Friends Out of Guest List
By: Lena Remigio
Dear Ate Lena,
Taon-taon kaming mag-asawa ay nagce-celebrate ng Holidays (either Christmas or New Year) by inviting our friends sa aming formal gathering sa bahay. Dahilan sa malaki at maganda ang aming bahay sa isang affluent suburb ng Chicago, ang aming mga friends sa guest list ay talagang piling-pili at hindi basta-basta. At lahat sila ay always looking forward to our exclusive parties at always talking excitedly about it, before and after the event.
Syempre through the years of celebrating, merong friends na naturned off kaming mag-asawa (at ng aming ibang guests din) at ayaw naming i-include sa guest list at talagang ayaw na ayaw sa kanila ng aking asawa at ng ibang friends. On my part naman, kahit din turned off ako sa kanila ay ayaw kong makasakit ng kanilang damdamin dahilan sa matagal na rin kaming friends. Ayaw ko silang makaaway at I am some sort of a peacemaker na tao. Although may kalayuan na rin naman ang kanilang new residence sa akin at kailangang magbiyahe sila ng more than an hour to come to my place.
Hindi maaaring hindi nila malalaman ang aking party sa dahilang active kaming lahat sa Facebook at ibang social media. At alam ko na kapgka hindi ko sila ininvite at parang sila ay naitsapwera, sila ay magdadaldal ng bad things about us at ganoong klase silang mga tao—mga dalahira at masasama ang mga bunganga at mga benggatibo.
Talagang ayaw na ayaw sila ng aking asawa at ganoon din ang aming mga ibang guests sa kanila. Mag-asawang obnoxious personalities at big mouths ang tawag sa kanila, at hindi ko nga maintindihan kung bakit ko sila so-called friends for many years. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ganitong kabait sa kanila, or am I just a big sucker? Kailangang malaman ko ang sagot mo, Ate Lena, ASAP. PARTY ANIMAL
Dear Ms. Party Animal,
Bago ang lahat binabati kita ng Mapayapa at Masaganang Bagong Taon.
May tanong ka sa sulat mo–kung bakit ganoon ka kabait sa tinatawag ng asawa mong “mga kaibigan” at ganoon din ikaw sa isang couple na may obnoxious personalities at big mouths.
Talagang nakakapagtaka na mabait ka sa kanila in spite of the fact na ganoon ang kanilang personalities.
Bakit mo pa sila iniimbita kung ayaw sa kanila ng asawa mo at ganoon din ang nakakarami ninyong kaibigan at ganoon din mismong ikaw? Ano ang ikinatatakot mo? May alam ka ba na dapat mong ipangamba sa kanilang mag-asawa? Kung wala naman, di ba mas kailangan mong makiayon sa asawa mo at sa nakakarami ninyong kaibigan?
Burahin mo na ang pangalan nila sa guest list mo. Kung sila man or anybody ay magtatanong kung bakit, ay sabihin mo na lamang na sa taong ito kayong mag-asawa ay nad-decide na liitan na lamang ang guest list sa mga kaibigang nakikita ninyo regularly in person, at pwede ring sabihin na iyong talagang mga close friends na lamang dahilan sa nahihirapan na kayong mag-entertain na mag-asawa ng isang malaking party. Dapat lamang sa ung taon-taon for so many years ay ginagawa ninyo ito sa inyong friends.
I think it’s about time to cut down at hindi na kayo bumabata pa, syempre tumatanda na at mahirap na ang mag-entertain ng too many friends.
Pwede ring sabihin mong iba na ang panahon, na hindi kagaya ng mga years before.
Medyo mahirap gawin ito sa una at siguradong maraming reactions and comments at mga tsismis kang maririnig. Pero sa una lamang iyan, at siguro naman ay ni hindi naman din magagalit ang obnoxious couple na friends mo. You might be surprised kung tatanggapin nila ng mapayapa sa kanilang kalooban ang iyong decision about your guest list. You can never tell.
I am sure mas masaya pa ang parties ninyo sa pagkawala ng iyongmga asungot friends. Hanggang dito na lang at good luck to you! Ate Lena









