Home / Sections / Dear Ate Lena / Kulang Sa Lalaki

Kulang Sa Lalaki

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Ako ay nasa edad ng matatawag mong nasa twilight zone na, malapit ng magpaalam dito sa mundong ibabaw at belonging to what we call dito sa Amerika as a Senior Citizen. Although a senior, ako ay nagtratrabaho pa ring isang office girl at enjoy naman ako at ako ay nakakalabas, nakakapagbihis, nakaka-meet ng mga tao at merong benefits na tinatanggap sa aking employer that I’ve been working for for many years. In other words I enjoy life, can’t complain, merong mga anak na mga independent na at ako ay considered very much single dahilan ang aking ex at ako ay officially divorced na, siya ay still in Pinas at ako naman ay many years na na isang Chicago native.

Since then, ako naman ay nakakapag-boyfriend boyfriend at walang naging serious sa aking mga relationships. Ako ay belonging to many community clubs lalo na sa mga dance groups around kaya ako ay talagang busy sa buhay, sa community at sa trabaho.

Meron akong doctor na ka-relationship sa ngayon na free naman at isang biyudo, old horse na rin at hindi rin naman guapo, bingi at marami ng karamdaman, mabait at active ding kamukha ko sa community. The only problem is kahit na siya datang na at naturuan kong magsayaw-sayaw ng konti ay medyo ako ay nagkakaroon ng mga karibal sa kanyang pagtingin. Hindi ko maintindihan at dahilan sa kung minsan siya ay parang suffering na from dementia.

Ngunit parang ang mga kababaihan around ay parang gusto siyang agawin sa akin…hinihila siyang sumayaw kahit na masakit ang kanyang gout at arthritis at sige naman siya, kapag wala ako siya ay sumasama sa mga invitations ng iba’t ibang girls at sinasabi naman niya sa akin that there’s nothing happening at I believe him. Ang hirap lamang dito ay ako na talagang hindi na tumitingin sa ibang lalaki dahilan sa kanya. Samantalang siya ay hindi ganoon sa akin.

Ang kinaiinis ko ay itong mga kababaihan sa ating community. Kulang ba talaga ng lalaki o dahilan sa doktor siya kaya ang kanilang mga claws ay ready to grab ang aking boyfriend?

MS. TWILIGHT

 

Dear Twilight,

Natural lamang ang nararamdaman ng puso mo dahilan sa ikaw ay umiibig. I don’t blame you though. Natatakot kang mawala ang isang mahal sa iyong buhay dahilan mahirap din namang mag-umpisa ng another relationship, panibagong ugali,bagong tao, new challenges and there’s always fear of loss.

Mahirap ang feeling na iyan dahilan sa hindi ka na bata at sabi mo nga ay nasa twilight zone ka na ng iyong life. So maraming insecurities at this point in your life because of your age.

Totoo ang sinabi mo na kulang ng lalaki sa mundong ito at ang iba ay coming out na mga bakla pa. There you go! Kapagka ikaw ay nagpunta sa isang seniors home or nursing home ang majority ay mga babae, pambihira ang lalaki. Kaya ngayong marunong ng sumayaw ang iyong boyfriend na tinuruan mong sumayaw, ay talagang pagaagawan iyan sa mga dances. Kulang talaga ng mga lalaki dahilan sa madali lamang ang buhay nila, according to studies. Eh, doctor pa siya na aakalain ng ibang babae ay may deep pockets pero hindi na ganyan ngayon ang status nila. Mas marami pa nagang mga nurses na mas malaki ang kita kesa mga docs. Hindi ba? Galante ba siya sa iyo?

Kumalmada ka lamang at life is too short. Sabi mo nga nasa twilight age ka na. Magenjoy ka na lamang sa company ng iyong boyfriend at talian mo na lamang siya sa mga dances. Iyong ibang babae naman diyan ay gusto lamang may makasayaw at wala naman silang malisya kapagka sila ay niyaya ang isang lalaki upang sumayaw lallo na kung they cannot afford a DI (dance instructor).

Kung sinasabi ng boyfriend mo na hindi siya naghahanky-panky ay siguro naman ay paniwalaan mo siya dahilan I don’t think he’s capable of doing something na physically at emotionally na magtaksil siya sa iyo. Sabi mo nga arthritic na siya at marami na siyang karamdaman. So wag mo nang dagdagan pa ang kanyang problema. Just be there and ride along!

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top