DOM-Nagtatampisaw Sa Putik | VIA Times – July 2014 Issue
Home / Sections / Dear Ate Lena / DOM-Nagtatampisaw Sa Putik

DOM-Nagtatampisaw Sa Putik

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, Ako ay mag-ootsenta anyos na at ganoon din ang aking asawa. Kaming mag-asawa ay parehong very, very active leaders dito sa ating community noong bata pa kami at hanggang sa kami ay nagka-edad na kamukha sa ngayon. Maliksi pa rin kaming dalawang kumilos, merong dalawang anak, isang babae at isang lalaki, at kami ay nabiyayaan ng apat na apo na pagkaka-cute, mababait at magagalang. Sila ngayon ang lights of my life lalung-lalo na kung ako ay nag-”aapostolic” sa kanila or babysitting paminsan-minsan at malapit lamang naman ang kanilang bahay sa amin. Ang aking problema sa ngayon ay ang aking matandang asawa na parang nagtatampisaw yata sa putik kung kailangang matanda at malapit na sa hukay. Ilang taon na siyang pauwi-uwi ng Pinas ilang beses sa isang taon dahilan sa pagpapagawa niya ng isang housing project doon sa minana niyang lupain sa kanyang mga magulang. Okey na okey naman at natapos naman at kanya namang napapaupahan na at naibenta na ang ilang puwesto. May mga ilan kaming mga kaibigan na bumubulong-bulong sa akin noon pa na ang dear old husband ay meron daw kalaguyong bata sa kanyang pauwi-uwi. Noong una ay ignore lang ako ng ignore sa dahilang hindi ako naniniwalang kung kailan pa siya tumanda ay ngayon pa siya makakaisip ng pagtataksil sa akin. Nang akin naman siyang tinanong kung totoo ang aking mga naririnig ay tamatawa lamang siya at puro tsismis lamang daw lahat iyon. Ano ang aking magagawa kungdi ako ay manahimik na lamang at kimkimin ang aking sama ng loob. Ngunit ang hindi ko mawari sa ngayon ay ang matinding dating sa akin ng mga balita na siya raw at ang aming isang biyudang friend na kanya ring employer ay kanyang girlfriend. Parang hindi ako makapaniwala at sa wari ko ay merong katotohanan dahilan sa kanyang ibang kilos na aking nararamdaman. Sa ngayon ay nagdadalawang-isip ako sa pagko-confront sa kanya at ang sa aking palagay ay magsisinungaling lamang siya. Hindi ko rin naman nakikita itong aming friend at hindi kami man lamang nag-uusap sa telephone at siya ay parang umiiwas sa akin. Ano ang aking gagawin? SUFFERING WIFE OF DOM (Dirty Old Man)

Dear Suffering Wife of DOM (Dirty Old Man), Dumarating sa buhay natin na kung kailan pa tumanda at saka pa lumilihis ng landas ang mga ibang lalaki na may-asawa. Para bang nagiging isip-bata kumilos at sa gawi-gawi. Mahirap ipaliwanag kung ito ba ang dahilan sa pahahanap ng young blood o walang magawa sa buhay. Ang iba namang mga kabataang babae sa Pinas na may mga pangarap makarating sa ibang bansa ay gumagawa ng mga paraan para matupad ang kanilang mithiin; minsan nag-ttnt o nag- tutour. Madalas na ito ang umaakit sa ibang bakasyunistang mga citizens na ng ibang bansa gaya halimbawa nitong retired man na sa pag-uwiuwi sa Pinas ay nagiging batang puso. Sa mga lalaking lumulihis ng landas ito ay masasabi nating pangkaraniwan sa ibang kalalakihan lalo pa kung ito ay may dugong kastila. Ang pagkakaroon ng “kerida” o girlfriend ay masasabi nating nagmula pa sa kanunuan natin sa panahon ng ang Pinas ay sakop pa ng mga kastila na ang culture ay accepted ang kerida (querida in Spanish). Sa iyong situation na may-asawa with a cheating heart nasa sa iyo ang pagpapasiya. Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin base sa nararamdaman at nalalaman mo? 1.Magsawalangkibo o kunwari wala kang alam o nakikita. 2.Manmanan mo kung may katutuhanan ang mga bali-balitang nasasagap mo na galing sa reliable sources na mga kaibigan mo. 3. Encourage your grandchildren na maging magiliw o malapit sa kanilang Lolo, isa sa napaka mabisang paraan sapagkat kung ang mga apo ay napakalalapit sa kanilang Lolo, ang attention nitong huli ay mahuhumaling sa mga dearest apo. Siguro kailangang dalasan ang magpababysit sa kanilang ninuno. Kung totoo naman ang balita na medyo mayroon silang affair ng biyudang lonely heart na kanyang employer, kaibiganin mo lalo siya. Gawan mo ng paraan na magkaroon kayo ng deeper friendship. Marahil sa ganitong paraan mahihiya siya. Hanggang dito na lang at sana magkaroon ng happy ending ang dinaranas mong kapighatian sa iyong buhay in your old age.God bless! Ate Lena

Comments are closed.

Scroll To Top