Don't Miss
Home / Sections / Dear Ate Lena / Nuts on Desserts

Nuts on Desserts

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

I am young, a physical fitness teacher, Pinay born in the Philippines but spent my childhood here in Chicago since when I was about twelve and went to school here. I am very trim and toned, conscious of what I eat, but sometimes I let myself go kapagka gusto ko ang pagkain. Hindi naman ako isang fanatic sa aking ginagawang physical exercises.

Kahit ako ganito ay meron ako ng tinatawag na sweet tooth–I cannot resist desserts lalo na ang chocolates. Ang hindi ko maintindihan ay ang aking boyfriend at ibang friends na kapagka ako ay nagde-devour ng desserts after a meal ay tinitignan nila ako ng matalim na para bagang ako ay nagco-commit ng mortal sinc. Talagang shooting looks ang aking nakikitang binibigay nila sa akin sa halip na sila ay maligaya for me dahilan sa nag-eenjoy ako sa aking kinakain. I was thinking, kung ako ay mahal talaga ng aking boyfriend ay alam niyang ang ginagawa ko ay something that I enjoy doing, hindi ba dapat ay more caring and tolerant siya sa akin. Hindi iyong ako ay papagalitan pa, kamukha rin ng iba kong BFFs. I was thinking na naiinggit lamang kaya sila at ako ay can afford to eat sweets and desserts, at medyo they are getting to be on the heavy side na.

Nakakahiya kung minsan ang mga actions and reactions nilang ganyan. Lahat naman kami ay fitness geeks but ako lamang ang eating like a hog sometimes, and I know how to eat right. Ang mahirap nito ay madalas na pinag-uumpisahan ng aming pag-aaway ang ganitong eating scenario. Nabubuwisit na ako at talagang punong-puno sometimes. Kung minsan nga gusto kong mag-to go ng desserts na hindi ko na ginagawa dahilan sa alam kong pag-aawayan lamang naming dalawa.

Paano ko kaya iha-handle ang aking mga friends lalong-lalo na ang aking boyfriend just to mind their own business, leave me alone to enjoy my dessers ng walang samaan ng loob o kagalitan? Paano na nga ba, Ate Lena? Kung minsan ay gusto ko na ngang sigawan silang lahat at ang sa palagay ko ay sobra na. Why can’t my boyfriend be happy with what I enjoy doing in life?

Ano sa palagay, sensitive lamang kaya ako sa mga bagay na ito, o siya ang insensitive sa aking wants, cravings, and enjoyment? SWEET TOOTH

 

Dear Sweet,

Tanungin mo ang sarili mo, kailangan bang itong boyfriend mo ay maging serious ka, to the extent na siya ang iyong magiging asawa in the near future. Isipin mong mabuti ang magiging buhay mo sa kanya kung sa ngayon pa lamang ay masyado na syang controlling sa mga bagay na gusto mong gawin sa buhay. Tough love. Ayaw ka nyang makitang nag-eenjoy dahilan sa hindi niya magawang kumain ng kaya mong kainin. In fact, kasama na riyan ang iyong sinasabing mga BFFs. Lumayolayo ka na sa kanila at nagiging miserable lamang ang buhay mo sa kanila.

It’s about time to do something positive for yourself at not take everything that they do and say sitting down. Hindi ika ang dapat to be blamed dito at silang lahat, iyan ang sabihin mo sa iyong sarili. Kung hindi mo magawa ang gusto mong gawin sa buhay, kumain ng desserts, mag-uwi mg doggy bag, etc.. at tapos sasabihin mong baka sensitive ka lamang, I can say na baguhin mo ang iyong attitude sa mga bagay na ito.

Wag kang tumahimik at magpa-intimidate sa kanila. Sabihin mong, “Stop judging mo and what I eat. It’s my business and not yours.” It’s your life, your body, and your taste buds.

I bet magugulat silang lahat kapagka ginawa mo ito. Baka mag-away-away kayo, at least, kung mawawala sila sa iyong buhay ay you’re going to have a peace of mind and you can eat all the desserts you want to eat. At baka makatagpo ka pa ng isang boyfriend who will be more tolerant and understanding with what you want to do with yourself, hindi controlling, particularly to your body.

At diyan mo ngayon malalaman kung talagang mahal ka ng iyong boyfriend, o gusto lamang niyang looking hot ka everytime, not gaining any weight sa pagkain ng iyong fave desserts.

Try the strategy, it might work for your relationships with your boyfriend and your friends. Walang mawawala, di ba, kungdi isang boyfriend and friends that suffocate you? Kundi ka na happy sa kanila, kick them all out from your life. Good luck & enjoy your desserts! ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top