Community News
Home / Sections / Dear Ate Lena / Portrait of My Love

Portrait of My Love

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Ako ay isang nurse sa isang hospital sa may downtown Chicago at ang aking asawa naman ay isang junior executive sa isang malaking department store sa downtown Chicago na malapit lamang sa aking trabaho. Kapagka may sales sa kanyang store ako ay hindi maaaring nagshoshopping, kami ay nagkikita kung minsan during lunchtime at kung minsan naman ay sabay kaming umuuwi together. We wait for each other pag-uwi unless na lamang kung siya ay nago-overtime o pinapadala sa out of town to attend meetings and conventions.

Ganyan ang routine naming mag-asawa, kami ay actually very, very close to each other. Meron kaming tatlong anak, 2 girls & 1 boy, at silang lahat ay doing very well in school. We are a very close-knit family. At alam kong ako ay mahal na mahal ng aking asawa at ganoon din naman ako sa kanya. Hinding hindi ko matatanggap na siya ay magtataksil sa akin sa ngayon or even in the future.

Shock of all shocks, may ikukuwento ako sa iyo. Siya ay nagbiyahe on a business trip kaya solo lamang akong umuwi taking a CTA bus going home. Punuan at rush hour at salamat na lamang ako sy sinwerteng makakuha ng isang upuan na katabi ng isang very friendy na American lady, blonde, blue eyes, maganda, sexy at very friendly.

Kaming dalawa ay naging very close agad, nagdaldalan, at doon pala siya nagtratrabaho sa cosmetic section ng store na pinagtratrabahuhan ng aking asawa, at sa aming pagkukuwentuhan ay kanyang sinabing ang kanyang boyfriend daw ay isang Pilipinong guwapo sa kanyang trabaho. Excited na excited siya sa kanyang pagkukuwento dahilan sa ako ay isang Pinay. She wanted to be my friend right away.

Sa kanyang kwento, two years na raw sila sa kanilang relationship at they are thinking of getting married one of these days. Ganoong ka-serious. Nang tinanong ko siya kung meron siyang picture ng kanyang boyfriend ay kinuha niya sa kanyang wallet ang picture ng aking asawa. Telling you, kung hindi ako nakaupo, ako ay talagang nabuwal.

Ano ang aking gagawin sa aking asawang taksil pala?

Lantutay CTA Passenger

 

Dear Lantutay,

Ang buhay ng tao ay full of surprises. Mabuti na lang at ikaw mismo ang nakadiscover ng pagtataksil ng pinakamamahal mong asawa. Masakit man tanggapin, pero the truth is bitter and hard to swallow.

When you confront your husband, hindi madaling siya ay mag-deny kasi may evidencia, ang kanyang picture at ang kanyang girlfriend. Alam mo ba ang kanyang pangalan?

Ang maipapayo ko sa iyo huwag mo siyang ikunfront na ngayong you are in the height of your anger at huwag rin sa harap ng inyong mga anak.

Mahirap gawin, pero mapag-aaralan mo na maging mahinahon sa confrontation. Sa panahon na handa ka na at saka mo na siya kausapin. Dapat sa labas ng inyong bahay, sa isang restaurant o sa isang simbahan

Pretend that you have a date na kayo lamang dalawa. At least, medyo kontrolado ang behavior ninyo. Sa ganitong paraan, ang confrontation can be controlled. Kung sa loob ng bahay, iba ang atmosphere at puwedeng maging out of control ang isa or both of you.

Pwedeng maging mainit ang isa o pareho lamang. Kung kailangan ang counselor, kailangang kasunduan ninyong magasawa.

Hindi madali silang magkahiwalay sapagkat magkasama sila sa trabaho, madalas ang kanilang pagtatalik at medyo matagal na rin ang kanilang relationship of two years.

Kailangan ninyo ng professional counselor, pastor, o pari or psychiatrist/psycologist na makakatulong sa inyong damdamin at isipan na mag-asawa. Hindi lamang konting timpi at self-control ang dapat sa mga panahon na ito because you have lost all your trust sa itong asawa. No one can blame you. Tama lamang na you’re feeling lantutay at talaga namang depressing itong nangyaring ito sa iyong buhay.

Whatever happens, make sure lamang na maiintindihang mabuti ng inyong mga anak dahilan sa kung shocking man sa iyo ang nangyaring ito ay lalong mas shocking sa mga bata. Good luck, good health & God bless!

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top