Home / Sections / Dear Ate Lena / Too Fast, Too Soon Ba?

Too Fast, Too Soon Ba?

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, Ako ay isang kabibiyuda lamang na may dalawang maliliit pang mga anak, two boys, ages 12 and 8. Very, very close ang aming family at very close rin ako sa aking mga in-laws na pagkababait at sila ay palaging concern sa aming kalagayang mag-iina. Ako ay isang nurse na kailangang magtrabaho everyday para aking mabuhay ang aking mga ulilang anak. After six months ng aking pagkabiyuda ay nakakilala ako ng isang maginoong lalaki sa ospital na aking pinagtratrabahuhan na isang physical therapist. Siya ay isang binata na never been married, mabait, understanding, at parang serious naman na magkaroon kami ng relationship at ang kanyang sabi ay gusto niyang ipakilala ko siya sa aking mga anak sa lalong madaling panahon. Ako ay medyo hesitant sa gusto nyang mangyari na ito sa dahilang wala pa mang isang taon ako nabibiyuda, six months lamang. Hindi ba’t napakabilis naman yata ng mga pangyayari? Ayaw kong mabigla ang aking mga anak na ako ay meron nang ipapalit sa kanilang mahal na ama na alam kong sariwang-sariwa pa sa kanilang nga murang isipan. How about ang aking mga in-laws? Ano na lamang ang sasabihin nila sa maaga kong pagkakaroon ng isang lalaki sa aking buhay na magiging kapalit ng kanilang minamahal na anak? Hindi ba napakabilis naman yata ng mga pangyayaring iyan? On the other hand, ayaw ko naman ding madisappoint ang aking bagong kaibigan sa kanyang kahilingang makilala ang aking pamilya. Para baga siyang nagmamadali at natatakot ako. Natatakot akong hindi siya magustuhan ng aking mga anak at natatakot din akong baka sila ay magtampo sa akin sa bilis kong mag-replace sa kanilang ama. Ako ay parang mabilis na nai-inlove na sa lalaking ito at ayaw kong humantong sa bagay na I will have to make a decision na pipiliin ko siya over sa mga mahal kong anak, if worse comes to worst. Ano na ang aking gagawin, Ate Lena? DEDICATED & LOVING MOM

Dear Dedicated and Loving Mom, Totoo na napakaaga naman at napakabilis naman ng pagkahulog ng loob mo dito sa nagkakagusto sa iyo. Kausapin mo siya na kung talagang taos sa puso niya ang nararamdaman niya para sa iyo; kung puede lang na maghintay siya hanggang maka pagba bang-luksa ka naman. Sa iyong mga anak; totoo na mga murang-isip pa sila. Sila ay unti-unti mong ipadama na sa mga darating na araw na kakailanganin mo ang katuwang sa buhay. By the way, tanggap ba ng suitor mo na maging stepfather ng iyong mga anak? Dapat mong alalahanin kung ikaw ay makikipagrelasyon hindi lamang ang sarili mo ang iisipin mo kundi gayon din ang mga anak mo. Maramimg nangyayari na ang stepmother or stepfather ay nagiging physically abusive sa kanilang step children. Kung minsan ito ay dahil sa rivalry, lalo na kung ang ina ay napaka-close sa kanyang mga anak. Sa kalagayan mo, hindi lang ikaw ang dapat na ligawan niya kundi ang iyong mga anak din. Kailangan na mahulog ang loob ng iyong mga anak sa manliligaw mo. Halimbawa kung weekend na dapat ay magkakasama kayong lumalabas sa pamamasyal, o outing. Ito ay gagawin ninyo pagkatapos ng iyong babang-luksa. Kailangang mahulog ang loob at paggalang sa kanya ng iyong mga anak. Sa ngayon ay huwag ka munang tumanggap ng manliligaw hanggang lumipas ang isang taon. Kung talagang gusto ka niya, maghihintay siya sa takdang panahon . For the meantime, iwasan mo muna ang pag-eentertain sa kanya. Puede seguro na kung talagang di miiwasan, magkakumustahan kayo sa telepono o kaya mag-greet on special okasiyons; gaya kung Valentine’s Day, Easter, Thanksgiving, Birthdays o kung Pasko. Basta ang lagi mong priority ay ang kapakanan ng iyong mga anak. Dapat mo ring iisipin na puede kang magpalit-palit ng asawa pero hindi ang iyong mga anak. Sa ngayon dapat din na humingi ka ng tulong sa Maykapal na ituro ang tamang landas na dapat mong tahakin para sa sarili mo at ng iyong mga anak. Good luck, Ate Lena

Leave a Reply

Scroll To Top