Home / Sections / Dear Tita EZA / It Takes Two

It Takes Two

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Mula’t sapul, wala sa agenda ng aking mahal na kabiyak, si Peter, ang magpunta ng States. Noon pa man, palaging sinasabi, “Ano ako, hilo? Only to be a second-class citizen doon? No way!”

Kampanteng-kampante kasi sa trabaho niya sa atin bilang Administrative Officer ng Daddy niyang Mayor for three terms. Pero nang nag-iba ang ihip ng hangin ng politika, at “roll your mat, “sabi ng bagong administration sa mga empleado, napilitan din siyang sumama sa akin nang na-approve ang aking work permit bilang nurse sa Condell Hospital sa Gurnee, Illinois.

Kasama namin ang dalawa naming supling – si Jenny,5, at si Gigi,

3. Tumuloy kami for the meantime sa duplex ng eldersister ko and family, sa bungad ng Lake Geneva, Wisconsin, malapit sa Gurnee.

With his work permit, nakakuha si Peter ng trabaho bilang taga- grill ng chicken ng local tourist Restaurant “ Popeye,” for their Rotissiere specialty. Pang-araw siya, pang-gabi naman ako, pag matutulog sa araw bumabawi. Nagkakasalubong na lang kaming mag-asawa sa garage o sa pintuan.

Okay pa naman sa umpisa, pero lately, napupuna ko ang disgust ng aking mahal na asawa. Tuwing day-off naming sabay-sabay, wala na akong narinig kungdi, ”Ewan ko ba kung bakit tayo pumunta-punta dito. Wala na akong ginawa kungdi maghugas ng pinggan, maglaba, mag-rake ng dahon sa Fall, mag-plow ng snow sa Winter…. Uwi na tayo!

At first, these were music to my ears, dahil naiinntindihan ko naman siya. Panganay, medyo may pagka-laki sa layaw. A.O.; nasusunod lahat ng utos niya sa office. Sa pilitan lang sumama sa amin, to run away from the political brouhaha. Kaya lang, napupuna ko, dumadami ang bote ng beer sa aming fridge. Pati yan , naintindihan ko. Paano, politiko siya sa atin, ‘daming kaibigan.

Kaya lang, sa pagod at sa puyat, nasasagot ko na rin, “ Eh, ako, ano bang akala mo, natutulog ako sa ospital habang nag-duduty?” Kung ganyan na umiinit na ang alitan namin, kakatokin na ni Ate ang dividing wall ng duplex. Saka na lang kami hihinto.

Hindi na ako natutuwa, Tita Eza. Anong gagawin ko para na lang gumaang ang aking hininga?

Gumagalang, Brenda

 

Dear Brenda:

A management man himself, siguro agree sa akin si Peter na the family is a basic management unit. Your family is suffering from burnout syndrome. Na cu-culture shock. Kaya yayayain ko kayong dalawa – I really mean it, kayong dalawa ( It takes two to tango, you know) to look into your family.

1) Planning -Di ba, sabi mo na sa gipitan lang sumama si Peter sa inyong mag-iina — to escape from the election brouhaha? Hindi niya ma-realize na ang hirap yata pumasak dito sa estados unidos ? Mga iba diyan, nakikipagpatayan, o di kaya magkakalkal sa basura, hahamakin ang lahat?

If ever makahanap ng trabaho, hindi sila namimili, and have to start from the bottom. Kay Peter, baka matuklasan pa ng employer mo ang iyong potential at at gawin kang Head ng Unit. Kung sa akala mo, you are a square peg in a round hole, isipin mong pansamantala lang. You can take it up from there.

2) Hindi yata kayo magkatugma ng Vision, Mission, and Goals (VMG). Ang pagpapalaki ng mga bata at pagpa-aral sa kanila, with the opportunity to go to the best schools in the country, would tip the scales.

3) Teamwork -By this time, Peter should accept the DIY work ethics in Amerika, puwera lang sa mga nakaka-afford mag-hire ng maid. Paala-ala lang. Do everything with love. While in business, it is a 50-50 proposition; sa pagmamahal, it is 100-100.

The two of you should talk as to how to make life easier. Strategize. The one who works the longest is not necessarily the best worker. Thank God for the microwave, washing machine, dishwasher, vacuum cleaner, snow blower……. !

Brenda, you have given me your side of the story. Baka duty ka rin ng duty , running after the mighty dollar. Don’t kill the goose that lays the golden eggs. Take time to smell the flowers. Your family needs shared (R rest and relaxation (R & R). Sharpen the saw, kung baga.

Kung gusto ni Peter magbakasyon, pagbigyan ang hilig. Miss niya ang kanyang barkada. The way they were. Huwag lang naman madalas ang minsan. Sabihan mo lang na preno lang kay San Miguel.

Make him miss you, too. And the kids. Babalik din ‘yon.

Nagmamahal, Tita Eza

‘Oh, we ain’t got a barrel of money; Maybe we’re rugged and funny; But we’ll travel along, Singing a song, side by side Through all kinds of weather; What if the skies would fall; Just as long as we are together, it doesn’t matter at all. Oh, we don’t know what’s coming tomorrow; Maybe it’s trouble and sorrow; But we’ll travel the road, Sharing our load, side by side.” “Side by Side”, sung by Brenda Lee

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top