Isang Babaeng Fake | VIA Times – August 2014 Issue
Home / Sections / Dear Ate Lena / Isang Babaeng Fake

Isang Babaeng Fake

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, Alam kong ikaw ay hindi doktor at hindi rin namang sexual therapist or psychologist, Ate Lena. Ngunit ako ay sumusulat sa iyo sa dahilang gusto ko lamang mag-express ng aking problem sa isang Ateng kamukha mo at gusto ko ang mga payo mo at isa ako sa iyong avid fans. Ang column mo ang unang una kong binabasa paglabas ng VIA Times. Sexual ang aking problem, hindi financial at hindi rin relationship. Maligaya kung tutuusin amg aking family life, good & loving husband, two beautiful children, at marangya naman sa buhay, bata pa rin, 36 years old. at may itsura at I have a beauty title in this community. Mahigit ng sampung taon kaming married, but all these years ako ay hindi man lamang nagka-climax sa lovemaking naming mag-asawa. Ang aking asawa ay guapo naman at mahusay sa kama at ginagawa niya ang lahat para ako ay masiyahan sa aming lovemaking. But all these years, ako ay nagpe-fake lamang sa aking orgasm. Hinding hindi talaga ako masiyahan at labasan sa aming lovemaking. Hindi niya alam na ako ay nasisiyahan sa paglalaro sa aking sarili kapag siya ay wala na, at hindi niya alam na ako ay merong mga gadgets din na ginagamit para sa aking pansariling kasiyahan sa sex. Bakit kaya ako ganito, Ate Lena? Kasalanan kaya itong nangyayaring ito sa akin? Dapat kaya akong magkumpisal sa pari o magpunta na sa isang sex therapist? Hindi ko naman magawa ito sa totoo lamang at natatakot akong malaman niya through our health insurance. Mahal na mahal ko ang aking asawa at ayaw kong siya ay masaktan lalo na ang aming whole family na very, very close talaga. Hinding hindi ko masasabi sa kanya amg katotohanan at ayaw kong masaktan siya at kanyang isipin na hindi ko siya mahal kung ako ay hindi nilalabasan sa aming lovemaking. Naiisip ko rin na kung ako ay magsasabi sa kanya ng tapat, siya ay mag-isip magka-affair sa isang babaeng masisiyahan sa kanyang lovemaking. Ayaw kong mangyari iyan sa aming buhay. Ano ang aking gagawin, Ate Lena? FRIGID & FAKE

Dear Ms Frigid & Fake, Una sa lahat maraming salamat sa iyong papuri at banggitin na ikaw ay isa sa mga tagahanga ng column ko. Sa lahat ng avid tagahanga ng Dear Ate Lena column, taos-puso kong pinararating ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Ito ay nagsisilbing inspiration ko sa aking mga payo. Sa totoo lang, lahat ng payo ko ay hindi ko sarili. Bago ko sagutin ang lahat ng humihingi ng spiritual and moral advice; ako in return ay nagdarasal at humihingi ng guidance para makatulong sa mga nagtitiwala sa akin. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang sariling problema either financial or emotional or health problems. Sa maraming pagkakataon nakakatulong na ishare ang mga ito sa kung sino man ang puede nating pagkakatiwalaan. Huwag mong isipin na ikaw ay abnormal when it comes to your sexuality. Iba-iba ang tao. May mga tao na madaling mag-climax at mayroon namang na tapos na ang asawang lalaki ay naiiwanang nakabitin ang si asawang babae. Matanong ko lang, ikaw ba ay gumagamit ng lubricant? Kung hindi, subukan mo kaya. Baka naman ito ay malatulong. Tama ka, hindi mo puedeng ipagtapat sa asawa mo ang iyong dinaranas. Baka mawalan ng gana sa iyo at maghanap ng ibang sex partner. By the way, ikaw ba ay may kilala o kaibigan na lady physician? Baka lang matulungan ka. Ang mga payo ko ay from my own experience and from others too. Kailangan mo rin ang iyong concentration every time you have sex with your husband. Siguro makakatulong din na isipin mo na masisiyahan ka tuwing ikaw ay makikipagtalik sa iyong asawa. Baka lang lagi mong iniisip na hindi ka mag-cliclimax at ito ay maaaring nasa subconscious mind mo. Ibigay mo ng buong-buo ang iyong sarili. Magdasal ka rin na sana ay tulungan ka sa iyong problem. Walang impossible na sa ating daily needs ay malaki ang naitutulong ng dasal. Good luck! Ate Lena

Comments are closed.

Scroll To Top