My Undemonstrative Husband | VIA Times – October 2014 Issue
Home / Sections / Dear Ate Lena / My Undemonstrative Husband

My Undemonstrative Husband

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, Ang aking asawa ay mahal na mahal ko at tahimik naman ang aming pagsasama at siya kasi ay isang taong napakatahimik. At iyan ang aking malaking problema sa aming pagsasama bilang mag-asawa ay ang kanyang katahimikan at siya ay masyado ring undemonstrative at conservative sa kanyang feeling ng pagmamahal. He can be eerily quiet. Alam kong mahal niya ako at kapagka naman kami ay nagsosolo na, sinasabi-sabi niyang mahal niya ako at nakakapagpakita siya ng kanyang sweetness sa aming privacy. Kami naman ay nagkaroon ng bunga ng aming pagmamahalan at kami ay merong dalawang anak na parehong malalaki na at meron ng kanya-kanyang tahimik na buhay. Ngayong kami ay nagka-edad na at kaming dalawa na lamang muli together as empty nesters ay parang nage-expect naman ako ng konting demonstration ng kanyang love and tenderness sa akin dahilan sa kami na lamang muli sa aming buhay na malapit nang mamaalam sa daigdig na ito. Noong kami ay bata-bata pa, okey lamang sana ang kanyang pinapakitang less demonstrative affection dahilan sa kami ay parehong busy sa aming mga trabaho at sa pag-raise ng aming family. I did not raise so much fuss about this at tinaggap ko ng kusang loob at ako ay tumahimik na lamang alang-alang sa aming mga anak. Ayaw niyang kami ay maghoholding hands and most of all, magki-kissing sa public, in front of our kids or friends. Hindi man lamang niya binubuksan ang pinto ng kotse kapag ako ay sasakay, hindi hinihila ang aking silya kapag na sa parties, hindi man lamang ako binibilhan o inaalok ng drinks sa mga social functions. In other words, para lamang siyang isang tulala sa mga social and public functions. Kung hindi lamang sa akin, siya ang matatawag na isang anti-social sa dahilang wala din siyang matatawag na close friends. Paano na ang aking gagawin para mapaalam ko sa kanya na ako ay talagang unhappy sa aming marital situation na ito, at kailangang siya ay magbago na at ako ay kanyang mapaligaya as his wife. UNHAPPY & TORMENTED

Dear Unhappy, Lahat ng tao ay may kanya-kanyang katangian o kapintasan. It is very unfortunate na natiis mo ang katahimikan ng iyong asawa. Sa tagal ng inyong pagsasama, alam na alam mo kung anong klase ang pakikitungo niya sa inyo na pamilya niya. Kahit ba sa mga anak mo ay di rin siya palausap? Noong maliliit pa ang mga anak ninyo, hindi man lang ba siya nakikipaglaro o nag-aalalaga sa kanila?.Sa mga inilahad mo para bang napaka-boring ng married life ninyo. Siya ba ay nagtratrabaho? Papaano siya nakikisama sa kanyang co-workers? Isa sa mga binibigyan pansin o batayan ng efficiency rating ay dealing with co-workers. Ano ba ang kanyang pinagkakakitaan? Sa totoo lang, ngayon lang ako nakarinig ng ganitong situation. Ang maipapayo ko, yamang kayo na lang dalawa ang magkasama sa bahay, kausapin mo ng kausapin siya. Siguro sa gagawin mong ito ay mapipilitan din siya na sagutin ka. Tignan mo kung anong topic ang kanyang interest; family matters, work, social, religion, at marami pang iba. By the way, ilan ba sila sa pamilya niya? Buhay pa ba ang mga in-laws mo? Ikaw na ang magtiyaga na kausapin at kausapin siya. Seguro naman ay di ka niya babastusain sa di niya pagsagot kung may itatanong ka. Lumabas kayo. Makisalamuha kayo sa kapaitbahay. Mag-join kayo ng clubs lalo na kung mayroon kayong town or province associations. Maglibang kayo. Mag-join kayo ng prayer meetings. Paminsan-minsan manood kayo ng sine. Kung may pagkakataon na may dumating na grupo ng Pilipinong artista, manood kayo..Hanapin mo o tuklasin kung saan ang kanyang interest. Pagtiyagaan mong gawin ito, total kayo na lang dalawa ang magkasama sa buhay. Kailangan mong gawin ito, kasi baka pati ikaw ay mahawa sa kanya. Ang mga taong di palaimik in the long run, ay candidate for Alzheimer’s. Napakahirap mabuhay na may kasambahay na may ganitong karamdaman. Kung kayo ay financially well-off, mag-tour kayo. Pumunta kayo sa mga lugar na may magagandang sceneries. Total dadalawa lang kayo puede kayong magjoin ng tours around USA o kaya sa mga lugar kung saan ipinako si Jesus o kaya sa Vatican o sa mga lugar kung saan nag appear si Mama Mary gaya sa Fatima or Lourdes. Dito naman sa Chicago ay maraming interesting museums na puede ring puntahan. Kahit maupo lang kayo by the lake o kaya ay mag-fishing kayo. Kung may panahong lumabas kayo o mag-drive around down town. Try to discover his interests at alangan bamang waka siya noon. Good luck, and I hope for the best and more excitement and happiness to both of you. Ate Lena

Leave a Reply

Scroll To Top