Home / Sections / Dear Tita EZA / May Bukas Pa

May Bukas Pa

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Laking probinsya at laking hirap po ako mula sa pagkabata ng iniwan kami ng aming ina. Si Tatay lang po ang nag-aruga sa amin pero di po sapat ang kanyang kinikita bilang karpintero, kung kaya’t iniwan po kami ni tatay sa aming lola na saksakan po ng lupit. Bugbog sarado po ako sa lola ko, pero kailangan ko pong tiisin para mabuhay kaming magkakapatid. Nanduong nangalakal po ako ng mga basura sa murang edad upang makatulong ng kaunti ang aking kinikita.

Nang ako’y magdalaga na, nakakilala po ako ng lalaking akala ko’y magmamahal sa akin subalit niloko lang po nya ako at iniwanan nya ako ng ako ay magbuntis. Wala po akong ibang choice kundi ang mamasukan sa isang beer house na kung saan ko nakilala si Sergio, biyudo at may isang anak. Kapwa kami may anak sa una, kung kaya’t nagkasundo kami. Good provider si Sergio, dahil isa syang bodyguard ng mga matataas at kilalang politician sa lugar namin. Akala ko’y tuloy-tuloy na ang saya sa buhay ko ng magsimula ang isa pang kalbaryo ng pinagbubuntis ko ang aming panganay. Duon ko napag-alaman na babaero itong si Sergio, na naroong bugbugin nya ako kahit ako’y kagampan na.

Hindi po ako nawalan ng pag-asa sa buhay. Patuloy po akong nagdarasal na sana’y marinig ng Diyos at makita nito ang aking mga kahirapan. Hanggang isang umaga ay may dumating na sulat sa Immigration, na naapproved ang petition ng kapatid ni Sergio at kasama akong nakaalis ng Pilipinas. Iniwan ko ang aking panganay na anak sa aking tiya at dito ako nagsimula.

Dahil sa aking skills sa paggugupit ng buhok, naging self-sufficient ako at nakapagpatuloy ako ng pag-aaral. Hindi pa rin po nagbabago si Sergio, very controlling, at nananakit pa rin. Tiniis ko na lang po, at patuloy na nanalangin.

May isang araw na parang di ko na kaya pa ang mga pang-aabuso at pananakit ni Sergio, kaya po ako ay pumunta sa isang tulay bandang Sarasota, Florida at binalak ko na pong wakasan ang lahat. Nang naruruon po ako, ay bigla na lang pong tumunog ang telepono, and out of the blue ay tumawag ang tatay ko. Sa kanya ko ibinuhos ang akong mga sama ng loob sa mundo. Galit na galit si tatay at gusto nyang patayin si Sergio, pero ano ang magagawa ni Tatay, matanda at mahina na ito.

Subalit, talaga pong mabait ang Diyos at narinig nya ang aking mga dasal ng si Sergio ay nasangkot sa isang bakbakan, siya’y nagkakaso at baka makulong dito sa Amerika, siya ay biglang nagdecision na umuwi na ng Pilipinas dahil sa gulong kanyang kinasangkutan.

Para po akong nabunutan ng isang malaking tinik. Mahirap mag-isa subalit mas gusto ko na pong patayin ang sarili ko sa paghahanap- buhay at malaya sa pananakit ni Sergio. Nuong mga unang ilang buwan ay nagpapadala ako sa kanya ne pera, pero ng malaman ko ang mga pang-bababae nya at mga bisyo, ako na mismo ang gumawa ng dahilan at hindi ko na siya kayang tustusan. Nananakot po sya, lalo na po ngayong alam nyang may isang lalakit naghahandog ng magandang buhay para sa akin. Ano po ang aking gagawin?

Gemima!

__________

Dear Gemima:

Sana i-su-suggest ko sa’yo ang Hotline Assistance for Suicide Attempts pero mukhang nabunutan ka na ng tinik. Sa tulong ng iyong mga dasal, nabigyan ka ng kalayaan sa buhay. Bilang pasasalamat, share your blessings. Surprise a client with a free haircut. O di kaya, offer a free haircut for the homeless. It will make you feel good.

Kaya lang, mukhang nami- miss mo rin ang tinik na lumisan na nga. Ganyan talaga ang dynamics ng battered women. They easily forgive and forget. Konting kiliti at isang halik lang, limot mo na kung minsan. Gemima, bigyan mo ang sarili mo ng dignidad. You deserve it! Life is beautiful!

Nagmamahal, Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*