Home / Sections / Dear Tita EZA / Ipaubaya Mo Sa Luksong Dugo

Ipaubaya Mo Sa Luksong Dugo

pacita-ramiro-pacis

By: Pacita Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Tatlo po kaming mag – kakapatid. Sa tulong ng pensiong galing sa Tatay na napaslang noong gyerra, napag-aral kami ni Inay, kahit maliit ang sahod niya bilang Grade III teacher. Hindi din namin siya binigo, nakapag – tapos kaming lahat. Maagang sumikat ang bituin ni Manong Pepito kaya mahal na mahal ni Inay, palibhasa kaisa-isang lalaki, panganay pa.

Nauna si Manong dito sa Amerika,at sumunod naman kami agad. Nangupahan kami sa Keeler St., Chicago. Nang pinadala siya sa atin (Pinas) ng kanyang kompanya bilang presenter sa isang Seminar, sa pagbalik niya ay nagsabi siyang may napan – gasawa daw siya doon – bunso sa isang buena familia, mga haciendera, sa exclusive school sa Maynila pumasok, interna sa mga madre, alta-sociedad. Di lumaon, madali rin niyang na-ipetitiong pumunta dito sa US ang kanyang misis. Pagdating dito, makikita mo talaga na hindi siya hiyang sa trabaho sa bahay. Paliwanag nga ng Ate niya na isang successful businesswoman sa Manila, “My sister was born with a silver spoon.” Obvious na obvious, san – ay siya sa marangyang pamumuhay. Lahat signature ang gamit, mamahalin ang mga damit,sosyal ang mga kaibigan, good life ang hanap.

Palibhasa Ilokano, di napigilan ni Inay ang magpa-alaa – la sa bagong- kasal, “ It’ s not what you earn but what you save that counts.” “ Kung puede, pre – no kayo sa pag gasta-gasta para maka-ipon ng pambili ng sariling bahay.” Pabaligtad naman ang sagot ng manugang, “Pera yata ng waswit ko ang ginagastos,a! “

Mas lalong pabaligtad ang sagot ng biyenan, “Dahil yata sa akin, nakapag- aral siya!” Sumabog ang bulkan,”Titser lang naman kasi kayo,eh, kaya hindi kayo sanay!”

Nagulat kami ni Ate sa hantungan ng di na kanais-nais na palitan ng salita. Lumabas ang natural ng class naming hipag, palengkera din pala! Sa awa namin ke Inay, bumukod kaming tatlo ng tirahan, naiwan ang magasawa. Ang pinagtataka namin, wala man lang kaming narinig kay Manong.

Eto na’t hindi na rin sila nakatiis, umuwi silang dala – wa sa atin sa Pinas, dala pa rin ang sama ng loob sa isa’ t isa sa amin. Patuloy pa rin ang paglago ng career ni Kuya. Nag-oofici – na, nagtuturo, nag- i-speaking engagements, left and right, columnista sa isang magazine. Doble/ tripleng kayod. Mean – time, full- time housewife si Mis – is, tig-iisang yaya dalawang bata. Maids. Driver. De-kalidad pa rin ang lifestyle, habang doon sila nakatira sa apartment na malapit sa kanilang businesswoman na kapatid.

Si Inay naman kung sumusulat kay Manong, kulit na ipinapa- alaala na mag-ipon para maka- pondar para sariling bahay, sa halip na mangungupahan.

Sa masamang- palad, na-heart attack si Kuya isang araw. Bigla kaming nawalan ng kapatid. Kinuha na Niya ang mahal na mahal naming kapatid!

Noong umuwi kami sa kanyang burol, lantaran ang sabi ng hipag na bagkus magiging Mrs. Flores siya forever, ayaw na ayaw na niyang mapapakialaman siya namin kailan man.Ganun nga ang nangyari. Me sariling buhay na si Ate. Ako din, pero dala-dala ko si Inay hanggang old age. Di niya nakayanan ang kanyang heartaches, sumunod din siya kay Manong.

Lumipas ang mga taon….. Sa tig-dadalawa naming anak na tatlo -si Ate, ako at si Manong sa Pinas – sa ngayon ay mga propesonal na silang lahat. Noong ikakasal ang isang anak namin sa Manila, niyaya namin ang aming hipag na maging sponsor pero beg-off siya, kesyo daw me medical check-up. Ganun din ang Ate, noong nagpakasal din ang isang anak, sa Manila din, kinukuhang sponsor ang hipag, beg- off din siya dahil may previous appointment. Putol na talaga ang ano mang kaugnayan namin – sa hipag man o sa mga pamangkin.

Kaya lang, natutuwa naman kami noong sasabin ng aming mga anak na Facebook friends silang magpipinsan. Okay naman daw ang Mama nila, doon pa rin daw sila nakatira sa dati.

Dear Tita Eza, meron pa kaya kaming pag-asang magkaayusan ng aming familia?

Gumagalang, Beth Flores Ferrer

 

Dear Beth:

Kung sakaling tinanong mo ako 10-15 years ago, sana tatanungin din kita, “Meron pa bang ganyan sa kano? Di ba tipong pelikula na yan nina Gloria Romero o di kaya si Lolita Rodriguez , huh!”

Pero sa paglipas ng panahon, sa ating pagsasalimuha sa iba’t-ibang mga tao galing sa ibat-ibang lugar/ kultura, eto naman ang aking masasabi: Ibaiba ang klase ng tao. Me kanyakanyang paniniwala at paninin – digan.Sana matutunan natin na lahat ay mag-iisip o gagalaw sa inaakala nating tama o dapat.

Tolerance is the name of the game. Patience is a virtue. Pag-uunawa ang kailangan, sa ating sarili at sa iba.

Kung ako’y tatanungin mo kung magagawa pa sa mga nangyar sa mga hindi dapat nangyari sa mahabang panahon, pana – hon din sana ang magpahilom ng mga sugat na nakamtan. Eka nga, time is the best healer .

Ipaubaya mo na lang sa luksong-dugo sa mga magpipinsan.

Good Luck, Tita Eza

Back in the Philippines, Pureza Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW ‘61 graduate from the University of he Philippines (UP, she retired from the Department of Social Welfare and Development in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been residing in Chicago with hubby Nick for nine years now.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top