Home / Sections / Dear Tita EZA / MAHAWI MAN ANG ULAP

MAHAWI MAN ANG ULAP

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Pacis

 

Tag-ulan na naman. Oo nga, into each life some rains must fall, subalit so much rain has fallen dito sa amin.

Sa atin, nagtrabaho ako sa Community Affairs Officer, under ng Administrative Officer ng Mayor namin. Sa pagkaalam ko, I was a dedicated worker, and highly idealistic at that, to a fault Supportive sa akin ang mister ko na si Danny. Sinusubaybayan ako, at sinusundo kung minsan sa office, o sinasamahan sa aking mga lakad. Kaya lang, isang araw inatake siya sa puso, di nakaligtas at iniwan niya sa akin ang pag-aalaga sa aming apat na anak.

Sa office, hindi kami nagkasundo ng Administrative Officer. Marami siyang patakaran na hindi kami magkatugma, lalo na sa welfare distribution, personnel at pondo sa barangay. Naging maasim ang aming pagtitinginan kaya nag-file ako ng resignation.

Naisip kong makipagsapalaran sa Manila. Nakahanap ako ng trabaho sa isang Intenational NGO na nag-sosolicit ng funding/material donations from all over the world, supposedly for indigents. Subalit natunugan ko ang kanilang katiwalian. Natuklasan ko na ang karamihan ng agency resources ay dumederetso sa UK (ukay-ukay). Dahil sa hindi ko maatim itong ginagawa nila sa mga dukha, nagbitiw na lang ako at ikinaso ko ang CEO ng naturang NGO sa Department of Labor & Employment. (DOLE), sa tulong ng matalik kong kaibigan na si Tony.

Namasukan na naman ako sa isa na namang NGO sa Maynila after noon. Dahil hindi sapat ang aking kinikita sa aming pangangailangan sa pamilya , dinugtungan ko ng pagbebenta ng Triump na Bra and underwear; ang aking naipon, naisipan kong pamasahe papuntang States. Iniwan ko anag aking apat na anak, na pansamantalang nasa college at high school na.

Nanalo ang kaso ng P100,000, na siyang ipinagbilin ko kay Tony, ibahagi sa aking mga anak ngunit ni singkong duling walang natanggap ang kawawa kong mga anak. Hinayaan ko na lang yun sapagkat nangangailangan din siguro siya sa sa pagpapagamot sa kanyang terminal niyang sakit.

Sa California ako nag-care giver sa isang facility at minsan one -on -one sa matandang nangangailangan. Ayos pa naman noong una.pero pa-expire na ang aking 6-months visitor’s visa.

Di maiiwasan na maraming nakikilala, at nagkukursunada; pero sa gitna ng aking pangungulila, nag-iingat pa rin ang aking puso. Isa sa matinding manliligaw, nag-regalo ba naman ng negligee, natakot ako tuloy, lalo na nalaman ko na ang asawa pala niya ay nasa mental ospital. Kapit sa patalim?

Sa pangatlong balik ko dito sa States, nagtatrabaho ako sa Pensylvania. Pinalad naman napagbigyan ng 1- year extension ang aking visa. Inalok ako ng pinsan kong si Molly na tumira sa Arkansas, at tinanggap ko naman. Bagong dating siya, galing sa atin, sinundo ang fiance’ na na-meet niya online, at doon na nagpakasal sa pinsan kong maganda. Palibhasa’y kamag-anakan, buong akala ko’y mabait. Tuwang-tuwa ako noong una, kasi isinasama niya ako sa pasyalan, naiiwan sa bahay ang kanyang asawa at ang nanay niyang si Auntie Panching na sumunod din di umano.

Di nagtagal, I realized na ginagamit pala ako ni Molly na passport niya para magliwaliw! Marami pala siyang boyfriends, at ako pala ang taga-escort! Latest boyfriend niya, mayaman na mayaman na matanda. Habang nagbabantay ako sa kotse , doon sila ng kanyang boyfriend sa loob ng apat na oras naka park sa Walmart. Hindi lang pala playgirl ang maganda kong pinsan, golddigger pa !

Natauhan ako, hindi ko matanggap ang karumal-dumal na gawain ng aking pinssan, nagpaalam ako na aalis na lang ako sa kanilang pamamahay , subalit’ binaligtad pa ako, pinalabas sa kanyang asawa at kay Auntie Panching na kinuha ko ang kanyang $700 at ipinadala ko daw sa aking mga anak! Parang baliw, parang di kami magpinsan, tinabuy-tabuy ako , sa gitna ng snowstorm! Wala akong nagawa,Tita Eza, kungdi humirit na sa kaumagahan na lang. Naiyak na lang ako at nananalangin sa buong magdamag!

Tumuloy ako sa aking kaibigan, na caregiver din, tulad ko, at nakakaalam kung sino at saan ang matatanda for caregiving. Dito ako nakakuha ng employer ko at nagsimulang magtrabaho ulit.

Isang mayamang matanda na at maraming sakit ang aking ward. Dito sa trabaho ko na meet ang isang kaibigang puti na Saksi ni Jehovah. Tinuruan ako tungkol sa Biblia. Mabait siya at itinuring niya ako parang kapamilia. Tuwing linggo isinasama ako sa kanilang pulong-pulong sa kongregasyon at mga conventions sa ibat- ibang lugar, hanggang sa naging regular ang pag-aaral ko ng Biblia. Dito ko natagpuan ang lunas ng sakit at hapdi ng puso’t kaisipan na dinurog ng masungit na unos o ng pagsubok sa buhay ko. Natamo ko ang kasagutan sa aking mala- higanteng katanungan tungkol sa buhay. Laksa- laksang unos at dagok man ang dumatal sa buhay kung ang katangiang taglay ay nakasalalay sa kamay ng Diyos, makakamtan din ang tagumpay!

Limang taon na nakalipas, Tita Eza, married in the Lord only na kami ni Phil. Divorced siya at may limang anak na may kani-kanilang pamilya na rin. Pareho kaming aktibong ministers sa aming Kongregasyon dito sa Arkansas. At maipagmamalaki namin na kami ay mga Saksi ni Jehovah.

Sa karanasan na ito, pangit man o mabuti ang dulot, Tita Eza, nasilip ko din ang mata ng pagasa at natunton ang tamang landas patungo sa liwanag. Mahahawi din pala ang mga ulap.

Gumagalang,

Gladys

P.S. Naghiwalay ang pinsan kong si Molly at ang kanyang asawa na-meet niya online. Lumipat sila ni Auntie Panching sa bagong mansion. Isang araw, itinawag nila na wala na si Molly. Natagpuan nila siya nakalutang sa swimming pool, naka-nightgown pa. She was three-months heavy with a child. Nakatapos na rin mga anak ko sa college. Balak namin i-petition ang eldest soon.

Dear Gladys:

Siguro, naririnig mo na mga eto:

1) You cannot stop the waves from coming, but you can learn how to surf.

2) Failure is the condiment that gives success its flavor.

3) God lives in the same postal address.

Nagmamahal, Tita Eza

“Dear Tita Eza” is based on true stories. Names and other circumstances , however, have been vhaned and are purely coincidental. fictionalized to hide the identity of the characters involved. Any similarieties therein are purely coincidental.

eza1

The Annual Picnic of the Vintarinians of Chicago doubles as a Joint Birthday Celebration of some of the members. This year’s summer birthday celebrants are Iv Isip, Marilyn Acacio Luz and Jenah Milanes Sweeney. Photos courtesy of Nelaom and Gertie (Albano) Lao.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top