Home / Sections / Dear Ate Lena / Lesbyana – Out of the Family Loop?

Lesbyana – Out of the Family Loop?

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Pwede mong tawagin na ang aking problema ay 21st century problem dahilan sa aking relationship na nakakataas ng kilay sa karamihang tao ngunit hindi na sa ngayong panahon. Ako ay isang lesbyana na merong asawang babae. Merong mga taong hindi pa rin matanggap ang situation na ito between two same sex persons.

Maligaya kaming dalawa ng sweetheart ko at tanggap ng aming both families and friends kaming dalawa. No problems with this after so many years (10 years) na kami ni Darling Sonia ko ay nagkaibigan. Walang wala kaming hang-ups sa aming pagsasama at talagang madedescribe ko na para bagang made in heaven ang aming pagsasama sa buhay at bahay.

Merong very recent na pangyayari na hindi ko maintindihan at kailangan ng isang Ate Lena sa paghahanap ko ng lunas. Baka masabi mong napakaliit na bagay lamang itong ikokonsulta ko sa iyo pero nagngingitngit ako sa aking kalooban at hindi ako makatulog ng ilang gabi na, sapagkat hindi ko ma-discuss sa aking mahal na ako ay hurting inside at kailangang kami ay mag-usap. Ako ay natatakot na baka masamain niya kapagka ako ay magbukas ng aking bibig.

Heto ang pangyayari. Kami ay nag-attend ng family party na nandoon lahat ang kanyang mga cousins na kanyang mga kabarkada at silang lahat din naman ay kasundo ko at accepted nila ako sa kanilang family, kabiruan and kaimbitahan.

During the party ay biglang tumawag ng meeting silang magpipinsan na hindi ako kasama. Ok lang. Nang matapos na ang meeting at lumabas silang lahat at tinanong ni Mother kung ano ang meeting about ay sabay-sabay silang nagsabi na they are planning to go on a cruise for one week sa summer–sila lamang mga cousins/girls. I was really shocked. Hindi ba girls din ako, sa aking isip. Bakit hindi nila ako isinasama? What’s their problem? May problema ba sila sa aking sexuality? Ano ang aking gagawin?

SAMA NG LOOB

 

Dear Sama ng Loob,

Sa mga bagay na hinayag mo sa akin tungkol sa iyong sama ng loob sa nangyaring meeting ay medyo hindi yata kita mapapanigan.

Masyado mong kinakawawa ang sarili mo sa bagay na ito na hindi naman dapat at walang sense sa akin ang pagsama ng iyong loob.

Ikaw na nga ang nagsabi na ang meeting ng magpipinsan ay girls lamang. Ang focus or issue dito ay ang salitang PINSAN or COUSINS at hindi kung babae o lalaki. Masyado ka yata naman sensitive sa iyong sexuality na isang lesbyana sa ganoong tanggap na tanggap ka ng pamilya ng iyong asawa o sweetheart.

Bakit hindi matanggap ng kalooban mo na pabayaan mo ang magpipinsan na mag-enjoy sa kanilang naiisipang trip para sila ay makapag-bonding? Hindi mo ba naiintindihan ang gusto nilang gawin at gusto mong sirain ito by being a sourpuss? Kapagka nagpakita ka ng ganitong ugali ay lalo kang magiging out of the loop (sa feeling mo sa ngayon) at siguradong kahit na ang Darling Sonia mo ay magkaroon ng hidwaan. Gusto mo bang mangyari iyan sa inyong magandang relationship?

Why don’t you be a good sport, huwag kang mag-sulk at mag-killjoy sa plano ng magpipinsan at hindi ka naman nila considered na pinsan at ikaw ay “asawa ng pinsan.” I am sure na ang ibang pinsan ay may mga asawa rin na hindi nila isasama sa planned trip.

Makisama ka sa pamilya ni Sonia, lalo na sa mga cousins na excited sa pagplano ng kanilang trip of a lifetime. Kung hindi ay baka ito pa ang maging cause ng pagkakasira ninyo ni Sonia so ikaw rin. Try to think seriously of your moves at baka ang end result ay something that you will not even like at all.

Kung mahal mo ang sweetheart mong Sonia, give her and her cousins your blessings for their trip at siguradong mapapamahal ka pa sa kanilang lahat at bida ka pa sa kanila.At I am sure na makikita mo na pagbalik nila from the trip, lalo ni si Sonia, ikaw ay mahal na mahal nila.

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top