Don't Miss
Home / Sections / Dear Ate Lena / Gay Kaya Ako?

Gay Kaya Ako?

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Alam kong ako ay talagang isang lalaki, hindi bakla, merong girlfriend at gusto ko talaga ng babae. Ngunit sa ngayon ay napakalaki ng aking kwestion sa aking sexuality.

Merong nangyaring masama sa akin sa isang party ng mga American friends ko na aking pinuntahan recentl. Syempre, lasingan at naging boisterous ang mga guys, ang sasama ng mga bunganga, at puro F words ang maririnig mo sa mga bunganga nila habang nalalasing. At syempre, marunong naman din tayong makisama at ayaw nating mapahiya ang pagka-Pilipino ko, ano. Inom sila, inom rin ako, mura sila, mura rin ako, at hagalpakan ng tawa kaming lahat. Talagang boys party, at it was my first time to join this group ng aking mga ka-opisina.

Merong isang lalaki (I thought lalaki) na talagang friendlingfriendly sa akin, na kahit saan ako pumunta ay nakasunod, at napakabait na bigay ng bigay ng drinks and food sa akin. I thought talagang magiging good friends kami at magkasundo kami sa mga discussions ng lahat ng klaseng bagay sa buhay-buhay at mahusay siyang kalaro sa pool.

Ewan ko kung ano ang nangyaring bigla na dahil siguro sa kalasingan ko o naming lahat, ay bakit natagpuan ko na lamang ang aking sariling nasa bibig niya. Talagang wala akong kamalay-malay kung bakit biglang nagkaganoon at hindi ko maremember ang scenario o gusto kong kalimutan na lamang ang lahat.

Dalawang malaking questions ang gustong itanong ko sa iyo, Ate Lena. Sasabihin ko kaya sa aking girlfriend ang nangyaring ito? I must tell you na this will be the first and last time na mangyayari ito, alam ko ang sarili ko at talagang talagang hindi na ito mauulit. Ang pangalawa kong tanong ay, dahilang sa pumatol ako sa isang gay, does that mean na gay din ako ay may tendency ako?

Please tulungan mo akong sagutin itong mga katanungang ito para ako ay magkaroon ng peace of mnd sa lalong madaling panahon, Ate Lena. BRUNO DIMAKALI

 

Dear Bruno,

A true confession time ay medyo may kahirapan sa situation na ito. Bakit kailangang sabihin mo pa sa girlfriend mo ang nangyari sa iyong buhay na hindi mo ginusto at gusto mo ng makalimutan? Sira ka ba?

Kung talagang mahal mo ang iyong girlfriend at ayaw mong masira ang inyong relationship ay mabuting itikom mo na lamang ang bibig mo at forget everything. Alam kong mahirap makalimutan iyan at medyo fresh pa sa iyong mind at ang nangyari ay isang shocker sa iyo, di ba?

Kilala mo ang sarili mo na hindi ka isang bakla, at ikaw na mismo ang nagsasabi niyan. Dahilan siguro sa inyong kalasingan kaya nangyaring lahat iyan, at wala kang masisisi kundi ang ispiritu ng alak ng ikaw ay sumuko sa isang pangyayaring sex act na hindi matanggap ng iyong sarili.

A lesson learned din for you na hindi ka nagsusuccumb sa masyadong paglalasing sa dahilang maraming mga resultang masasama ang magiging kahihinatnan mo sa buhay at ang isa pa ay hindi mabuti sa iyong health iyan. It could cause you some liver or kidney problems sa iyong health.

Isang magiging problema mo in the future ay kung ang gay na nag-sex sa iyo ay na-inlove sa iyo at ikaw ay baka hindi patahimikin at ikaw ay hahabolhabolin at sirain ang iyong buhay. O kaya baka siya magkukuwento sa ibang tao at makarating sa iyong mahal na girlfriend. Maraming nangyayaring ganyan at always ends up not in a good way.

It is easy to say na kalimutan mo na ang bad experience mo sa isang gay ngunit mahirap gawin because it’s always your conscience that will be bothering you.

I have a strong belief na hindi ka isang gay kahit ikaw ay hindi ko kilala sa personal. Dahilan sa ang iyong liham ang malaking katibayan na ikaw ay isang matinong lalaking-lalaki. Walang tao na who will take his time na sumulat kay Ate Lena para lamang humingi ng advice sa isang masaklap na nangyari dahilan sa hindi mo naman gustong gawin ang mga bagay na iyon. I salute you, go forward with your life, at close this chapter in your life. ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top