Home / Sections / Dear Tita EZA / Paurong Yata Ang Daloy ng Ilog

Paurong Yata Ang Daloy ng Ilog

pacita-ramiro-pacis

By: Pacita Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza: Nakaka-aliw naman ang Facebook dahilan sa nakakatulong mag-reconnect ng mga kamag-anak o di kaya magkakaibigan, tulad ng nangyari sa akin.

Bagong- bago pa noon ang FB, di pa masyadong uso ang Messenger, nang biglang nag-pop-up ang friend request ni Arthur, a long lost friend.

Kababayan namin ang tatay niya, at from ibang bayan naman ang nanay niya, kapitbahay namin ang lola na siyang dinadalaw niya sa weekends hanggang yumao nito. Sa lamay ng kanyang lola, nagkaroon ng isang katuwaan na matchstick game, at kami ang nagkapareha.

Mula noon kami ay nagsusulatan, bagamat friendly letters nga lamang, bagkus pareho kami ng probinsya. Ngunit after graduation from high school, wala na kaming balita sa isat’ isa. Lumipas ang mga taon, marami na’ng tubig lumisan sa ilalim ng tulay, until the Facebook’s Messenger incident.

Tinaggap ko naman ang kanyang FRIEND REQUEST at simula noon ay nagpalit-palitan kami ng balita tungkol sa aming pamilya at happenings. Pareho kaming apat ang mga anak, at marami nang mga apo. Pareho kaming happily married.

Natuklasan namin na pareho pala kaming pinasukan na unibersidad, nag-transfer nga lang siya, nag- join ng Navy, pumunta sa Amerika na dala mga anak, kaya lamang sa masamang- palad, nagkasakit ang misis (dating klasmeyt niya sa college) at namatay. Umuwi ang aking friend na mag-isa sa Pinas for good, iniwanan ang mga anak na lahat propesyonal na at stable at may kani-kaniyang pamilya.

For quite some time na ngayon, sa atin, happy bachelor siya uli, eka nga, most soughtfor veteran, hanggang naakit siya sa isang cute na empleyada sa municipal govenment, 12 years his junior.

Ang pinagtataka ko lamang sa dami ng kanyang maraming friends sa FB, iilanilan lamang ang FB friends ng new misis niya.

Then, nagulat na lang ako na nakita kong mismo pi-nost niya sa wall ng isang kaibigan niya ang signature song ni Ogie Alcasid na “Sana Ikaw Nga,” kung saang sinuklian naman ang naturang dalagita ng isa ring nakakabagabag na katapat galing kay Regine Velasquez!

Meron pang isa sa HongKong na halata mong me crush sa kanya. Meron pang isa na kasama- sama nilang magka- barkada mag-disco. Meron pa siyang tila sinunda-sundan hanggang Isabela. Meron pang isang naka-bathing suit sa exclusive resort sa Hannah’s sa Pagudpud, caption niya, “Alone.” Kaya lang, pinaka-masaklap na yata noong siya mismo nag-message sa pamangkin ng misis nya na pangkasalukuyang scholar sa Macau, “ I love you,” at nag- Like naman ang beloved niece. Palibhasa, American citizen ang aking dating penpal!

Hindi ko na napigilang itanong sa kanya kung ang mga ang mga FB friends niyang ito ay nababasa ng kanyang maganda at batang-batang kabiyak.

Ano pa nga ba, kinaumagahan, in-unfriend niya ako!- Bakit naman kaya? What did I do wrong? Tita Eza, ano kaya kung mag- friend request uli ako sa kanya? Gumagalang, Perlita

Dear Perlita: Ano bang problema mo talaga? Ang proper name sa iyo dapat ay Facebook Snoop or Facebook Stalker. Dapat lamang na ma-unfriend ka ng iyong FB friend. Nagmamahal, Tita Eza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top