Kulam O Voodoo Work
By: Lena Remigio
Dear Ate Lena,
Ang tanong ko, ikaw kaya ay umibig na ng matindi kamukha ng pag-ibig na iniukol ko sa aking asawa na sa ngayon ay parang isang vegetable sa kanyang current health condition?
Ang aking asawa ay napaka-guwapo at talagang mahal na mahal ko. Siya ang aking first boyfriend at wala ng iba pa. Iniukol ko sa kanya ang lahat ng aking pagmamahal at ang aking buhay, ngunit hindi siya ganoon sa akin. Kung siya ay isang guwapo, ay marami rin namang nagsasabi na ako ay isang magandang babae kaya napakaganda naming pair. Meron na kaming dalawang anak, isang babae at isang lalaki at sila ay parehong nasa college na at doing very, very well.
Alam kong maraming mga babaeng nagnanasa sa aking asawa na bukod sa guwapo na ay maginoo, mabait at merong magandang trabaho. Meron akong nararamdaman about him na nag-start noon pang isang taon na para ba siyang may itinatagong secret sa akin, in other words, parang meron siyang ka-affair o merong kulasisi. Umuuwi siyang late na, claiming overtime or going out of town due to company assignment. Sure enough, nalaman kong meron nga siyang girlfriend from work at halos ako ay mamatay ng ito ay aking mapag-alaman.
Ano ang ginawa ko? Hindi ko siya kinonfront, at sa halip ako ay naghanap ng isang voodoo-worker o witch o mangkukulam upang ang kanyang pagmamahal ay bumalik sa akin. I spent so much money on this voodoo woman, buying black candles, oils, at kung anu-anong pang-hokusfocus upang hindi ko mawala ang aking mahal na asawa.
Sa kagaganito ko, ay parang biglang merong nangyari sa aking asawa na bigla na lamang nagkasakit isang araw, na-paralyze, at ngayon ay itinutulak ko sa kanyang wheelchair. Hindi na siya makapag-trabaho (he’s now on disability). Napasa-akin nga siya ngunit wala nang pakinabang at parang ganito na lamang siya habang panahon.
Ako ay nagsisisi sa aking ginawang voodoo o kulam. Hindi ko akalaing magkakaganito ang aming buhay. Meron ka bang alam na pangreverse ng kulam? Please help me out & my husband.
KAMPON NI SATANAS
Dear Kampony,
Kahit na ako ay walang karanasan at talagang hindi naman naniniwala sa mga bagay na inilathala mo sa akin upang ikaw ay matulungan ay pipilitin ko sa taulong ng ating mahal na Panginoon.
Ikaw ba ay naniniwala sa Diyos? Bakit sa halip na ikaw ay tumakbo sa kanya upang humingi ng tulong ay ginawa mo ang trabaho ni Satanas?
Talagang malaking kasalanan ang ginawa mo sa mata ng Diyos at sa mata ng tao at sa iyong sariling mga mata. Alam kong ikaw ay nagsisising mabuti sa iyong ginawang masama para lamang hindi mo mawala ang iyong asawa. We can call that na selfish love to the extent na devilish love, sa iyong ginawang pangkukulam sa iyong asawa.
Let’s just hope and pray na haka-haka mo lamang ang nangyari sa health failure ng iyong asawa. Siguro naman ay merong magagawa pa ang medical science sa kanyang health condition.
Wala akong alam na pang-reverse ng kulam kung meron man nyan. Marami akong naririnig lalo noong bata pa ako na mga istorya ng mga matatanda na kung minsan ay hindi nakakapaniwala at wala naman din akong nakitang mga tao na nakulam, ika nga hanggang sa ngayong matanda na ako.
Kung totoo mang mayroong pang-reverse ng kulam, ay di bumalik ka sa iyong kulam adviser na nagturo sa iyo ng kung anong gagawinng kulam sa iyong asawa. It might cost you more money this time pero baka may mangyaring mabuti na makakagaling sa iyong asawa upang bumalik sa normal na sarili niya before mo siya kinulam.
For spiritual advice naman, pumunta ka sa isang priest, pwedeng sa inyong parokya or through your friends’ referral na makakatulong sa iyo through prayers sa pagpapaalis ng masamang ispiritu sa isang tao. Mayroong paniniwala ang ating religion sa mga bagay na ganyan kaya merong Diyos vs. Satanas, good vs. bad.
Too bad, nag-succumb ka sa ganito dahilan sa pagmamahal mo sa iyong asawa. I wish you good luck at please keep me updated.
ATE LENA







