Home / Sections / Dear Tita EZA / They Gave Each Other a Pledge

They Gave Each Other a Pledge

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Kay ganda ng aming hometown. From Laoag City, ,pag- akyat mo sa boundary na bundok, tawag namin Burdo, at pagbaba mo punta na sa amin, maaamoy mo na ang kakaibang bango ng simoy ng hangin, dulot ng luntiang dahon ng kahoy sa kapaligiran, at hindi mo mapipigilang huminga at humiyaw, ” I’m home!”

Hindi dahil ako’ng nagsasabi, pero ang ganda-ganda-ganda talaga ng aming bayan, lalo na kung sasalubungin ka ng natural beauty ng greenfields at ang panoramic view ng mga bundok sa dakong silangan ng poblasyon..

Tila bumaba ang temperature. Mas malamig nga kaysa baba na pinanggalingan mo, kaya ang mga Kastila noong unang panahon, tinawag na “Baguio ng Norte”. Nagustuhan ang klima at doon na nagbakasyon. Mga iba nakapag-asawa at doon na nanatili. Hindi dahil sa ako’ng nagkukuwento, maraming mestizo at mestiza sa amin.

GRADE V na ako noon pero na- accelerate sa Grade VI within the year na ikinatutuwang-tuwa ni Mommy. Sabi niya na pag-igihan ko daw mag-aral kasi may dalawa pa akong nakakabatang kapatid na umaasa sa akin. Biyuda na siya, at humihingi ng tulong sa Uncle na teacher sa private High School sa pagtustos sa aming pag-aaral.

Naging classmates kami ni “Tisoy” at rivals kami sa honor roll. (Years later, inamin niya na noon pa man ay may crush na siya sa akin). Sa HighSchool, tuloy ang paglalaban namin sa honor roll .Mahusay kasi siya sa Math; basketball player pati; at sa tindig niya, he was always a standout. Sa schoolpaper, habang I was the editor, siya naman ang layout artist, kaya kami nagiging close sa isa’t-isa,sa editorial staff at sa aming barkada.

Di ko ba nasabi na very romantic ang lugar namin? Dahil sa wala pang electricty noon, wala kaming sinehan,,bowling alleys, o bakery, kung saan sa Laoag lang ang mga ito. Kaya ang pastime namin, biking, swimming sa ilog o sa River Dam, which our town is famous for, o di kaya mamimitas ng prutas sa barangay. Kahit over ‘lubi- lubi’ (linupak) lang, happy na kami. It was all clean fun.

Kaya lang sa liit ng bayan naming, nalaman na lahat ang tungkol sa barkada. Minsan nga may nagtanong ,”Tisoy, girl friend mo ba si Eden?”, eh,sagot naman niya, Oo. Narinig ko rin,pero di ko alam kung bakit hindi naman ako tumutol.

Sa graduationn namin, napansin ng Uncle na una ko pa raw binati si Tisoy sa kanya, kaya right then and there, sinabi niyang ayaw na akong tulungan sa college.

Awa ng Dios, may isa pa akong Uncle na doctor sa Manila, na nag-alok na doon ako tutuloy sa kanila habang mag-pre Nursing ako. Yon nga ang nangyari.Later, tanggap ako sa UP-PGH, at doon ako nagtapos.

Full-pledged engineer na rin si Tisoy ,graduate ng Mapua. We were still very young then, 23 years old, and there was this opportunity to go to the States, pero maiiwan ang isa sa amin. Ipinagpaliban muna namin ang plano to settle down. Doon kami gumawa ng kasulatan na kahit ano man ang mangyayari, kami pa rin……

Under the Exchange Visitors’ Program, tanggap ako sa Delaware, but first major assignment ko, Montana

Maganda nga kung maganda ang Montana, quaint, with the river that runs through it, na nagpa-alaala sa akin the home I left behind. Mas lalo pa akong na- homesick dahil wala man lang akong natatanggap na sulat galing kay Tisoy. Isang buwan,dalawa, tatlo…lalo na sa Montana na snow almost half-year-round,lungkot na lungkot na ako. Mag-iisang taon na,few letters from home -though none from him- galing sa aking mga kaibigan, na nagbabalita na si Tisoy, then a much sought-for civil engineer, ay may iba nang mahal. Sa una, dahil na di ako naniniwala, sinulatan ko siya pero ni walang sagot ,kahit mag- explain man lang.

