Home / Sections / Dear Ate Lena / My Facebook Friends

My Facebook Friends

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Ang aking mga Facebook friends ay talagang admirable people– super-duper accomplishments about themselves, their families, their friends, their jobs, their careers, etc.

Ina-admire ko ang kanilang postings sa FB ng mga places they visit, yong kanilang exciting vacation places, yong pictures ng foods sa different restaurants na kanilang kinakainan, yong pictures ng kanilang parties, ng bagong anak o ng bagong apo or different poses ng kanilang mga anak, apos, or asawas, or boyfriends/girlfriends, even nagbibisitang mga friends or yong kanilang favorite quotations or latest awards. Ang lahat na iyan ay nakakatuwang tignan o basahin at talaga namang am very proud of all of them. Nakakaaliw namang tignan at follow up ang nangyayari sa kanilang buhay halos everyday.

Alam ko na that these are thankful people wanting to express their sense of gratitude for all the good in their lives — sharing with their friends like me all the BLESSINGS in their lives. At nagpapasalamat naman ako at kasali ako sa listahan ng kanilang FB friends that they share it with at kung minsan ganoon din naman ako sa kanila…sharing the good news with your friends.

Ang napapansin ko lang, Ate Lena, yon namang ibang FB friends ko ay sumosobra naman yata at hindi na SHARING ang kanilang ginagawa at masyado ng BOASTING o yabang ang ginagawa. When do you draw the line between sharing and boasting? Nagfa-facebook ka ba? Maintindihan mo kaya itong dalamhati ng aking puso sa FB kung hindi ka nagfa-facebook? Bakit sobra naman kaya ang iba sa kanilang postings?

At isang hindi ko maintindihan ay bakit kaya kailangang i-photoshop pa ang pictures na kanilang inilalagay? Alam mo ang photoshop, yan ang app na napapaganda ang picture at napagmumukhang picture perfect sila. These things that are going on in the social media are beyond me.

FED-UP FB FRIEND

 

Dear FED-Up,

Alam ko kung ano ang nasasaloob mo sa mga inilalahad ng iba mong kaibigan sa kanilang Facebook friends. Maaaring sa iba ang dating sa kanila ay pagyayabang na malaman ng kanilang mga kaibigan kung saan-saan sila nakarating at kung ano ang kanilang pinaggagawa, at gusto nila lamang itong ishare sa kanilang family and friends, lalo na ang magagandang sceneries na nakikita nila when they go on vacation.

Please look at the positive side naman at be happy with them. Ganyan ang nadarama ko kung may mga kaibigan ako o kakilala na nagto-tour sa iba’t-ibang panig ng mundo at ini-email nila ito sa akin. It takes time for them to do these; at ako ay lubos na nagpapasalamat for their time and effort to share their excitement and fun experiences with me. Hindi man ako makarating personally sa mga places na ipinadadala nila sa FB ay parang nai-imagine ko na ang mga ito at parang nakarating na rin ako.

Para sa akin ay mapapalad ang mga tao na makarating sa iba’t-ibang pook na may magagandang sceneries na nakikita lang sa mga aklat, magazines, TV at movies. By doing these it shows that they can afford the travel expenses at hindi naman siguro they like boasting to their friends. Ganoon din ang sharing the foods photos that they eat sa mga restaurants that they visit.

Ang FB ay isang paraan of communication or reaching out sa mga kaibigan at kakilala. Kaya lang ang iba maybe sa excitement kung minsan ay sumosobra sa pag share ng pictures nila. Tao lang tayo na dapat igalang and understand them. Siguro yong iba ay nagyayabang at yong iba ay hindi.

Nakakatuwa din naman ang ibang tao na napahilig na mag-posting sa FB. Para bang gusto niyang malaman nang lahat sa FB kung ano ang nangyayari sa buhay niya araw-araw or every hour on the hour. Parang addicted na, at marahil marami siyang panahon para gawin ito. Kung ano man ang intentions ng mga tao sa mga isinusulat nila sa FB, pagbigyan na lang natin lalo na kung ito ay nakakapagdulot sa kanila ng ibayong kaligayahan.

Relax and enjoy life and sharing of your FB friends. If you can no longer stand ang sa palagay mo ay too much boasting, eh di i-defriend mo sila.

ATE LENA

Leave a Reply

Scroll To Top