Don't Miss
Home / Sections / Dear Ate Lena / Lumuluha Dahil Sa Ina

Lumuluha Dahil Sa Ina

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Papaano kaya ang isang anak ay makakawala at maproprotectahan ang kanyang sarili sa pag-aaruga sa kanyang matandang magulang?

Ako at ang aking kapatid na lalaki ay galing lamang sa hirap na pinalaki ng aming ina sa government assistance habang kami ay lumalaki. Sa ngayon kaming dalawa ay mayroong sariling pamilya at maigi ang buhay at wala kami sa poverty level na hindi kamukha ng aming ina na sa ngayon at 70 years old at maraming medical issues. Ang aking kapatid ay nakatira sa out of state at ako ay malapit sa aking ina na nag-aasikaso sa kanyang mga ibang pangngailangan. My brother refuses to have anything with her dahilan sa siya ay may-asawa at dalawang anak at ako naman ay walang anak. Maganda ang aming trabaho at pareho kaming what you would consider middle-class suburbanites.

Tinutulungan ko ang aking ina financially since I was a teen-ager. Ten years ago, ako ay lumagay na sa tahimik at bumili kami ng asawa ko ng bahay, puspusan ang aking pagtratrabaho, plus ang pag-aasikaso ko sa aking ina na kasama na ang kanyang finances hanggang sa ako ay nagkasakit. Imagine paying for her Internet service and cellphone plan, cable TV for many years, pag-aasikaso sa pagbabayad ng kanyang mga utang, balances, late fees, etc., plus bringing her groceries and other household items na kailangan niya.

Kailangang ako ay tumigil na sa ganitong ginagawa sa kanya dahilan sa hindi na healthy, ang sabi ng aking asaw. She now has a home health aide (government provided) three days a week at tinutuloy ko pa rin ang pagbabayad sa kanyang Wi-Fi at family cellphone plan.

I have decided not to pay any more of her debts. Pero gastadora siya at hindi marunong mag-manage ng pera at kung anu-anong basura ang kanyang binibili. Alam kong pera niya iyon at hindi na lamang ako nakikialam sa kanyang style ng money management.

Ang aking problem ay kung merong mangyari kaya sa kanya at siya ay kailangang pumasok ng nursing home or assisted living due to ill health, responsible kaya ako bilang isa niyang anak sa kanyang mga ibang utang na maiiwanan? Smart kayang decision ang patirahin ko siya sa amin?

LAGRIMAS SA CHICAGO

 

Dear Lagrimas,

Natutuwa ako at narealize mo ang hangganan ng pagmamahal at pagtulong mo sa iyong ina na posibleng makasira sa inyong magandang pagsasama ninyong mag-asawa. You deserve a happy life, one where you are free to enjoy the small moments and look forward to a secure future.

Huwag na huwag mong ituloy ang naiisip mong pagpapatira ng iyong ina sa inyong magasawa. Ang iyong ina ay nasa Medicaid na so wala ka ng worries sa kanyang medical bills, doctors, hospitals, and prescription medications.

Napakabait mong anak para gawin mong lahat ng pagtulong sa iyong ina ng ganyan at napakabait rin ng iyong asawa na supportive din naman sa iyong pagkakalinga sa iyong ina. Ang iyong kapatid na out of the picture at walang pakialam ay pabayaan na lamang natin habang kayong dalawa ay nagkakasundo naman at nagmamahalan.

Ngayon tungkol doon sa tanong mo na kung ikaw ay magiging responsible sa mga maiiwanang utang ng iyong ina kung sakaling siya ay pumanaw anytime ay highly unlikely. Wag kang magkakamaling magcocosign sa kanyang ibang utang.

Be watchful of your credit score at baka meron siyang inuutang using your name lalo na kung pareho kayo ng first name. Iyon lamang ang nakikita kong liability mo.

Maraming online resources na makikita ka na makakatulong sa mga seniors sa public benefits of state, federal and city, at ang AARP at other organizations have helpful guides for preparing to care for an elderly parent, other caregiving services, food and groceries..

I wish you and your supportive husband lots of good luck in looking into the future by helping your mother in mind and in spirit. Napakabait ninyong mga tao at sana maraming mga anak ang kagaya mo.

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top