Businesswoman’s Lament
By: Lena Remigio
Dear Ate Lena, Bago pa lamang kaming mag-asawa dito sa Pilipino community sa Chicago. Kami ay nanggaling sa Singapore as business entrepreneurs, selling luxury items goods consist of antiques at meron din namang fake– jewelry, paintings at iba’t iba pa. I find Chicago to be a fun, exciting cosmopolitan city at the people ay nice, warm and friendly, hindi tulad sa aming pinanggalingang lugar, even sa London na amin ding natirhan ng ilang taon. Ang sosyalan dito ay napaka-exciting at I always look forward sa weekends dahilan sa sabay-sabay ang parties at hindi ko malaman kung minsan kung ako ay saan magpupunta. Mabilis akong nagkaroon ng mga friends na ang karamihan ay nagiging customers namin o suki kahit na gaanong kamahal ang presyo, sa totoo lamang ang aming tubo sa mga goods ay mga 300%, kaya kaming mag-asawa ay natutuwa at ang aming business ay talagang maganda dito sa Chicago. Marami sa mga friends kong ito ay talagang naglalabas ng pera to buy our goods, at hindi ko akalaing ganoon silang ka-generous. Marami sa kanila ay working as professionals or simply doctors’ wives, at ni hindi nila alam kung fake or original ang kanilang binibili sa akin. They are just willing to shell out their moneys. Ngunit these days ako ay nagiging unhappy dahilan kasi na may nag-uumpisa sa aming mga new friends or other people siguro din na naninira sa aming mag-asawa sa dahilang kami daw ay taking advantage of our friends dito sa community. Sobrang sobra daw ang aming presyo sa mga goods at parang tubong lugaw daw kaya kami daw ay payaman ng payaman. Ang aking milyon dollar question is, masama bang tumubo ng malaki sa business kahit from friends? Hindi ba, business is business? Kung binibili ang goods mo, why not? What’s the problem with these people? I have stopped talking or contacting these so-called friends at hindi ko na sila pagbibilhan ng kahit na ano pa. Kung ayaw nilang bumili, let them be. It just hurts so much na masama pala ang kanilang loob sa pagbili ng aming goods, ngunit bakit sila bumibili. UNHAPPY TRANSIENT
Dear Unhappy Transient, Ang mga business experiences mo ay walang kaparis. Ngayon lang ako nakarinig o nakaalam for a business na kumita ng 300% profit. Kahit sa mga multi-level marketing ay hindi nangyari ito sa pagkakaalam ko. Maswerte ka na sa pagkalaki-laki ng patong mo as profit ay may mga faithful kang mga suki pa ring bumibili. Even sa mga alahas ay wala akong nasaksihan na kumita ng 300% profit kahit na ito man ay tunay o fake. Ganoon ba ang kitahan sa mga lugar na pinanggalingan ninyo? Totoo na you have to consider the space rental of a store pero sobrang sobra naman ang ginagawa mo. Maaring sa iba lalo na iyong mga asawa ng doctor or from medical professions bale wala sa kanila kung napakamahal ng binibili nila sa ngayon pero, sooner or later, kung magkaroon ka ng kakompitensiya ay unti-unting mawawala sila sa iyo. Habang may panahon para maiwasan mo na lumayo ang iyong matapat na mga suki ay unti-unti mong isaayos ang presyo ng iyong paninda. Tingnan mo ang mga Chinese businessmen kahit kaunti lang ang kanilang profit dinadaan lang nila sa dami ng mga namimili. Sa umpisa mahihirapan kang mag-adjust lalo na kung nasanay ka sa tubonglugaw; pero sa bandang huli magkakaroon ka naman ng katahimikan at payapang buhay. Noong panahon ba na ikaw ay kumikita ng 300% sa iyong paninda, ikaw ba ay tumutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga biktima ng natural disasters sa ating bayang Pinas? Ikaw ba ay nagbibigay ng weekly donations sa inyong simbahan? Dapat kasi tumutulong tayo sa ating simbahan kahit ano pa man ang ating religion. Ito ay bilang pasasalamat natin sa Diyos sa mga biyayang ipinagkakaloob sa atin. I am closing with the hopes na magliwanag sana ang iyong isip para magawa mo ang wastong pamamaraan sa iyong business. Good luck! Ate Lena









