Home / Sections / Dear Ate Lena / Ang Aking Ina Ay Isang Plastic

Ang Aking Ina Ay Isang Plastic

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Ang aking malaking problema sa aking buhay ay ang aking ina na masyadong conscious sa kanyang itsura, isang taong into herself, materialistic, at ang gusto ay palaging bago ng bago ang kanyang mga damit, purses at shoes. Hindi lamang iyon, siya ay into plastic surgery, sa pagpapaayos sa kanyang katawan at laong lalo na ng kanyang mukha. Isa siyang superficial and selfish na tao.

Hindi ko malaman kung paano kong ipapaliwanag sa aking mga anak kung bakit ganoon ang kanilang lola at hindi ko naman din gustong mapalayo ang kanilang kalooban sa kanya bilang aking ina. Ngunit ayaw ko rin namang makagisnan nila na ang itsurang nakikita nila ng isang matandang taong dapat na kanilang maging isang role model ay talagang masyadong plastic, materialistic at isang taong hindi dapat makikita ng mga batang kamukha ng aking mga anak everytime.

Ako mismo ay hindi ko ma-stand ang kami ay magkasama sa isang kwarto o lugar at baka kami ay magkaroon lamang ng malaking ingkwentro isa sa mga darating na araw. Sometimes ay napapakita ko sa kanya ang masyadong obvious na attitude na ito ngunit ito ay aking pinaglalabanan. Hindi ko ma-stand ang makipag-usap sa kanya at ang tingin ko sa kanya ay isa siyang fake na tao.

Paano ko namang mai-explain sa aking mga anak na mga apo rin niya kung bakit ganoon ang kanilang lola? Bakit siya ay nagpapa-iba-iba ng kanyang mukha? Bakit siya isang matandang tao na artificial, plastic at materialistic? Paano ko matitiis ito for the rest of my life?

Talagang ako ay sukang-suka na at ayaw ko siyang makita but, on the other hand, gusto ko rin namang ang aking mga anak ay mapalapit sa kanya dahilan siya lamang ang natatangi nilang lola at wala naman silang lola sa kanilang father’s side.

ANAK NG ISANG PLASTIC

 

 

Dear Anak,

May palagay ako na hindi lamang ang pagka-fastidious at materialistic ng ina mo ang iyong problema. Sa tono ng iyong liham ay matagal ka ng mayroong kinikimkim na pagkaayaw sa iyong ina.that I think started from your childhood.

Mukhang medyo intense ang negative feelings mo sa iyong ina at masama nga sa mga anak mo na maliliit pa na makaramdam ng masamang feeling like yours sa kanilang Lola na wala namang kasalanan kundi mahalin ang kanyang sarili sa pagpapaganda ng kanyang mukha at katawan, sa pagpa-plastic surgery nga na iyong kinamumuhian.

At kapagka ikaw ay sasabihin mong lahat ang feelings mo against your mother, sila ay baka mag-react na kamukha ko na naaawa sa kanya at hindi sa iyo.

Bakit ka tumitingin sa face value, ika nga, instead na sa kanyang inherent qualities na bilang isang inang nagpalaki at nagpaaral sa iyo. Ano ang ibang magandang katangian ng ina mo? Nakikita mo ba ang kanyang ibang values na napalaki ka nya ng ganyan? Meron ka bang nararamdaman na pagseselos kapag nakikita mo siyang may improvement sa kanyang sarili?

Wake up and smell the coffee and be a good child to your mother. Meron akong feeling na kailangang makipagkita ka sa isang professional, psychologist or psychiatrist, upang ikaw ay matulungan sa iyong feeling of apathy sa iyong ina. O tignan mo siya na isang magandang tao, inside and outside.

Maswerte ka nga na meron kang isang ina na mahilig magpaganda at wanting to look good and beautiful sa kanyang sarili. Hindi kamukha ng ibang mothers diyan na ayaw mag-ayos at mga mukhang pindangga. Alin ang gugustuhin mo?

Have you heard about the song, “The Greatest Love ofAll Is Loving Yourself”? Ang message diyan sa kanta na yan ay ang taong nagmamahal sa kanyang sarili ang talagang taong nakakapagmahal sa ibang kapwa.

Magbago ka na ng iyong attitude sa iyong ina sa bagong taon na ito at para lalong mahalin ng iyong mga anak ang kanilang Lola. Ang lahat na iyan ay kailangang mag-start sa iyo na isang ina nila. Maligayang Pasko! ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top