Home / Sections / Dear Tita EZA / Winner Takes It All!

Winner Takes It All!

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Salamat at nakadalo ka sa aking birthday na siya rin ang housewarming ng bagong residencia ng aning anak na si Vina at Jun at ng kanyang pamilya. Thank you for your kind words daw sa aming bahay. Tama, bunga ‘to ng ng aming blood, sweat and tears.

It was an early marriage para sa amin ng Daddy Vicente ni Vina, hindi kami nakatapos ng college. Buti na lang, niregaluhan kami ng aming parents bilang pamana ng five hectares na lupain. Mismo ang Daddy na nila ang magsasaka at ako naman ay simpleng housewife at taga-tinda ng mga produkto, whatever. Nag-alaga kami ng baboy, kambing, manok, pato o anu-anuman diyang pagkakitaan ng pera. Nang maliit pa kaming apat na supling, sapat pa naman ang aming kinikita, wala pang masyadong problem, ngunit nang sila’y nag-eeskuwela na, we found out that we were cashstrapped! Kung minsan nga, eh naaala-ala nga ni Vina na na there was a time na nakatanggap ng honors ang Ate niya, at nag-attend din siya, may sapatos ang Ate niya, siya wala, naka-tsinelas lang siya!

Doble kayod kaming mag-asawa, lalo na’t lahat ng aming anak ay honor students, at wala sa kanila ang may gustong huminto. Nag-ahente ako ng Avon, Personal Collection, at kung anu-ano na diyan. Buti na lang , marami akong kaibigan dahil sekretarya ako sa mga classroom organizations ng mga bata; sekretarya pa ako sa barangay. Gamit namin pangsanla ang palay na di pa namin naaani, patong-patong ang loan namin sa Rural Bank, PNB o DBP. Awa ng Dios, nakaraos din, nakapagtapos din ang apat: dalawang inhenyero, isang nurse, at isang teacher. Sa gusto na naman nilang mag-abroad, pinaunlakan ko ang yaya ng kapatid ko sa Reno para magtrabaho, wag lang daw akong mamimili.

Sa Casino ako, isang bus ride from my sister’s place, naging game watcher sa Kiddie Section. Dahil siguro sa karanasan ko sa aking mga anak, marunong akong maki-halubilo sa mga bata. Ganun pa man, payo sa kanila na they were here for Rest and Recreation, nothing like hard work with which to earn a living.” Nawili ako sa trabaho ko, many times naging “Employee of the Month” ako. Madaling lumipas ang panahon, natapos ko ang required na forty quarters, meron na akong Social Security Income (SSI).

Kung minsan naman, binibigyan ko rin ang sarili ko ng pahinga. Pag day-off ako, o maaga ang uwi ko, gumagawi ako sa Main Hall ng Casino at uupo sa naka-hilerang machines. Pa-minsan-minsan sinesuerte, tuwang-tuwa naman ako dahil may dagdag sa ipapadala ako sa atin. Pag natatalo ako, uwi na ako. I know when to stop.

Ang dalawang kuya ni Vina, nakapunta sa Saudi, kung saan naging chiefs sila ng kano-ila-kamilang section. (May karugtong nga lang ang estorya!). Ang Ate niya, bagama’t gusto rin sanang maglakbay, nakapag-asawa siya at nanatili na sa Manila, bilang Supervisor na ng Call Center; si Vina, naging nurse sa Chicago. Nang siya’y ikinasal, noong 2007, niyaya niya akong tumira sa kanila ni Jun, isang Manager/ Contractor. Maliksi pa naman ako noon, at age 70.

Mabilis lumipas ang panahon. Mabait silang mag-asawa sa akin, ganun din ang kanilang mga anak, pangkasalukuyan Grade 4 at Grade 6, parehong honor students na naman. Gustong-gusto nila ang luto kong sotanghon soup, bilo-bilo at paella. Sa holidays, panay ang aming Road Trip. Maraming states na aming napasyalan. Kung minsan naman, dinadalala ako sa Rivers Casino upang maglaro.

Eh, ano nga bang problema ko, Tita Eza? Ngayon marami-rami na silang pinag-aabalahan, madalang na nila akong dinadala sa Casino. Buti na lang marami akong kaibigan na kapwa elderly na magulang din ng kapwa nurses ni Vina, sinasamahan ako sa Rivers, lalo na kung Crabs Day sa Miyerkules. Pero, sa dami rin nilang responsibilidad, sinosolo ko (ang Daddy Vicente kasi mas gusto niya hangin sa ‘Pinas) ang lumakad. Sumasakay ako sa bus, gaya ng dati kong gawi sa Reno, pero minsan na nabulilyaso ang schedule ng train, nagpasundo ako jay Jun sa estasyon, hatinggabi na. Mula noon, Tita Eza, grounded na ako. Sabi ni Vina, mag-concentrate na lang ako sa Prayer Meetings. Nalulungkot ako, Tita Eza. Siguro hindi na nila ako mahal. Ano nga ba ang masama sa Casino na aliwan lamang?

Gumagalang, Natividad

__________

Mahal kong Natividad: Ay naku, Aling Natividad, mahal na mahal ka ng iyong familya. Ang mga magulang daw ay parang si Moses – they pave the way! Matitiis ka ba nila? Kaya lang sa eded mong 82, you’re no spring chicken anymore. Nag-aala-ala sila kung sakaling may mangyari sa ‘yo, lalo na sa pagpunta-punta mo sa Casino. Eh, paano kung mahilo ka? Paano kung kung ikaw ay madapa?

Hindi ka naman addict sa sugal, na katulad ng iba na nirerecomenda na sa Online for Gambling addicts. Wari ko, ang ginagawa mo, katuwaan lang, bilang balik-ala-ala sa masasayang araw mo sa Reno. Alangan na isusugal mo ang iyong pension na iyong pinaghirapan, lalo na’t sa hindi natin naiisip, marami palang kailangan sa pagtanda, lalo na kung magkasakit. Knock on wood!

Di ba, payo mo noon sa mga kabataan, ang sugal ay for pleasure lang, hindi for income-generation, otherwise magiging pressure. Alam ko na marunong kang maglaro.

Siguro kailangan lang sa inyo ni Vina ay mag-compromise. Maaliwalas naman ang basement ninyo, nakita ko, puedeng bumili ng mahjong table at doon na kayo maglalaro ng iyong mga barkada. At kung magluto-luto kayo ng bilo-bilo, sotanghon soup o paella, ayos, pong! The winner takes it all!

Pero, tama si Vina, your “Joy Luck Club” can double as joy in Prayer Group. Lahat tayo ay palapit na sa Departure Area!

Mahal na mahal na mahal ka, garantisado ko, nina Vina, Jun at ang dalawa mong apo. Hanggang sa pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak

Nagmamahal

Tita Eza

 

“Dear Tita Eza” is based on true stories/ Name, however, have been changed and circumstances fuctionakized to conceal the identity of the characters involved.Any similarities are therefore coincidental.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top