Home / Sections / Dear Ate Lena / Panty-loving Husband

Panty-loving Husband

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

After 20 years of having been married to a wonderful man (so I thought), ako ay feeling so disgusted, frustrated at sukang suka dito sa lalaking kasama ko sa aking buhay ng matagal na panahon na. Nabigyan niya ako ng tatlong anak na babae na magaganda, matatalino, mababait at mapagmahal at wala akong mako-complain sa kanila.

Ang aking idadaing sa iyo ay itong aking asawa na talagang magandang lalaki, matipuno ang katawan, may strong sex appeal sa mga babae, at talagang he knows how to take good care of himself. Ako ay nagtratrabahong isang executive secretary sa isang law firm at siya naman sy isang insurance agent sa one of the top insurance companies in the country. He has flexible hours for his work at ako naman ay working ng 9 to 5 job everyday on weekdays.

Nagsimula ang aking problema sa aking asawa ng nakakita ako ng woman’s black panty sa aming kama na hindi naman sa akin. Hindi lamang ako kumibo at tinalasan ko lamang ang aking pang-amoy kung meron siyang girlfriend na kinakatagpo at kinakatalik sa aming bedroom. After ng scenario na ito, ang akin namang natagpuan sa nakasiksik sa kanyang drawer ay isang set ng red bras & panties. Hindi ako makapaniwala at hindi ko matatanggap na ang aking beloved husband ay nagtataksil sa akin at gumagawa pa sa loob ng aming bahay. What’s going on?

Minsan ay umuwi ako ng maaga para manubok sa kanya. Dahandahan akong pumasok sa aming kuwarto dahilan siya ay may kausap. OMG! Nang mabuksan ko ang kuwarto siya pala ay may kausap sa kanyang cellphone, ang kanyang paperwork ay spread all over the bed, at siya ay naka-bra at panties (yong red na nakita ko sa kanyang drawer). Pareho kaming nagkagulatan at halos ako ay mahimatay.

Siya ay nag-confess matapos akong mahimas-himasan na siya pala ay isang lalaking nag-eenjoy magsuot ng damit ng babae (transvestite yata ang tawag doon), ngunit hindi naman siya bakla. Ano na ang aking gagawin? How will I handle this? Sickness ba ito or what? SOS!

Misis ng Transvestite

Dear Mrs. Ng Transvestite, Hindi nakapagtataka kung ganyan ang maging feeling or reaction mo sa iyong asawa.

After so many years na pagsasama at nagkaanak kayo ng tatlong magaganda at mababait na anak ay ganyan pa ang iyong natuklasang kanyang dark secret. Ano kaya ang maging reaction nila kung malaman nila na transvestite pala ang kanilang minamahal at ginagalang na ama?

Sa iyong natuklasanp parang mahirap tanggapin lalo na at nabanggit mo ang kanyang mga magagaling at mahusay na katangian. Sa pagkakataon na ito alam ko na nakakalito ito para sa iyo.

But if you analyze the situation, siguro medyo madali itong tanggapin kaysa malaman mo na may babae pala ang iyong asawa. Kailangàn ng asawa mo ng iyong pang-unawa at support. Alam mo ba kung kailan ito nagsimula?

Mahirap tanggapin at unawain. Kailangan ng lakas ng loob sa hindi pangkaraniwang situation. Hindi tayo nakakasiguro kung ito ay nangangailangan ng psychological support o counselor.

Sa ngayon ang maipapayo ko ay magbakasyon ka muna ng mga ilang araw o linggo sa ikatatahimik ng iyong kalooban at ng sa gayong ay magpalipas ka ng iyong sama ng loob o shock.

Pagbalik mo ay magusap kayo ng maayos. Alamin mo kung kailan nagsimula ang pagiging transvestite niya. Kung maligaya siya sa kanyang ginagawang ganyan at ano ang kanyang gustong mangyari sa future? Ngayong natuklasan mo na ang totoong katauhan niya, are you still in love with each other? Ang importante ay respect and understanding sa panahong ito kung gusto ninyong hindi masira ang inyong marriage.

Tignan mo nga si Bruce Jenner. Nagladlad siya at umamin siya sa harap ng boong mundo na siya ay isang transvestite at siya ay napakaligaya na sa buhay pagkatapos ng lahat. His wife of many years understood him, and so are his beautiful grown children.

Bakit kaya di mo ito natuklasan ng mas maaga pa? Magkahiwalay ba kayo ng silid -tulugan? Your future lies on your decision in accepting the realities of the facts of life, my dear. Good luck to both of you.

Ate Lena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top