Asawa Vs. Mga Anak | VIA Times – May 2014 Issue
Home / Sections / Dear Ate Lena / Asawa Vs. Mga Anak

Asawa Vs. Mga Anak

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, Sinusulat ko ito ngayong Mother’s Day dahilan sa ako ay nangungulila sa aking mga anak na tatlong babae at kasama na rin ang aking mga apo na hindi ko nakikilala man lamang at nakita ko lamang sila ng sila ay maliliit pa. Isa kong professional na humiwalay sa aking husband na Pinoy ng ako ay pumunta dito sa Amerika. Iniwanan ko silang lahat at ako ay nakipagsapalaran sa bayan na ito na land of opportunities. Nakakilala ako ng isang Amerikano na guwapo at mapagmahal, at ako ay napilitang magfile ng divorce sa aking asawang Pinoy at magpakasal sa Amerikano upang ako ay magkaroon ng immigration papers to stay permanently dito at ako naman ay nakakita ng isang stable job sa isang hospital. After a few years I was able to petition my three girls na puro mga teen-agers na at that time. Tumira silang panandalian sa akin ngunit sila ay nilayasan ako later on dahilan sa hindi nila pagkakasunduan ng aking American husband. Para akong nasa pagitan ng nag-uumpugang bato dahilan sa ako ay pinamili ng aking asawa, siya o ang aking mga anak. Pinili ko ang to stay with my husband. Isa-isa silang nagsipag-asawa at nagkaanak, maganda naman ang kanilang naging buhay at nalalaman ko lamang ang mga nangyayari sa kanila kapagka sila ay tumatawag at keeping me updated, at paminsan-minsan noon ay nakakasingit din kaming to see each other. Ngunit as years pass by, ang aming contacts with each other ay nagiging limited na hanggang sa dumating ang panahon na kagaya ngayon na wala na sa kanilang tatlo ang nakakaaalala at tumatawag sa akin on special occasions such as Mother’s Day & on my birthday and Christmas. Napakalungkot ng aking buhay sa ngayon na ang aking asawa ay may sakit na at nagiging malupit sa akin. Na-mimiss kong mabuti ang aking mga anak at gustong-gusto kong makita ang aking mga apo na malalaki na at nasa college na. Papaano ko kaya mabubuong muli ang aking family ngayong ako ay matanda na at kailangan ko sila? MOTHER DEAREST

 

Dear Mother Dearest, I don’t blame you na mag-feel na nangungulila sa iyong mga anak at mga apo lalo na ngayong Mother’s Day at ikaw naman talaga ang may kasalanan sa nangyari sa iyong buhay. Siguradong nangyayari iyan dahilan sa ikaw ay nararamdaman mo na ang pagtanda at panghihina at ikaw rin ay binabagabag na ng iyong konsyensya, my dear. Hindi ko naman sa iyo na anong klase kang ina at ang mga mali mong ginawa ay nakaraan na, ang sabi nga ay water under the bridge. At napakalungkot na feeling talaga ang iyong nararamdaman sa ngayon. Nasasa iyo ng lahat ang mga bagay to handle. Ready ka na bang humingi ng patawad sa iyong mga anak at kayo ay magsipagusap? Konting communication lang naman kung ikaw ay ready na at I am sure na ikaw ay kanilang patatawarin sa iyong mga maling ginawa at hindi pang-unawa sa kanilang kalangayan noong they were growing up at kailangan nila ang isang ina for guidance. How about your husband? Kaya mo kaya siyang harapin at sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman na isang nalulungkot na ina? You really need to be back with your family kahit na sa nahuhuling sandali ng iyong buhay. Maintindihan ka kaya ng iyong asawa na kano? Everything now is in your hands, at good luck na lang! ATE LENA

Comments are closed.

Scroll To Top