Home / Sections / Dear Tita Eza / Pasan Ko Ang Daigdig

Pasan Ko Ang Daigdig

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Five years na kaming retired ng aking kabiyak – siya from the USPS, ako sa hospital. Ngayon. nakaka-concentrate na kami sa aming gardening ng flowers at veggies. Ang only child namin, nag-ma-Masters na.

Isang hapon nang nasa garden kami, dumating na naka-taxi ang bff kong si Nora, batch ko sa School of Nursing sa atin. After graduation, sa V.Luna siya nagtrabaho as Military nurse; Colonel siya upon her early retirement. Sa GSIS Hosptal naman ako. When I came to the States on the Exchange Visitor Program, natanggap ako sa Florida Gen; siya sa U.S. Air Force naman. Sabay kaming nag-retire, kasama kami sa Philippine Nurses Association (PNA), kaya kami naging closer than ever..

Halos di ko nakilala siya, dahil ang alam kong Nora ay very personable, very military. Ang nasa harap ko, gulung-gulo ang buhok, gusot-gusot ang damit, iisang hikaw, di pa pantay ang eyebrows, at may dala-dalang duffel bag.

ALAM KO, DALAWA SILANG MAGKAPATID. Nagka-cirrhossis of the liver nga lang ang kuya nya, leaving four orphans na nasa elementary/ high school pa. Sa puntod ng yumao, nangako si Nora na hinding-hindi niya sila pababayaan. Kumuha siya ng housing unit sa San Mateo, Rizal, para may tirahan ang kanyang mga pamangkin habang nag-aaral sila sa Manila. Nakalimutan niya tuloy ang pag-aasawa.

Pinakuha niya ang panganay ng Nursing, kaya lang nasa second- year pa lang ay nagtanan na ito. Sunod, Nursing na naman. Nang nag-duduty siya sa hospital as a student nurse, nakabangga niya ang kanyang Instructor, so umuwi na lamang siya sa probinsya. Third try, male nurse sana siya. Tuwang-tuwa ang Tiyang magbakasyon para mag-attend sana ng graduation, pero di pala nakasali ito at kulang ang units dahilan sa naki-barkada kasi. Ayaw na sana ni Norang magpa-aral, lalo na kung Nursing, ngunit humirit ang bunso.

Nakatapos ito ng Banking and Finance; pinetisyon ni Nora; pangkasalukuyan nasa Chase Bank; nakapag-asawa; may Baby Grace na sila; sama-sama silang lahat sa St. Petersburg (St.Pete).

MATAGAL NA KAMING HINDI NAGKITA. Hindi na nga siya nag-aattend ng meetings at events ng PNA. Sana nga sasabihin ko na no news is good news. I must have spoken too soon. Eto na siya…..

May sinat siya. She looked so worried. May umaagaw sa kanyang mga gamit; at gusto daw siyang patayin. Tinatanong ko kung sino ang suspetsa niya pero wala naman siyang masabi. Kinuha raw ang iba niyang susi, mga importanteng papeles, at ang revolver issued sa kanya upon retirement. Kaya kumuha siya ng Swiss Jungle knife, for self-defense.

Bandang hating-gabi, umaapoy na ang kanyang lagnat, na ayaw bumaba-baba even with my nursing care. Pumayag ding dalhin namin siya sa hospital later on. Inayos namin ang laman ng kanyang duffel bag – kasama sa damit, mga susi, bank books, importanteng papeles, at isang Swiss Jungle knife, na siyang kabilin-bilinan na wag na wag ibibigay ang kanyang duffel bag kahit kanino man. “Kahit si Evelyn?” tanong namin. ”Kahit si Evelyn,” sabi niya. At wag na wag daw naming tawagin sa ospital. Tinago namin ang susi at bank books.

Broncho-pneumonia nga…Kinaumagahan, nang siya’y natutulog, tinawagan ko si Evelyn, at eto ang kuwento ng pamangkin nya……….

LATELY, MADALAS DAW ANG SULAT NI NORA sa mga pamanglin, humihingi ng sustento para sa Mama nila na may sakit, at wala naman silang naitulong dahil may kanya-kanyang pamilya na rin sila. Nabenta na lahat ang mga lupain nila, pati housing unit sa San Mateo, nakasanla; walang pantubos. Kung bakit daw si Evelyn lang kasi ang mahal niya, anong malay niya baka interesado lang sa mana.

Napuna nila mula noon ang pagbabago ng disposition ng Tiya. Mainitin ang ulo. Very semsitive. Paulit-ulit ang salita. Malilumutin. May nagnakaw daw ng susi; hahanapin nila sa Frigidaire. Nagkukulong sa kuarto, sumisilip sa bintana. May nagtatangkang pumasok daw. Sigaw siya ng sigaw, ”Dapa! Take cover….. Rattat-tat-tat-tat” at kunyari nakikipagbarilan.….” Kaya lihim na kinuha ni Evelyn at ng kanyang asawa ang kanyang revolver, for safe-keeping; at baka may madesgrasya pa.

Nakakaligtaan niya rin ang kanyang personal hygiene. Sabi nga ni Baby Grace minsan, “Want me to take a bath, brush my teeth? Why don’t you ask Gramma? All she does is sleep!” Doon na nagtampo si Colonel Nora. “Pati ba naman bata, no respect sa akin!”Hablot bag, takyas na!

Tita Eza, paano ko matutulungan ang aking kaibigan?

Gumagalang, Teresita

__________

Dear Teresita:

Alam ko na why you are so worried. Aalam mo na upon discharge ng pasyente, may conference to determine kung saan tatanungin ng Social Worker the best placement for her after care

Alam ko na ikaw ang pipiliin niyang mag-alaga sa kanya, at kung papayag ang mister mo, doon siya sa inyp magpapagaling, pansamantala lang naman.

Di ba vereran ang iyong bff? Her primary doctor can refer her to the Veterans Hospital at Bay Pine, for assessment, treatment and/ or confinement, kung kinakailangan. Hindi kaya simtoma ng war psychosis ang kanyang delusions of persecution, na tila nasa Viernam pa siya?

Kung ang problema ay ang magbabantay o magsusubaybay sa kanya habanag under treatment, puede rin sana siya sa Veterans Memorial sa Quezon City, kaya lang mapoproblema naman ang familia doon.

Teresita, habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng Veterans, as a nurse, puede mong ibahagi kay Evelyn ang kaalaman mo sa dementia; ’can be under the umbrella of something else na mas malala’ hindi namimili ng edad, bata man o matanda; presidente man o tanyag na artista; it can cost the family a lor of time, energy and money sa pangangailangan ng caregiver. It’s not getting any better, you know; it can even get worse. What they can do is to give her therapeutic care – ang pag-aalaga na nakakalunas, punung-puno ng pagmamahal, walang pag-aalinlangan, at kailangang kasangga ang lahat ng kanyang kapatid.

Si Baby Grace? “ When I was a child, I talked like a child.” (1 corinthians `3:11) Sorry, Gramma Nora, I didn’t mean to hurt you. Luvyi, Nona!” – Baby Grace.

Isa kang mabuting kaibigan. ”Greater love hath no one than he who lays one’s life for his friends. ()John 13:15). Kaya lang, aalahanin mong you are not #! Family first!

Nagmamahal. Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*