Community News
Home / Sections / Dear Ate Lena / Asawa ng Bastos

Asawa ng Bastos

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Masyadong malaki na ang aking pagtitiis sa aking asawa na kasama ko sa buhay ng mahigit na dalawampung taon na. Mayroon kaming three lovely children na aming mahal na mahal na sa ngayon ay mga adults na, mga nag-aaral at mababait sa magulang. Mabuti naman siyang ama sa aming mga anak.

Ang aking problema ay ang aking asawa na hindi ko na matagalan ang masamang ugali sa pagtrato sa akin, na madalas ay walang respeto sa akin kahit sa harapan ng mga tao o kahit kami ay nag-uusap na dalawa. Masyadong bastos ang kanyang bibig kahit sa harap ng aming mga anak, at he demeans other people, too. At siya palagi ang magaling at ang ibang tao ay tanga, stupid or bobo dahilan sa siya ay isang insecure person kahit na mataas ang pinag-aralan niya.

Medyo ganyan ang kanyang basic character na napagpasensyahan ko naman ng many years dahilan sa siya ay mahal ko. Sa ngayon, it seems na he is getting worse in his old age at ako ay nauubusan na ng pasensya. I don’t think na may pag-asa pa siyang magbago at matanda na siya. Madalas na kami ay nagkakaroon ng heated exchange of words at there are times na nag-try akong sabihin sa kanya how much he is hurting me pero parang nagdadaan lamang sa kanyang tenga ng sa ngayon ay humihina na. At hindi man lamang siya mag-apologize sa aming pag-uusap, so what’s the use?

Wala naman siyang bisyo sa alak, babae at sugal kung tatanungin mo. Gusto nga niya ay sa loob ng bahay at nanonood ng television all day long. Yes, laid back siya pero ok lang yon dahilan sa retired na siya. That does not bother me. Ang aking problema ay ang kanyang masamang ugali na bastos at ang kanyang bunganga na kailangang sabunin araw-araw. Madala ay napapahiya akong isama siya sa mga parties ke family or social dahilan sa siya ay napapaaway o nagkakaroon ng kaaway.

Talagang nagde-decide akong tapusin na ang aming marriage dahilan sa ako ay mamamatay ng kunsumisyon sa aking asawa.

ASAWANG MARTIR

 

Dear Lolo’s Lover,

Sa ngalan ng pag-ibig ay walang edad na panipili ang tao. May kasabihan nga na, “O pagibig, pag pumasok kaninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang!” Ito ay totoong nangyayari sa buhay.

Kaya lang, bukod sa matanda na maituturing mo iyong Lolo, siya ay may-asawa pa. At ang isa pa, kilala mo pala ang kanyang asawa at bukod dito ang sabi mo ay mabait sa inyong mag-ina? Natural lang na magkaroon ka ng guilty conscience. Ang sabi nga huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo, Golden Rule sa Tagalog.

Kung minsan, may pagkakataon na ang isang tao sa hindi inaasahan ay nagkakamali na pumatol sa isang tao na may pananagutan na sa buhay. Ito ay madalas mangyari sa isang lalaki o babae na ang trabaho ay malayo sa kanyang pamilya.

Pero iba ang situation ninyo. Kilala mo ang kanyang asawa na mabait sa inyong mag-ina at ikaw ay empleyado nila. Tinulungan nila kayong mag-ina, di ba?

Ngayon ikaw naman pala ay may batang boyfriend na. Bakit di ka na lang maging faithful sa kanya? Nabanggit mo na di siya masagana sa pera. Ano ba ang mahalaga sa iyo? Isang lalaki na single na hindi masagana sa salapi o isang lalaki na lolo na mayasawa; pero madatong?

Para ka naman yatang isang golddigger. Iyong una wala kang guilty concscience na makipag-relation sa isang matandang may-asawa na. Ang salapi ay di batayan sa kaligayan ng tao.

Di ba masarap mabuhay ng tahimik? Iyong wala kang masasaktan na tao. Sa pagdaraan ng panahon ay matutuhan mo ring makalimutan si Lolo.

Maging matapat ka na lang sa present boyfriend mo. Darating din ang panahon na makakalimutan mo ang pag-ibig mo kay Lolo. Hindi mo ba narerealize that you might just end up na isang caregiver ni Lolo? Mamahalin mo pa rin kaya siya kung taga-tulak ka na lamang ng wheelchair niya?

Good luck sa isang matahimik na buhay at wag mo nang guluhin pa. Ate lena

Leave a Reply

Scroll To Top