral ng Uncle niya sa Clark. It was love at first sight for my Dad, with his smiling Irish eyes, pinakasalan at inuwi niya si Mommy sa Massachusetts.

I was the only child. Ang alam kong bahay ay sa 9th floor ng isang exclusive condo, overlooking the Lake, sa isang high-end resort. Homeowner’s fee lang namin humigit sa $180sa isang buwan. Papalit-palit at tig-iisa kami ng kotse; may sarili kaming yacht, na may parking fee ng $600 isangtaon. Life was good, hanggang ng matamaan si Mama ng Alzheimer’s. Nagtutulungan kami ni Dad mag-alaga sa kanya, kaya lang nang nakapasok akong magtrabaho sa TV, fulltime, nag-umpisa akong mag-scout for a caregiver.

Sa isang potluck party, natikman ko ang dalang bibingka ni Vina. Nagustuhan ko ‘to kaya nagpakilala ako sa kanya at umorder ako ng dalawang tray. Wala pa raw siyang dalawang taon sa America kaya kaliwa’t kanan ang kayod niya makapagpadala man lang ng pera sa kanyang mga magulang.

Nang magdeliver siya sa condo namin, nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata na tila noon lang nakakita siya ng ganitong bahay. Si Papa noon ay nasa balkonahe at nagbabasa ng diyario. Ginawaan nito si Vina ng kape. Nagpakitang-gilas sa sipag si Vina ng siya’s aming ihire, kaya’t madaling nagkagaan ang aking loob.

Magaling si Vina magkuwento ng buhay niya, kaya’t sa awa ko, dinagdagan ko ang bayad niya ng dalawag tray na bibingka. Binigyan ko pa sya ng mga mamahaling damit na hindi ko na sinusuot.Tuwang- tuwa siya, dahil siguro wala sya nito sa atin. Mahirap lang daw sila dahil may anim na na taon niyang naiwan ang kanyang yumao ng asawa na inaalagaan ng parents niya. Bukod pa doon, ang bago niyang asawa dito sa States, puti, ay pangkasalukuyang unemployed. Nagulat ako nang sabihin ni Papa na gusto niya si Vinang maging tagapag-alaga kay Mama; sumang-ayon naman ako.

Giliw na giliw si Papa kay Vina dahil mabait daw ito, makuwento at maasikaso. Bilang ganti, sa kung day-off kukukuha kami ng reliever niya para makalabas sila ni Papa, para makapaglibang naman sapag-da-drive na dating kinagigiliwan niya.

Walang anu-ano, nahalata ko na madalas na paglabas nilang dalawa, biglang nagbago ang sigla ng aking ama– naging masayahin syaat bihira na siyang nalulungkot at nayayamot. Ganun din kay Vina, umuusbong rin ang kanyang natural na kagandahan, na pinamukadkad ng kanyang bagong mamahaling damit, sapatos, at mga bags na Louis Vuitton, Michael Kors, at iba pang signature brands. Sa Facebook, pa-posing posing siya sa tabi ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Lamborghini, Jaguar, Audi, at iba pamg luxury cars. Peks man, ni hindi ko ‘to binigyan ng malisya. Sabi ko sa sarili ko, kodak lang naman ; may sahod naman si Vinang pambili ng kanyang gamit. At dahil dito, ipinnagpatuloy ko ang pagtitiwala sa kanya.

Isang gabi, inatake sa puso si Papa; galing bangko, at hindi na siya nakaabot sa hospital, Nagkataon na wala noon si Vina. Kinaumagahan, may tawag sa bahay galing bangko. May nag-e-encash ng malaking halaga, For security reasons, tinitiyak nilung kung legitimate ang claim. Nakapangalan ang tseke kay Vina at si Papa! Address nila ay sa bahay!

Sa tinding-galit ko, hinalungkat ko lahat ng mga papeles ni Papa. Sa credit cards nandun ang mga ebidensya sa pagwaldas ng aming pera sa pamimili ng mamahaling kasangkapan! Ang pinakamasaklap, Tita Eza , ay ang mga kodak na malalaswa, ayoko nang tignan at isipin pa!

Inabuso ni Vina ang kabaitan ng aking mga magulang. Tama ba kumg kasuhan ko siya sa kanyang pagsasamantala sa kanila na parehong may eded na at wala ng tamang pagiisip?

Sophia

__________

Mahal kong Sophia:

Nakikiramay ako sa’yo sa mga pangyayari sa inyong pamilya.

1) Ito ay maliwanag na abuso de confianza, pure and simple. Alam kona nasasaktan ka dahil instead na alagaan ang iyong Mama, nilapastangan pa! Sa loob pa ng kanilang sariling pamamahay! Dakilang- api ang iyong Ina, na walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

2) Carabaos eat young grass; it happens. Siguro, plano ng Dad mo pang-pasar tiempo lang si Vina; sabi siguro, init lang yan. Kaya lang “magaling man ang matsing, nauutakan din!”

3)Doble nasasaktan ka dahil sa kaibigan mo si Vina. Ayan,”don’t judge a book by its cover!” Siguro natatakot ka na nilalahat ang Pilipina caregivers -mandurugas. Sophia,etomg masasabi ko: nangyayari din yan sa ibang lahi. Hindi naman monopoly ang Pilipina caregivers ay manggagantso.

Sa tanong mo, ang puedeng kaso dito ay extortion. Kaya lang, baka hahantong ‘to sa korte, let us not discuss the merits of the case. Sasabihin na naman dito, “until proven guilty; beyond reasonable doubt…etcetera, etc.i

Ang anggulo na puede mong atupagin ay kung anu-ano naman ang masasabi ni mister sa luho ni Vina. Tutol ba o kasangga aiya? Nagtatanong lang naman. “ Ang nagtatanim ng hangin, bagyo ang aanihin!”

Nagmamahal,

Tita Eza\

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top