Mag-asawang Lasing Palagi
By: Lena Remigio
Dear Ate Lena, Kaming mag-asawa na may magandang pangalan, position sa community at tinitingala ng mga tao dahil sa aming profession sa medicine ay mayroong social disease na hindi talagang dapat malaman ng aming mga friends, patients, and most of all our relatives. Kaming dalawa lamang ang nakakaalam na we love to drink, to the point na talagang alcoholic na kami. Ano pa ang matatawag mo sa tao na pagkagising sa umaga ay nauuhaw na sa liquor or wine? We enjoy drinking wine for breakfast, instead na coffee. Syempre, everytime we eat our lunch and dinner, it has to be started with a glass of wine. Ok lang sana ito at our body systems are used to it na and always remember na red wine is good for our body because of the resveratrol content na good for your heart. Pero lately ay napapansin ko na parami ng parami at mga strong, expensive liquors na ang gustong tunggain ng aking asawa. To keep him company kung kami ay nasa bahay, I join him na rin in drinking hard liquors. Ngunit ang aking problem ay kung kami ay nasa parties na ay parang nakakahiyang ipakita na ganoon kaming kalakas uminom. Kagaya ngayong after all the holiday parties, ay halos kaming dalawa ay palaging may hangover paggising namin sa umaga. Hirap na hirap kaming gumising upang kami ay magtrabaho. Natatakot akong mapansin na ng mga friends and other people around us ang aming sickening social problem. Ngunit alam ko rin that both of us need help so bad like maybe enrolling in Alcoholics Anonymous. Nakakahiya naman if we have to go that extent, di ba? We are both noted people at kahit kami saan pumunta ay mayroong nakakakilala sa amin. Going out of state for the treatment kaya? Parang we are both not in that position to think of something like that at baka malaman ng aming mga anak at other immediate family members. This situation is not getting any better, it is getting worse. Nakikita ko iyan kapagka ako ay hindi pa lasing. I want to help myself and my husband sa aming pagka-alcoholic. I realize na ito ay isang addiction like drugs or gambling. Ano ang maipapayo mo, Ate Lena? MR. & MRS. AA
Dear Mr.& Mrs AA, Sa nangyayari sa inyong mag-asawa, ito ay nagpapatunay na sa mga addiction victims ay walang exceptions. Bawat tao ay may kanya-kanyang problema at ang lunas ay nasa will power of the person involved. In your situation tama ka na kailangan ninyo ng tulong. Kung ayaw mo naman na magrehab at malaman ng inyong pamilya ang addiction problem ninyo, ikaw ba ay nakahandang gawin ang whatever it takes na malunasan at ma-overcome ang kalagayan ninyo? Ang unang dapat mong gawin ay mag-usap kayong magasawa. Ang dapat ay magkaroon kayo ng mutual goals na maihanda ang inyong sarili. Dapat mong tanggapin na ito ay di nagagawa ng biglaan. Gaya noong nagsimula kayo on the road to alcoholism, di ba unti-unti lang ang pag-inom ninyo ng wine bago kumain para pampagana hanggang sa ito ay nakasanayan ninyo na sa bawat simula ng meals ay umiinom kayo? Ganoon din ang dapat ninyong gagawin sa alcohol withdrawal. Unti unti lamang. Kailangan ay mawala ang any alcoholic containers gaya ng beer, wine at hard drinks bottles sa loob ng inyong bahay. Sabi nga out of sight, out of mind. Kung ito ay di ninyo kayang gawin dapat ay magkaroon kayo ng family get-together or meeting at ipaalam ninyo ang inyong present situations sa inyong mga anak. Sa kagipitan, pamilya pa rin ang unang dapat makaalam, di ba?. I am sure na ang iyong mga anak ay handang tumulong at dumamay. They will extend understanding, consideration and helping hands to you. So don’t try keep it to yourselves lang. Kung sa palagay mo ay di ninyo kayang lunasan ang inyong addiction problem sa sarili ninyong sikap; marahil ay kailangan na ninyo ng professional help. Kailangang tanugin ninyo ang sarili ninyo kung ano ba ang mahalaga, ang sasabihin ng mga tao o ang mabuhay ng tahimik at normal? May mga rehabilitation facilities outside of Illinois gaya halimbawa sa Napa Valley, California. Maraming Centers doon. Pero I recommend St. Helena Recovery Center, Napa Valley, Ca, 1-800-454-4673. Huwag kang mahiya o mabahala pagka’t may mga famous movie stars at millionaires na na-coconfine doon. Sa inyong gagawin puede naman kayong magpaalam sa inyong pamilya, mga kaibigan, at kakilala na magbabakasyon kayo ng mga ilang months until you are fully recovered from your alcohol addiction. Life is a gift from God. We have to be grateful everyday when we wake up in the morning. Good luck and God bless! Ate Lena








