Home / Sections / Dear Tita Eza / Sana Dalawa Ang Puso Ko

Sana Dalawa Ang Puso Ko

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Pacis

 

Dear Tita Eza:

Unica hija po ako, apple of the eye ng Mommy ko. Single mom siya kaya sa akin lang umiikot ang kanyang mundo.

Upon my college graduation sa Vigan, nag-file siya agad ng early retirement from her teaching job para masubaybayan akong maghanap ng trabaho sa Manila.

Nangupahan kami ng apartment sa San Diego, Sampaloc, Manila, magkalapit sa unit ng elderly lady, with seven children.

Si Romy, ang kanilang panganay, was “the boy next door”. It was love at first sight. Whirlwind romance. Madaliang kasal.

Suerte naman ako kasi mahal na mahal ako ng aking biyenan at ang kanyang buong angkan. Kahit lumipat si Romy sa unit namin ni Mommy, we remained close to my in-laws na parang tunay nilang kapatid.

Nang dumating si Baby Marie, naisip ni Romy’ng pa-States, para magsumikap. Nag-board siya sa Waukegan; mabait daw ang kanyang young and beautiful landlady. Maganda ang kanyang trabaho, nawili siya, habang nawili din ako sa pinapasukan ko. At that time, patok na patok pa ang Avon products sa atin.

LUMIPAS ANG PANAHON na di namamalayan. Nang five years old na si Marie, expected na i-petition na kami ni Romy. Dahil sa may natitira pa sa lumpsum ni Mommy from her retirement, sinamahan niya kami ni Marie sa biyahe.

Pagdating naming sa Waukegan, nahalata namin ang kakaibang closeness ni Romy sa kanyang landlady. Hindi naman ito nagsinungaling nang sumbatan ko. Mabait nga ang kanyang landlady, kasama ang asawa ko, inalok na sama-sama kami under one roof. Three-in-one, OMG!

You can just imagine, Tita Eza, ang pagbagsak ng langit sa amin ni Mommy. Kahit hindi kami nag-diskusyong mag-ina, nahulaan ko ang kanyang iniisip. Nag-empake kami ora mismo, lumipat kami sa isang pinsan niya close by, at bumalik kami agad sa Manila.

SUBSOB AKO SA TRABAHO, Tita Eza , at tinuring ko na lang na masamang panaginip ang nangyari. Samantala, hindi rin napakali ang aking biyenan. Sa kanyang tulong, nakonbinsi nila si Romy na alalayan ang kanyang anak, lalo na sa kanyang pagkuha ng Medicine sa UST.

Pinagpala naman ako ng Diyos sa aking trabaho, Tita Eza, I think I made a good employee and later as a district mananger, ipinadala ako sa Chicago, Tita (Chicago pa naman!) habang binantayan ni Mommy si Marie sa kanyang pagaaral.

Dito na ako nakatagpo ng tunay na nagmamahal sa akin, and with the blessings of my Mom and biyenan, and her whole family, kinasal kami ni Reggie.

Eh, si Romy? Nag-ayos din sila ng lubos ng Mama niya. Pinetition niya ito, at ang tatlong kapatid. Yung tatlo, based na sa iba’t-ibang States. Invited nga kami sa kanilang mga parties, latest of which was when she celebrated her 90th birthday. Nakakasayaw pa siya, na ikinatutuwa ng kanyang mga anak at mga apo. Doon, nagkikita kami ni Romy. Friends na kami at ang kanyang misis. Dalawa rin ang anak nila.

Doktora na si Marie sa isang rehab clinic sa Streamwood; nurse na rin si Deanna (anak namin ni Reggie) sa Cook County. At friends silang apat na magkakapatid!

All is well that ends well, di ba, Tita Eza? Kaya lang, kung minsan naiisip ko, ano kayang nangyari kung noon ay pumayag ako to stay behind?

Gumagalang, Alicia

———

Dear Alicia:

Ang tawag kung bakit hindi ka nagpa-iwan noon: self-dignity!

You just did not want to lose your self-respect in trying to make people love and appreciate you when they themselves were just not capable.

Magpasalamat ka na sa mother-in-law mo (one in a million!), natauhan din sila!

“ I shall be thinking this with a sigh;

Somehow ages and ages hence

Two roads diverted in a wood, and

I took the one less travelled by and

That has made all the difference.

-from “The Road Less Taken” by Robert Frost

Nagmamahal, Tita Eza

————–

“Dear Tita Eza” is based on true stories. Names and other circumstances, however, have ben fictionalized to hide the identity of the characters involved. Any similarities therein are purely coincidental.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top