Home / Sections / Dear Tita EZA / Luluhod Ang Mga Tala

Luluhod Ang Mga Tala

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Pacis

 

Sa Abra, o di kaya sa Ilocos o sa buong bansang Pinas, politics is a way of life.

Si Itay, bagama’t hindi official, tinitingala ng mga officials sa aming bayan.. Kung sino ang sinusuportahan niya sa anumang election, nananalo. Kung baga, siya ay king maker kaya mararing kumakaibigan sa kanya.

Tatlo kaming magkakapatid. The eldest is a Federal government employee sa Napa Valley working as accountant. Ang ikalawa, graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA), retired Colonel ng Western Police Dept. (WPD).

I was born later in life. Twelve years ang pagitan namin ng ikalawa kong kuya, kaya tawag sa akin, Angelita. Nang ako’y nag-debut at nag-attend si Mayor, tila nakakita ng maasim, kinausap niya ang Itay na gusto niya akong maging manugang. At that time, nag-rereview si Errol, my future husband, for the Bar.

Nang makapasa siya, ikinasal kami sa seremonia na humigit pa sa wedding nina Irene Marcos at Greg Araneta. Naka-karuwahe kami from the church hanggang sa mala-mansion na bahay, sa gitna ng well-wishes for us to live happily ever after. Niregaluhan kami ng aming sariling bahay.

Habang legal officer ang aking kabiyak, hindi na ako nagtrabaho. In the first place, hindi ko natapos ang aking kurso. Sunod-sunod dumating ang aming mga anak in five years’ time; may twins pa kami.

Pagkatapos ng term ng biyenan kong lalake, humalili naman ang biyenan kong babae. Balak nila na ilaban ang aking kabiyak na Mayor, kaya lang at that time, at the height ang NPA activities sa probinsya, kaya akala nila ang Mayor ay knowledgeable to deal with the problems of the people. Ipinatayo ng Partido ang aking kapatid na retired Colonel, na siyang nanalo. Napornada ang pangarap ng aking kabiyak na maging Mayor!

Doon na rin nagsimula ang aking Kalbaryo sa buhay. Biglang nagbago si Errol. Madaling-araw na siyang umuuwi kadalasan. Kahit hindi nakainom, pare-pareho ang kanyang litanya: Kesyo daw dahil usapang-matatanda lang kaya kami nagkatuluyang mag-asawa. (Sabi ni Tpol (Tevye sa Fiddler on the Roof, “Tradition!’; at saka ambisyoso/trying hard, sakim na retired Colonel daw ang aking utol; ang ginamit pambili ng votes ay ipon daw niya na tong sa nga jeepneys sa Manila; ang mga botante daw ay short memory, nakalimutan na raw ang naimudmod sa kanila sa nga nakaraang eleksyon ng kanyang pamilya; hindi pa natutubos ng Daddy at Mommy niya (ni Errol) and mga naisanla nilang ari-arian sa kanilang nakaraang kandidatura; at akala ko ba daw ay maganda ako? Siguro, noon, pero ngayon, para na raw ako may TB; sa kanyang pagka-abogado de campanilla, maraming humihingi kahit kaunting pagtingin bagkus walang pera o bayong.”

Kiinakain ko na nga lang ang aking mga luha bagkus mas masahol pala ang verbal/emotional kaysa physical abuse, Tita Eza. Sa awa ng aking kapatid na Mayor at matakpan ang family scandal, itinakas ako patungong Manila. Ipinagako niya na hindi niya pabayaan ang anim na supling namin ni Errol. Sa siyudad, palipat-lipat ako para hindi niya ako matagpuan. Doon naala-ala ng dalawa kong kapatid na na kasali pala ako sa petition ng nag-citizen na siya sa America. Napagod na rin siguro si Errol sa kahahanap sa akin, nag- live in sila ng kanyang katipan na Balikbayan, at nagkaroon sila ng tatlong anak. Pumayag na rin ito na sa family house mananatili mga anak namin.

Sa Reno, Nevada ako nakahanap ng trabaho bilang isang cleaning lady, taga-tiklop ng linens sa hotel. Dagdag pa sa aking resposibilidad ang maglinis ng suite ng isang Sheik sa kanyang once-a-year visit sa Lake Tahoe. Tuwa ko lang at nagamit kong pamasahe ng aking panganay galing Pinas.

Sa ngayon ay Head na ako ng Maintenance Department, at sa ipon naming mag-iina ay nakakuha na kami ng sariling apartment, kasama namin ang kanyang Brazilian wife and child. Napagtapos din naman ang kanyang limang kapatid sa atin, na sa ngayon ay well-employed and well-married. Naiwan sa bahay namin ang anak ko na nagtratrabaho sa Provincial Hospital kasama ang asawa niya na Engineer na nagtratrabaho din sa Provincial Engineer’s Office.

Di umanano, nabalitaan namin na nabaril si Errol. Nagkainitan daw sila ng kanyang kabarkada dahil sa returns sa local election. Ang sabi naman ng iba, ang gunman ay kapatid ng live-in partner ni Errol. Sawa na raw ito sa pambubugbog ni Errol sa kanyang kapatid. Serious ang kanyang kalagayan. Hiling daw niya na iuwi sa bahay para mag-alaga sa kanya ang kanyang anak na nurse at ako.

Umuwi ako, Tita Eza, the first time in many many years. Inalagaan ko siya for many, many weeks. Hindi nga lang siya makapagsalita, but I swear, tuwimg sinusubuan ko siya, nasisilayan ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata! Angelita

____________

Mahal kong Angelita:

Alam ko na in politics, there are neither permanent friends nor enemies; just permanent interests. (What else is new?)

Isa kang ulirang Pilipinang asawa at ina — faithful up to the end. Bihira na ang ganyan dito sa America Rare breed. Empowered women would say. “No way, Jose’!” Tingnan mo si Elizabeth Taylor, nakapito ng trial and error in search of a perfect husband. Seriously, however, you can have your choice: to be or not to be battered.. that is the question.

Pinili mo na pumayag lumisan; magtiis, parang Martir de Golgotha; nagsumikap, itaguyod man lang anim mong anak. Naniwala ka na ang prusisyon, sa simbabahan mag-umpisa at doon din magwawakas. Pinatawad mo pa, bukod- tangi ka talaga! Luluhod sa’yo ang mga tala! Happy Mother’s Day!

Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top