Home / Sections / Dear Ate Lena / Bwisitang Mag-ina

Bwisitang Mag-ina

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Kaming mag-asawa ay nasa 70’s na na matatawag mo ng twilight years. Hindi na kami masiglang parang bata noong mga unang panahon. Kami ay retired na, ang aming mga tuhod ay mahina na sa paglakad, at siya ay maysakit sa ngayon kaya kailangan namin ang konting slow down sa aming lifestyle na retitrado na.

Siya ay nahospitalized sa kanyang karamdaman at ako ay hindi halos umaalis sa kanyang tabi. Nang siya ay nasa hospital, nkatanggap siya ng text sa kanyang pamangkin sa Pilipinas na siya daw ay darating dito sa Chicago na kasama ang kanyang anak na mag-aattend ng conference. At sa halip na mag-stay sa hotel, sila daw ay mag-istay dito sa aming bahay ng mahigit na isang linggo.

Syempre naman ako ay masyadong nag-aalala at naiinis sa mga bagay na ito. Tinext ko back itong niece na ito at sinabi ko sa kanya na ang kanyang uncle ay maysakit at medyo masama ang kanyang kalagayan at ako ay talagang busing busy sa pag-aaruga sa kanya at attending sa mga iba’t ibang bagay na dapat gawin sa aming buhay. Wala siyang sinagot sa aking text at wala man lamang siyang offer ng tulong o sabihing hindi na lang kayo sila dito tutuloy at maghanap na lamang ng hotel to stay in. Wala.

Sa totoo lamang, dalawang beses ko lamang siyang na-meet sa tanang buhay ko, at nang silang mag-ina ay dumating hindi man lamang sila nag-offer na tumulong sa bahay kagaya ng pagluluto o paghuhugas ng pinggan at kahit na bisitahin man ang aking asawa sa ospital at nawalan na raw sila ng oras by the time they left. Kung walang activities sa kanilang hotel conference, nanonood lamang sila TV or on their cellphones texting their friends. May isang gabi pang iniwanan nila ako ng kanilang dirty laundry to wash.

At pagkaalis nila, iniwanan pa nila ako ng mararming maruruming towels and bedsheets to wash at maraming trash. Ako ay pagod na pagod at under stress due to my husband’s illness. Nakakita ka na ba ng mga taong ganito? Gusto kong tumili ngaunit hindi ko magawa.

DISTRAUGHT

 

Dear Distraught.

Bakit mo pinabayaang abusuhin ka ng ganyan ng isang bwisita? Tamang tama ang pangalan na yan sa kanya o kanila. Kung sumigaw ka man lamang siguro ng “Go away!” ay di sana ay lumuwag ang iyong dibdib sa iyong imported na kamag-anak sa Pinas.

Binastos ka nila ng walang konsiderasyon sa iyong situation na caregiving for your sick husband at walang katulong sa pag-aalaga at pag-aayos ng bahay.

Ang mga ibang tao ay talagang ganyan. Mga walang pakundangan at sarili lamang nila kanilang iniintindi. Just looking at a straight line, walang lingon-lingon at walang pakialam dahilan sila ay mga selfish people.

Sa ngayon na isa kang asawa na nag-cacare-giving sa iyong asawang maysakit, ang unang-una mong dapat intindihin ay ang iyong sarili. You are facing the very first test of a caregiver, which is the need to take care of yourself, in order to take care of your loved one. Nabasa ko iyan sa isang libro at iyan ang dapat mong isaisip sa iyong buhay sa ngayon.

Ikaw ay kailangang alagaan upang maalagaan mong mabuti ang iyong asawa. At paano mong maalagaan ang iyong sarili? To take good care of yourself, you will have to learn to say “no,” ‘’stop” and, yes, “go away,” sa mga abusado at mga buwisitng dumarating sa iyong buhay.

Mahirap sabihin lalo na kung hindi ka sanay sa pagbigkas ng mga salitang ganyan ngunit dapat lamang naman para ikaw ay hindi abusuhin ng mga tao, lalo na ngayong maysakit pa ang iyong asawa. Pag-aralan mong sumigaw at magmura kung ang mga bagay-bagay ay sobra na at hindi na makaya ng iyong dibdib at masasanay ka rin. “No” is a good word to say when you really value yourself. It can be very hard to say these things, but it gets easier when you realize that exhaustion and anger interfere with your ability to get through the day. Let me know…

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top