Don't Miss
Home / Sections / Dear Ate Lena / Bored Ako Sa Aking Relationship

Bored Ako Sa Aking Relationship

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Limang taon na kaming mag-on ng aking boyfriend na magandang maganda ang mga katangian bilang isang mabait at masunurin na anak at bilang isang mapagmahal na boyfriend.

Sa mga ganyang katangian na sinabi ko tungkol sa kanya ang dapat ay wala naman akong problema sa kanya at meron kaming always peace of mind sa aming relationship.

Siguro ay pambihira ang problemang kinukonsulta ko sa iyo pero talagang kailangan ko ng tulong o advice from you. Talagang kami ay nagmamahalan for the last five years at talagang magkasundo naman kami ngunit in spite of all this ay gusto ko nang kumalas sa aming relationship pero hindi ko naman magawa sa dahilang ako ay naaawa sa kanyang situation sa kanyang buhay.

Ako ay bored na bored sa aming relationship at gusto ko nang makipag-break sa kanya. Ako lamang ay naaawa sa kanya sa dahilang ang kanyang ama ay kamamatay lamang last month ng biglaan at ang kanyang ina naman na may alzheimer’s ay kanyang inaalagaan sa hospice. Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya sa pag-aalaga sa magulang, at talagang mahal naman niya ang kanyang pamilya.

Papaano ko naman kaya siya maiiwanan ng ganito. But I have to look after myself din naman at talagang wala naman akong ka-feeling-feeling na sa kanya na bilang boyfriend kundi bilang isang kaibigan na lamang. Natatakot ako na kung iiwanan ko siya sa mga panahong ito ay baka magdulot pa ako sa kanyang buhay ng mas malaking problema sa kanyang mga patong-patong na problemang bumamagsak sa kanyang kandungan.

Wala naman akong boyfriend o isang nagugustuhan para gawin ko ito sa kanya. Basta I just want OUT of our relationship, ayaw kong may connection pa kami, I don’t want to have anything to do with his life and vice versa rin sa kanya. Pareho naman kaming mga baya pa in our early 30’s at pareho kaming may matagal na kapalarang tatahakin. Mali o tama ba ang aking gagawing pag-QUIT sa aming relationship?

ANNA DIMAPAKALE

 

Dear Anna,

Talagang nangyayari ang nararamdaman mo sa ngayon sa ibang relationship. Merong tinatawag na stalemate situation sa buhay, yon bang gusto mo lamang makatulong at hindi mo gustong makasakit ng damdamin ng isang taong iyong minahal kung hindi man sa ngayon.

Siguro naman ay nararamdaman din naman niya ang ang iyong feelings sa ngayon at wala naman siyang lakas ng loob na ikaw ay kanyang tanungin at pag-usapang ang inyong kinabukasan dahilan nga sa kanynag mga personal problems sa buhay–pagkamatay ng kanyang ama at ngayon ang kanyang inang nasa hospital.

I am sure na sa ngayon ay ikaw ang kanyang matatawag na rock, na isang taong masasandalan at makakaintindi sa kanyang mga problema who will give him the support na kailangan niya at hindi siya iiwanan sa kanyang kalagayan sa buhay.

At tama ka rin naman, paano na ang magiging buhay mo kung awa na lamang ang nararamdaman mo sa kanya. Hindi naman social worker ang role mo sa inyong relationship. You really must look after yourself at sa iyong sanity at nakakasira talaga ng ulo ang ganyang problem. Iiwanan mo o hindi???

Though it is not the right time to discuss your future dahilan sa dami ng kanyang problema sa buhay, ay kailan pa.

Puwedeng magkasundo kayo at baka magulat ka pa kung papayag siya na kayo ay maging friends na lamang in the meantime. Maybe it’s better that way na magkaroon kayo ng inyong sariling buhay na hindi umaasa sa bawat isa.

That way, magkakaroon pa kayo ng mas matimbang na relationship as friends at kayo ay talagang magiging true friends forever.

You must attend to your own happiness kung hindi ka na masaya by hanging on na lang sa ganitong relationship. You must loe yourself first before you can love others.

I wish you good luck at ang iyong boyfriend na sana naman ay makaraos na siya sa kanyang life’s problems.

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top