Sex with a Snoring Wife? | VIA Times – September 2014 Issue
Latest Updates
Home / Sections / Dear Ate Lena / Sex with a Snoring Wife?

Sex with a Snoring Wife?

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena, My problem is sexual, Ate Lena, and I don’t know how you’d handle this because hindi ordinary at hindi madali Ako at ang aking asawa ay married na ng 20 years, may apat kaming anak na malalaki na at ang dalawa nga ay hindi na sa amin nakatira. Maligaya kaming isang pamilya, at ako at ang aking asawa ay talagang nagmamahalan ng tunay. We are comfortable sa aming buhay at pareho kaming nagtratrabaho at malakas ang katawan. Yong asawa kong naka-produce ng apat na anak sa akin ay so suddenly ay wala ng libido at ayaw na ng sex. Don’t get me wrong, mahal na mahal pa rin niya ako at walang ibang lalaki sa kanyang buhay. Marami siyang mga excuses na ibinibigay sa akin, kung hindi may masakit ay mayron siyang tinatapos na housework or nakikipag-usap sa telepono. Paminsan-minsan naman ako ay kanyang pinagbibigyan at alam niya ang obligation of a wife ang sabi niya. Ginawa na naman ang lahat ng bagay at paggamit ng lahat ng sex gadgets para siya mag-enjoy sa aming sex. Wala pa ring mangyari. Meron siyang isang proposal na hindi ko matanggap before pero sa ngayon ay aking nirereconsider. Ang aking misis ay nagtetake ng sleeping pills prescribed by her doctor. Ang kanyang proposal ay with her consent daw naman I can start having sex with her kapag siya ay tulog or out na, lalo na kung siya ay nag-isnore nal. Sa una, I thought the idea was so creepy–parang hindi ko matanggap ng mentally o emotionally. Sa wari ko ay para akong nakikipag-sex sa isang patay. Nakarinig ka na ba ng ganitong problema ng mag-asawa? Ayaw ko namang tumingin at gumawas sa ibang babae dahilan sa ayaw kong sirain ang aming beautiful family life dahilan sa issue ng sex. Normal naman siya at nag-try gumamit ng lahat ng bagay para ako ay ma-satisfy niya. Nakaka-frustrate, ngunit gagawin ko na nga yata ang kanyang proposal na do it when she is asleep and snoring. What’s your perspective, Ate Lena? SEX-STARVED IN BURBS

Dear SEX-Starved in ‘Burbs, Hanga ako sa iyong pagiging matapat at understanding na asawa. Siguro kung sa iba with your situation as a couple, ito ang gagawing alibi ng lalaki para for his own satisfaction ay maghahanap siya ng ibang sex partner. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahan ko na makaencounter ng ganitong husband and wife sex problem. Sigurong mayroong mga ganitong same sex problem ang ibang mag-asawa diyan kaya lang marahil inililihim na lang nila o may sarili silang solution. Hindi ako sang ayon sa proposal ng iyong wife na maghintay na makatulog siya bago mo gawin na makipag-sex ka sa kanya. Totoo ang sinabi mo parang nakikipagsex ka sa patay. Sa mag-asawa, sex is the spice of life. Ito ang paraan para maipadama ang unconditional nila love for each other. Nabanggit mo ang paggamit ng iba’t-ibang sex gadgets. Para namang hindi ito natural. Malay mo baka may mga side effects pa ito sa paglipas ng panahon. Who knows? In my opinion, kailangan ninyong makipagkita sa isang dalubhasang mangagagamot. Kailangan kayong dalawa ay magkasama mentally, emotially and physically. Hindi natin alam kung sa panig ng iyong Mrs. ay nagkaroon siya ng trauma about sex. Baka kakailanganin ng Mrs mo ng hormonal therapy. Baka mayroon siyang iniinom na nakakawala ng sex desire. Hindi rin dapat masanay ang Mrs mo sa pag-inom ng sleeping pills. Pag ang body system niya ay nasanay sa sleeping pills, mahirap ang withdrawal nito. Kailangan habang maaga untiunti niya itong ihinto Seguro light exer- . cise like walking before bedtime. May mga gamot na nakakatulong and at the same time nakakapinsala naman ng ibang body organs.Nasa will power ang ihinto ang isang bagay na nakasanayan nating iniinom.Kadalasan napipilitan ang isang tao na dagdagan ang dosage as needed by the body, which is bad. Baka naman nasa menepausal stage siya. Maraming babae ang dumaranas ng kakaiba sa kanilang katawan sa panahon ng pagkawala ng kanilang monthly period. Dapat din humiling kayo sa Maykapal. Ask for His guidance. He can help you both to solve your sex problem. Good luck, may God grant you the guidance you needed most. Ate Lena

Comments are closed.

Scroll To Top