Taksil Na Matanda Sa Pag-ibig | VIA Times – June 2014 Issue
Latest Updates
Home / Sections / Dear Ate Lena / Taksil Na Matanda Sa Pag-ibig

Taksil Na Matanda Sa Pag-ibig

By: Lena Remigio

 

lena remigioDear Ate Lena, Ako ay matagal ng biyuda, may isang anak na babae at dalawang apo. Ako ay nakatira sa kanila at ako ay natutuwa na ako ang nagbaby-sit sa aking mga apo na ngayon ay malalaki na rin, isang 12 at 7. Sila ay mababait at very close sa kanilang lola. Ang akin namang anak at son-inlaw ay parehong professional at maligaya sa kanilang marriage Wala akong problema sa situation na ito. Ang aking problema ay ang aking sarili na kung kailan pang tumanda ay saka pa nag-fall in love sa isang lalaki na turned out to be unfaithful. Ito ba namang sa edad na nalilipasan na ng araw ay saka pa ako nagkaganito. Dati siyang kaklase ko sa elementary school at kami ay nagmeet na muli sa isang school reunion a few years ago. Siya ay isang biyudo rin at napatira din siya dito sa Amerika ngaunit nag-retire na at bumalik na sa aming probinsya sa Pinas. Sa una ay talagang napakatindi ng aming pagmamahalan at ilang beses din akong bumalik-balik to meet and stay with him sa kanyang bahay sa probinsiya. Marami kaming maliligayang sandali at talagang I was seriously thinking of settling down with him sana. So, ako ay nagpabalik-balik sa Pinas as I had to go back dito sa Chicago. Habang ako ay naroroon, kumuha kami ng isang katulong na babaeng bata pa, mga 18 years old, at siya ay bale related pa sa akin na pamangkin sa pinsan. Siya ang katulong-tulong namin at tinrain ko siya ng mga gawaing bahay. At mahusay naman din siya. Nang last time na bakasyon ko ay meron akong napansin sa kanilang dalawa, natunugan ko na mayroon silang intimacy. Hindi ko naman sila nahuhuli sa akto at ng kinonfront ko ang aking boyfriend ay ayaw naman niyang umamin. Ako ay biglang tinabangan na sa kanya at nakipag-break na sa kanya. Ayaw ko nang umuwi sa Pinas sa ngayon. Siya ay tumawag lamang ng mga dalawang beses since we separated our ways. Mayroon akong balitang nasagap na ang babae daw ay buntis ngunit hindi daw sa kanya at meron naman daw boyfriend. Anong gagawin ko, Ate Lena? BULAKLAK NA LANTUTAY

Dear Ms Bulaklak na Lantutay, Nabanggit mo na kung kailan ka pa tumanda, saka ka pa na-inlove muli. Hindi katakataka pagka’t ang pag-ibig ay walang age limitation. Ito ay nangyayari mapa-murang edad at ganoon din sa may edad na. Sabi nga, love is blind. Kapag na-inlove ang isang tao madalas o kung minsan sa tindi ng kanyang emotion ay di na nakakaisip kung ano ang nararapat gawin. Walang masama na main love kang muli. Kaya lang mahirap ang inyong kalagayan. Ang boyfriend mo ay nag-retire sa Pinas at ikaw naman ay narito sa Chicago. Napaka-expensive ng inyong relationship. Biro mo kaya lang kayo nagkikita ay kung ikaw ay umuuwi sa Pinas? May mga lalaki na kahit may pananagutan na ay nalilihis ng landas, ano pa kaya ang boyfriend mo na ikinuha mo pa ng babae na kasambahay na sila lang dalawa ang nakatira sa iisang bubong? Masyadong malapit sa tukso. Base na rin sa iyo, napansin mo ang nobyo mo at ang kanyang kasambahay ay very intimate na sa kanilang dealings in front of you. Dapat na-alarm ka na. Ang dapat pati ay ikinuha mo na lamang ng isang katulong na lalaki. Kayo ba ay walang balak magpakasal? Hindi ba ninyo napapag-usapan ang bagay na lumagay sa tahimik? Marami kasi sa atin na masyadong modern at nag-lilive- in. Sa iba ay may matinding dahilan kung bakit di sila nagpapakasal. Ano ba ang gusto mong mangyari?Mabubuhay ka ba ng tahimik matapos ang inyong confrontation? Ang sabi mo ay buntis iyong kanyang kasambahay. Hindi mo maiiwasang isipin na baka ang nobyo mo ang ama ng ipinagbubuntis dahil sila lamang ang magkasama sa bahay. For your own peace of mind, dapat timbangin mo kung dapat mo pang ipagpatuloy ang inyong relationship o tapusin mo na kaagad- agad. Ate Lena

 

Comments are closed.

Scroll To Top