Home / Sections / Dear Tita EZA / LAGRIMAS

LAGRIMAS

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Mula’t sapul, nagtataka ako kung bakit Lagrimas ang ipinangalan sa akin. Bata pa ako ay tinanong ko ang tiyahin kong nag-aruga sa akin at kinuwento naman na hindi daw nakaraos ang Nanay noong ipinanganak ako, kaya siya na nga ang nag-aruga sa akin. Ilang taon lang, sumunod ang Tatay, kaya patuloy na siya na ang nag-alaga sa akin.

Single siya at ako ang naging buhay niya. Pinag- aral niya ako at hindi ko naman siya binigo. Strike one ko ang accounting board exams at naging isa ako sa mga kauna-unahang accountant na babae sa bayan namin sa Laguna. Sa tulong- tulong naming dalawa, nakapatayo kami ng rows ng apartment sa amin. At sa Manila, nakakuha kami ng dalawang condo, para sa amin ang isa, pinapaupahan namin sa dayuhan ang ikalawa.

Pag-ibig? Puede kong ipagmalaki na masunurin akong pamangkin. Wala sa akin ang mga crushes tulad ng aking mga kaibigan. Meron yung isang matindi ang crush sa akin, at natuwa naman ako na una niyang linigawan ang tiyahin ko, kaya di na siya nahirapan sa akin.

‘Kala ko totohanan na ‘to, Tita Eza, kasi umutang pa siya ng puhunan ke Auntie, para may seed money daw kami sa business. Pinadagdagan pa ‘to, ngunit natauhan na lang kami noong umalis siya papuntang Saudi. Goodbye, puhunan; goodbye,utang.

Hindi ko sasabihin na di sumakit ang loob ko, Tita Eza. Sa totoo lang, nag- promise ako sa sarili na di na ako magtitiwala pa kanino man, sa atin o dito sa America.

Pero sa sa isang travel ko papuntang ibang state sa isang convention ng companya naming Frigidaire, nakasabay ko itong isang kabayan – divorce lawyer from Chicago, sa Pinas pinanganak,very personable, silentwise, scholarly, nerd, sa US siya nagtapos at nakapag-asawa, at sa kasalukuyan ay divorced.

Naka- dalawang taon yata kaming nagka-ibigan, at sa habang panahon na yan, marami akong natuklasan na kaibahan ng ugali naming dalawa. Sa araw, tahimik siya, tipong cannot hurt a fl y, pero sa gabi, sa sunod-sunod na San Miguel, palagi kaming mag- de-debate tungkol sa anuano mang bagay. Hindi lang minsan na nag- attend kami ng party, ako na’ng driver pauwi sa kalasingan niya.

Kung di man beer kaharap niya sa gabi, tv naman, pero gusto niya solo lang niya dahil mga type niya heavy movies-war, horror, mystery, whodunit – na nakakatulong daw maglutas sa kanyang mga kaso.

Dahil sa dito siya lumaki, pa-sandwich-sandwich lang siya, kaya patakaran namin, k.k.b.,kanya-kanyang bayad, kanya-kanyang bank book. Minsan sa Woodfi eld, nakita siya ng best friend ko na naka- akbay sa isang chick. Hindi ko na sanang aalamin ngunit sinabi din ng isa ko pang kaibigan ang sighting sa kanya. Nang siya ay aking kinausap tungkol ditto, sinuyo niya ako at niyayang magpakasal. Sa Pre-Marriage Counseling, napuna din ng counselor na hindi kami compatible sa maraming bagay, lalo na sa pagkakaroon ng anak, na tinuturing niyang sagabal daw sa career na siyang dahilan ng kanyang pagkahiwalay sa fi rst wife niya. Payo ng counselor na pag-usapan daw namin itong mabuti. Ano’ng sagot ko sa marriage counselor? Tuloy ba ang wedding o hindi?

Nasabihan na naming ang aming mga sponsors; naka-deposit na kami sa venue; naka-draft na ang invitation. Bakit ba always na lang ako unlucky in love? Wala na ba akong karapatang lumigaya sa buhay? Dahil ba sa lungkot at dalamhati ang ibig sabihin ng aking pangalang Lagrimas (o Luha)? Gumagalang, Lagrimas ———————

Dear Lagrimas: Salamat naman at naatupag mo si Tita Eza mo. Isang karangalan na sinu-solicit mo ang aking humble advice. ‘To rin ang aking masasabi sa’yo. Pagdating mo sa bahay, pumasok ka sa kwarto mo at hanapin mo yung mama sa salamin. Naala-ala mo yung “Man in the Mirror” ni Michael Jackson?

Oo nga, mapangasawa mo abogado de campanilla, pero di man kayo nagkakatalo. Picture yourself fi ve years from now. Do you like what you see? Ikaw lang ang makasasagot! Good Luck!

At tungkol sa sinasabi mo na palagi ka na lang palpak lalo na sa larangan ng pag- ibig, remember what Bill Shakespeare said thru Brutus: “Our fate is not written in the stars but in ourselves.” Self pa rin ang umiiral. Nagmamahal, Tita Eza

Back in the Philippines, Pureza Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW ‘61 graduate from the University of he Philippines (UP, she retired from the Department of Social Welfare and Development in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been residing in Chicago with hubby Nick for nine years now.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top