Home / Sections / Balitang Artista / Megastar Sharon Cuneta Pays Tribute to Veteran Actor Eddie Garcia

Megastar Sharon Cuneta Pays Tribute to Veteran Actor Eddie Garcia

“My heart is broken…” Nagpasalamat ang singer-actress kay Eddie na tinawag niyang “my Direk, my Tito Eddie…”

Bahagi pa ng mensahe ni Sharon: “It is truly the end of an era.

“Hindi na maaaring ibalik ang napakaganda at kagalang-galang na kagandahan ng showbiz noon…

“Kokonti na lang ang mga artistang ‘old school’ na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o ‘maliliit’ ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista.”

Patuloy ng Megastar: “Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo…

“Mahal na mahal ko po kayo…May you rest in God’s arms and we, those who have had the privilege of working with you, shall remember all that you stand for, and do our best to keep your legacy alive, because you have made us all a part of it…”

Kalakip ng mahabang mensahe niya tungkol sa nagiisang Eddie Garcia ay isang smiling photo ng award-winning actor at isa sa famous quotes nito, “Do it well, no matter how small.”

artista3

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top