Your Guide To Healthcare And Insurance In Chicagoland: For Our Filipino Community

By: Melody Rabor-Dizon

 

Mga kababayan, alam natin na minsan nakakabigla at nakaka-overhwelm talaga ang healthcare system dito sa Amerika. Nakakalito at parang ang daming steps bago ka talaga matulungan. But don’t worry! Here’s a guide na parang kwentuhan lang—simple, friendly, at para sa ating lahat.

Step 1: Explore Your Health Insurance Options. Madaming options dito, depending on your situation. Hanapin ang Health Insurance na Swak sa Iyo:

1. Affordable Care Act (ACA) Marketplace This is the go-to health insurance option for U.S. citizens and lawfully present immigrants. Open enrollment happens once a year, so abangan ang mga dates! Kung may pagbabago sa buhay (like kinasal ka or may bagong baby), puwede kang mag-apply anytime sa special enrollment period.

2. Medicaid Para ito sa mga pamilyang may limited income. Libre o mababa lang ang bayad, kaya magandang option ito para sa mga seniors at families with kids. It depends on your income, family size, and sometimes, your age.

3. Health Benefits for Immigrant Adults (HBIA) For non-citizens ages 42-64, meron tayong HBIA na exclusive sa Illinois. It provides comprehensive healthcare kahit wala kang health insurance. Pero, heads up mga kabayan—naka-pause ang enrollment ngayon, kaya stay updated! Tip para hindi maiwanan: Bisitahin ang Get Care Illinois para sa updates tungkol sa HBIA

Step 2: Saan Makakakuha ng Murang Serbisyong Medikal? We are lucky at maraming community centers sa Chicagoland na handang tumulong. Here are some of our most trusted places:

• Community Health Centers Merong mga health centers na nag-aalok ng serbisyong primary care sa sliding scale fee. Meaning, depende sa income ang bayad mo! Ang Midwest Asian Health Association (MAHA) Community Health Center ay may mga services na catered sa Asian communities, kabilang ang ating mga kababayang Pinoy. Hanapin ang pinakamalapit na MAHA center: MAHA Community Health Center

• Filipino-American Organizations Kung kailangan mo ng mga libreng check-ups o health talks, tumawag sa Filipino American Community Health Initiative of Chicago (FACHIC). Parang pamilya ang FACHIC at sila’y handang tumulong, lalo na pagdating sa mga health needs ng ating komunidad. Tanungin ang FACHIC tungkol sa kanilang programs: FACHIC

Step 3: May Tulong sa Pag-navigate ng System Maraming mga hospitals at clinics ang may translation services, kaya wag nang mag dalawang isip! Kung mas komportable kang mag-Tagalog, sabihin lang when you make an appointment, at baka puwede silang mag-provide ng interpreter.

• Community Support Organizations Ang Alliance of Filipinos for Immigrant Rights and Empowerment (AFIRE) ay nagbibigay ng support mula healthcare hanggang housing. Hindi lang sila nagbibigay ng impormasyon— tutulungan ka rin nila, one step at a time. Need help? I-explore ang services ng AFIRE: City of Chicago Community Resources

Step 4: Huwag Matakot Tungkol sa Public Charge Naiintindihan namin ang inyong pag-aalala, lalo na sa immigration status. Good news, mga kababayan! Ang mga programs tulad ng Medicaid o HBIA ay hindi makakaapekto sa inyong status o sa future immigration applications.

Kung kailangan nyo pa ng kaalaman, nandiyan ang Protecting Immigrant Families Illinois na puwede mong tawagan anytime. May family hotline din na libre ang serbisyo.

Family Support Hotline: 1-855-HELP-MY-FAMILY (1-855-435-7693) Para sa dagdag na impormasyon: HFS Illinois

Checklist: Ang Iyong Kalusugan, Ang Iyong Kayamanan 1. Alamin ang Iyong Eligibility

Swak ba sa iyo ang ACA, Medicaid, o HBIA? Siguraduhing updated ka sa enrollment dates. 2. Humingi ng Tulong Kung Kailangan

Kung nahihirapan, reach out sa local Filipino organizations para sa assistance at guidance sa pag-apply.

3. Maging Updated

Nagbabago ang mga rules at enrollment periods, kaya mag-bookmark ng mga sites tulad ng Get Care Illinois at sundan ang mga Filipino groups sa social media para palaging updated!

Mga kababayan, ang kalusugan ay kayamanan. Hindi ka nag-iisa—nandiyan ang komunidad para sumuporta. Let’s take these steps together and ensure a healthy, happy future for all of us. Mag-ingat lagi, at kung may katanungan, nandito lang kami!