Home / Sections / Dear Tita EZA / Greenfields

Greenfields

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Kilalang-kilala ang bayan naming Rosario for its rolling hills, fragrant fl owers and greenfi elds. Noong araw, kaming mga kabataan favorite pastime naming sama-samang namamasyal doon, kasama namin si Lorelei, na sa akin ay pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Kaya lang pinagbabawalan siya ng Mama niya na wag maging malapit sa akin, palibhasa anak ako ng isang anluwagi lamang.

Ganun pa man, nagkikita na lang kami ni Lorelei sa school, sa La Union High, San Fernando. Kunyari hiihiramin ko ang libro niya, pagbalik may nakaipit na sulat o munting bulaklak na napupulot namin sa burol. Hindi ito nakaligtas sa pagsusuri ng Mama nito kaya agad siyang inilipat sa isang exclusive school sa Manila. Nagsusulatan pa rin kami, the letters kept on coming, then suddenly there was none.

Pangarap ko rin sana ang mag-engineer pero desidido na ang mga magulang namin na makipagsapalaran din sa Mindanao, the Land of Promise.

Sa Davao del Norte, naging contractors kami ni Itay. Awa ng Dios, lumago ang aming business, nakapundar kami ng ekta-ektariang lupain na tinaniman namin ng palay, mais, cacao, niyog at mga iba’t-ibang fruit-bearing trees. Nakapag-asawa ako, sunod-sunod dumating mga supling namin — siyam lahat! Sa gitna ng maraming pagsubok, kinalimutan ko ang aking ambition na maging engineer, bagkus ipinangako ko sa aking mga anak na pag-aaralin ko silang lahat hanggang sa abot ng aking kakayanan. Sa mga lalaki, dalawa ang naging civil engineer; 1 chemical, 1 mechanical, 1 electrical, 1 architect; sa mga babae, isang doctor, isang teacher; isang occupational therapist.

Pinangarap ko na naman na manatili silang lahat sa ‘Pinas , at magpatayo kami ng sariling korporasyon. It was not meant to be; dalawa ang nasa Canada; tatlo sa Florida, anim sa other states.

Natisod din ako minsan. Ang ika-sampu, inangkin at itinuring naming tunay na anak. Gusto nito noong mag-policewoman, ngunit pinahinto ng asawa niya at nagpatayo sila ng Videoke. Okay sa akin, mahilig naman akong kumanta! Sila ang nakasama ko sa bahay nang mawala na ang Mama nila.

Nakapag-asawa ako uli ng isang taga-Cotabato. Di nga lang maiwanan ang Tatay niyang maysakit. Sa pagdalaw ko, sakay ako sa motor (sa pag-aakala ko na spring chicken pa ako) nadisgrasya ako sa daan!

Masama ang tama sa akin, at sa Manila na ako nagpa-opera. Tinawag ako ng anak kong doctora para ipagpatuloy ko ang pagpapagamot sa Canada. Pangkasalukuyan, nasa Ontario ako sa ngayon for my rehab.

Araw-araw kaming naglalakad, naka-rolator ako, ng anak ko na therapist sa may Niagara Falls. Mula nang napanood ko si Marilyn Monroe sa sineng “Niagara,” na-enganyo ako sa pinakamagarang tanawing likha ng Diyos. Tone-toneladang tubig bumabagsak sa bangin, saan kaya patutungo? Wala namang bumabalik!…….Samantala, sa isip ko, sa akin, pa-balik balik ang mga ala-ala.

‘Tay’, sabi ni Liza, ang anak ko na therapist, ”Sa weekend may picnic pala ng La Union Residents of Canada sa Forest Preserve sa Toronto. Kaya lang, may duty ako; si Roger na lang ang kasama niyo,’ tiutukoy niya ang kapatid niyang architect. “No problem,” sabagay La Union din ako,” ang sabi ko naman.

Linggo. Picnic sa Toronto Forest Preserve. Matataas ang mga puno. Dami ng nagsidalo. Dumating ang lady architect na kaibigan ni Roger, akay-akay niya isang significant other na galing sa nakaraan: si Lorelei!.

Sa aming pangungumustahan sa isa’t isa, nalaman ko na sa Manila pala sila nag-meet ng kanyang husband na architect. When, in need of development, Canada was calling for builders, nag-migrate agad ang newlywed couple dito. Dito na ipinanganak ang kaisa-isang anak nila, si Rina na naging instructor/professor sa Toronto University School of Architecture. Biyuda na siya.

Hapon na. Pauwi na ang mga nagsidalo sa picnic. Pauwi na rin sina Rina at ang kanyang Mama Lorelei. Niyaya ako ng anak ko na ihatid ang kanyang kapwa architect at ang kanyang Mama sa parking lot. Nauna kaming young once, nasa huli ang mga young ones.

“Lorelei,” inumpisahan ko, “ puede ko bang malaman, ano ba ang nangyari at…..?’

“Nakita ko in a bundle ng mga sulat mo na na-capture tago ni Mama…,” ipinagtapat niya, and I swear, Tita Eza, nakita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Nang ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko sa rolator, hinigpitan ko na rin ang aking hawak. Lumingon kami at tila nakita namin ang aming sarili na nasa Greenfi elds, magandang bayan sa Rosario…Madilim na nang pauwi kami sa Ontario. Request ko kay Roger na gagawi at iistambay muna ako sa Niagara Falls, with the colorful lights.

Sa Roundtop Restaurant, kung saan kami nag-kapeng maganak, ang tanong ko kay Roger sa pag-uwi ko, aatupagin namin ng bagong Mama nila kung saan kami pepermanente — sa Davao o sa Cotabato. “Teka,” dugtong ko, “maganda at mabait ang Lady Architect Rina, ano?” At tumawa kaming mag-ama.

At sa’yo, Tita Eza, tanong ko, dapat ba akong magalit sa Mama ni Lorelei??

Gumagalang,

Rodrigo

—————————–

Mahal kong Rodrigo: Success, they say, is how high you bounce back after hitting rock bottom. Yours is a case of, “Do your best and God will take care of the rest. So deserving nga kayo as Model Family.

O, di ba? Kung sakali, di sana hindi si Roger ang driver mo ngayon? Sana you would have had another set of children. Pat yourself on the back. Just never forget something that made you smile!

Happy Valentine’s,

Tita Eza

“Dear Tita Eza” is based on true stories. Names, however have been changed, and circumstances fi ctionalized to conceal the identity of the characters involved.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top