Nag- concentrate akong magtrabaho. Zero ang social life ko, habang enjoy na enjoy mga friends ko. Hanggang nag-bet sila kung mayaya ako ni Dave, isang ‘Merkano’ng nasa Air Force,to be his dance partner. Turned down ko ang invitation, talo siya sa bet. Mas na- challenge ‘to kaya dinaan niya sa mga bulaklak, kaya lumambot din ang puso ko. Pumayag na rin akong makipagkaibigan sa kanya, at sumasama sa pasyalan ng grupo sa Glacier Park sa Montana, sa Grand Teton at Yellowstone Park sa Wyoming, at Mt. Rushmore sa South Dakota.

Nagkataon na na-assign siya sa Greenland for six months. From there sumusulat-sulat siya araw-araw sa akin, walang paltos. Pagbalik niya, sinagot ko na ang alok niyang pakasal kami. Sa Colorado kami nag-reside. Ipinagkalooban kami ng Diyos ng tatlong anak na, sa awa ng Diyos, who made good.

Sa kabilang dako, nagkatuluyan din si Tisoy at ang kanyang girlfriend, na naging beauty queen na kinonsortehan niya sa isang Town Fiesta namin. Sa amin sila nag-reside at ipinagkalooban din sila ng Diyos ng limang anak, who also made good.

Nang madestino si Dave at one time sa Clark Air Base, Pampanga at doon kami tumira for a while, gumawi kami sa amin. Tamang- tama, piyesta din noon, at naging Infantile Queen ang anak ni Tisoy Nang umakyat ako sa stage to congratulate them for their beautiful daughter, di niya inawat ang aking handshake. Bumaba siya sa stage,walang imik. That was the last time I saw him.

Paglipas ng ilang taon, noong yumao ang Mommy, kinuha ko rin ang pagkakataon na dumaan sa puntod ni Tisoy. Sabay sa panalangin ko, humingi ako ng patawad para sa aming dalawa. Sa aming sumpaan, nagkulang siya, nagkulang din ako……..

2017….. Wala na rin si Dave. May International Reunion ang bayan namin sa Hawaii. Ayoko sanang mag- attend dahil wała akong kasamang mag- travel, buti na lang pumayag ang best friend kong si Marilyn na samahan ako. Alam na alam ko na kahit anim napung taon ang lumipas, nasa isip pa rin ng aming kababayan ang pangako sa puso namin ni Tisoy.

SA REGISTRATION DESK sa hotel, sinalubong ako ng Assistant Manager. Junior pala ni Tisoy! At narinig ng buong mundo ang aming usapan naming tatlo -siya, ako, at ang Manager.

“Welcome, Tita Eden!”

“You know her?”

“She was almost my Mom!”!

“Boyet, may makarinig sa iyo!”

“Tita, ikaw naman ang nauna!”

Nabunutan ako ng tinik!

Best regards, Manang Eden

——-

Dear Manang Eden:

Saludo ako sa pagiging uliran mong anak, kapatid, asawa, kaibigan ,professional nurse, at mamamayan.

Sa lahat ng napagdaanan mo, tama ang sabi nila na “God writes straight with crooked lines.” Binigyan ka ng Maykapal ng mapagmahal na kabiyak, at mga anak that you can be proud of. Thank your stars!

Ganun din sa kabila. All is fair in love and in war.

Tungkol naman sa’yong first love, ganun yata takbo ang mundo. Your first love will be the hardest to forget, though at the same time it still can make you smile when you remember.

Here is an excerpt from the poem you read during the International Reunion at the Ala Moana Hotel, attended by more than 500 townmates all over.

VINTAR Not JUST A TOWN

Vintar not just a town

It is a Feeling

It is a Song

It is Love

It is a Memory Flip the pages down memory lane

Some things in life have changed One thing is certain, our treasured memories we’ll keep till the end of time.

By: Eden Agbayani Wood Vintar International Reunion ’17

Ala Moana, Hawaii ———————

Kay ganda ng bayan ninyo na setting ng First Love, ano, Manang Eden?

Nagmamahal, Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top