Home / Sections / Dear Tita EZA / Sa Dulo ng Walang Hanggan

Sa Dulo ng Walang Hanggan

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Apat kaming magkakapatid, lahat babae: ako, physical therapist dito sa Chicago; dalawang nurse, isa sa Texas, isa sa California; isang high-school teacher sa amin sa Iloilo.

Noong nandun pa kami sa amin, single pa and making good in our jobs, nagambag-ambag kami, nag-loan sa DBP (Development Bank of the Philippines) para matulungan namin ang aming parents upang ayusin ang bahay at magpatayo ng 5-bedroom, 3-story building in the heart of the city. Tig-iisa kami ng unit sa second and third floors, samantalang kina Daddy at Mommy naman sa unang palapag, adjacent sa “Four Sisters’ Boutique and Beauty Salon ni Mommy. Ang Daddy naman ay connected sa City Assessor’s Office.

Nang medyo mababayaran na ang aming loan, nagkasakit si Mommy ng malala. Sa kagustuhan naming humaaba pa ang kanyang buhay, dinala namin siya sa China upang magpagamot sa isang tanyag na Healer. Sa masamang palad, hindi nakaligtas si Mommy. Nagpare-structure pa naman kami ng loan, na hanggang ngayon ay aming binabayaran.

Kaming tatlo dito sa States ay nagpapapadala sa aming bunsong kapatid ng aming bayad na sa kasalukuyan ay high school teacher sa Barotac Viejo, kung saan siya nakapag-asawa ng agricultural engineer/enterprising farmer. Nag-request siya na palit sila ng Daddy ng unit dahil wala na rin lang si Mommy upang mag-asikaso sa Boutique. Pansamantala, ngayon na wala na si Mommy at wala nang mag-asikaso sa Boutique, ang upa ng Boutque ay para kay Daddy na lang na sa pangkasalukuyan ay retired na. At ang upa ng residential unit ay ibabayad sa share ni bunso sa loan. Cuentas claras.

Kami naman dito sa States, pinapadala namin ang aming share sa bunso, at siya na ang taga-bayad sa Iloilo City, at doon na rin niya dinadalaw si Daddy na pangkasalukuyan ay retired na. Nag-iisa na lang siya sa upper floors, pinaupahan ang Boutique, at nakatira na rin ang store manager and his family sa kabilang unit.

Lumipas ang mga taon……..Ikakasal ang aking best friend sa atin, at ako ang principal sponsor. Pagkakataon ko na ring dalawin si Daddy.

Sa gusto kong surprise visit, di namin ipinaalam kay daddy at sa aking bunsong kapatid. Pagdating namin ng asawa’t anak sa bahay, sinalubong kami ni Daddy at ng bago niyang kabiyak – ang dati raw high school sweetheart! Nang pumasok kami sa kanilang unit, nakita ko ang bagong anyo ng bahay. Pumasok ako sa kuarto na dati kay Mommy, wala na ang mga gamit niya – – damit, alahas, pabango, mga hilig ni Mommy. Sumabog ns bigla ang aking dibdib, at rapid fire na ang pinagsasabi ko!

Nang sumagot din ang Tatay, na sa pagkaalam ko ay isang silent-wise.. “OMG, what has America done to my child?? I know I didn’t bring you up to talk back to your father like that! Sa pagka- alam ko namang inglisera siya, pero ngayon ipinapakita niya sa akin ang sobra niyang dunong! Ano bang ipinagmamalaki mo? Hindi sa humihingi ako ng pag- respeto, pero sa inyong pang-unawa, but it was lonely down here. Oo nga naman, nagbabayad kayo ng loan, bank-tobank, pero hanggang diyan na lang. Kung nag-sesend kayo ng cards sa special occasions, Dear Daddy lang, tapos Love, Janice. Anak, Salamat sa codo, subalit sabi ni Luther Vandross sa kanyabg hit single “ A house is not (always) a home…..

Natauhan ako, Tita Eza. Hind na rin kami tumuloy sa aming unit. Nag-check-in kami sa malapit na hotel. Pagkatapos ng wedding ng aking best friend, balik-Chicago na kami. Masama pa rin ang loob, Tita Eza. Ano ba ang nagawa ko?

Gumagalang, Janice

—————–

Dear Janice:

Not to make any comparisons, sa ating kultura, pero sa atin, umiiral pa rin ang Golden Rule : He who has the gold, rules. Doon, very paternalistic tayo. You can never answer your father back. Habang dito, you can, which is good, because you can give what you are trained for to assert your individuality.

Pero sa nangyari sa inyo ng Daddy mo, ganyan nga ang pamilya, Janice. Like branches on a tree, we all grow in different directions yet our roots remain the same. “Kahit papaano,Tatay mo pa rin siya. Hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Tanong mo, anong ginawa mo? Tanungin mo ang hindi mo nagawa. Let me remind you of what Margaret Elizabeth Sangster said in her “Sin of Omission,” that we learned in our youth:

“ It isn’t the thing you do dear; it’s the thing you leave undone; that gives you a bit of heartache at the setting of the sun.

The tender words unspoken, the letters you did not write, the flowers you did not send, dear, are your haunting ghosts tonight.”

Nagmamahal.

Tita Eza

—————–

“Dear Tita Eza” is based on true stories. However, names, have been changed and circumstances fictionalized to protect the identity of the characters involved. Anny similaraties whatsoever are purely coincidental.

——————-

Back in the Philippines, Pureza Ramiro Pacis used to be an elementary grades teacher, high school teacher and social worker rolled into one. An ABSW ’61, UP Diliman and MDM’99 AIM, Makati graduate,she retired in 2004 as Asst. Director of DSWD Region I, SFLU Both from vintar, Ilocos Norte, she and husband Nick Pacis have since been residing in Barttett, Illinois for the past eleven years.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top