Home / Sections / Dear Ate Lena / Ang Asawang Matigas Sa Galit

Ang Asawang Matigas Sa Galit

lena remigio

 

Dear Ate Lena,

Ang aking asawa ay mabait naman sa kanyang pamilya (kami) at kami ay may dalawampung taon ng kasal. Mahal na mahal niya ako at mahal ko rin naman siya at siya ay isang mabuting ama at supportive sa aming dalawang anak, isang babae at isang lalaki.

Mayroon lamang kaming isang bagay na pinagtatalunan ng matagal na sa aming buhay at iyan ay ang kanyang kapatid at pamilya na ayaw niyang kausapin ng ilang taon na at he really has nothing to do with them. Ganoon siyang kagalit sa kanya and I think nag-start iyan ng ang kanilang mga magulang ay may-sakit. At wala siyang sinasabi-sabi kungdi sila ay masasamang tao at wala siyang kinikilalang kapatid na ganoon.

Ngayong ang aming dalaga ay ikakasal na, gusto kong imbitahin ang marami naming mga kamag-anak lalong lalo na ang kanyang kapatid na hindi niya kinakausap at isinusumpa myang hanggang kamatayan. Ganoon siyang kagalit.

Ayaw kong ipamulat sa aking mga anak na may mga nangyayaring ganyan sa pamilya namin na ganoong katinding galit at hindi marunong magpatawad at magbigayan at sila naman ay magkapatid. Gusto kong sila ay maging considerate at magbigayan at hindi ako pinalaki ng ganyan. At gusto kong magkalapit ang mga pamilya at makilala ng aking mga anak ang kanilang mga kamag-anak.

Iyan ang aming tanging pinag-aawayang mag-asawa at minsan nga ako ay kanyang sinigawan at sinabihang wag akong makikialam sa kanyang ginagawa sa kanyang buhay. Ganoong katindi, Ate Lena.

Tama ba ako o mali sa aking gustong mangyari sa aming family affairs? Tama ba rin o mali ang aking asawa? Wala pa akong nakitang ganitonG situation sa buhay ko at gusto kong ma-resolve ang issue na ito before our daughter’s wedding. Ano sa palagay mo?

HINDI PAKIALAMERA

 

Dear Hindi Pakialamera,

Sa aking palagay, ikaw ay isang pakialamerang asawa, at parang wala kang respect sa decision ng iyong asawa.

Dapat mong ipakita sa mga anak mo ang family values na ganyan, obey & respect, at iyan ang inyong sinumpaan sa harap ng Diyos ng kayo ay ikasal. At dapat mong maintindihan at maramdaman ang feelings ng iyong asawa kung bakit ganoon siyang kagalit at ang sabi mo nga ay isa naman siyang mabait na tao sa iyo at sa kanyang mga anak.

Ang sabi nga, tayo ay tao lamang at tayong lahat ay nadadapa o nagkakamali sa pagtahak sa ating buhay. Mayroong mga taong kapagka nasaktan ay talagang hindi makakalimot at makakapagpatawad.

Malaking subyang sa kanyang puso ang nangyari sa kanilang magkapatid na ni ayaw niyang mabuksan, mapag-usapan o just simply look back sa nakaraan. Gusto niyang makalimitan ang lahat, ang ginawa sa kanya at kung paano ginawa sa kanya ang mga bagay-bagay. At ito ay involved pa ang mga parents na sa ngayon ay yumao na.

Kaya lay-off ka na lamang muna sa kanya at baka iyan pa ang maging cause ng inyong paghihiwalay.

Besides, sa pagmamahalan ninyong mag-asawa kasama na ang respeto, iyan ang good examples na dapat tularan ng inyong mga anak, at hindi iyong ginagawa mong pakikialam sa nasaktang damdamin ng iyong asawa dahilan sa kagagawan ng kanyang kapatid.

Please mind your own business, and be guided by that principle at malalayo ka sa problema, gulo at disgrasya. Just keep on being a loving and thoughtful housewife, kamukha ng ginagawa mo before. Ang iyong anak ay makakasal at magkakaroon ng magandang buhay ng hindi na nagpoproblema sa mga bagay na dapat ilbiing sa limot.

I am sure na masyadong nasaktan ang iyong asawa ng kanyang kapatid at ni hindi nga niya mabuksan at ikuwento sa iyo ang bagay na iyon hanggang sa ngayon. So, feel for him.kung talagang mahal mo siya. Be a good example of a loving, supportive and tolerant wife, at iyan ang ipakita mo sa iyong anak na ikakasal at mag-istart ng bagong buhay.

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top