Community News
Home / Sections / Dear Ate Lena / Oversexed Wife

Oversexed Wife

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Tulungan mo ako at masyadong naguguluhan ang aking isip sa aking current life situation. Ako ay 59 anyos at ang aking bagong asawa ng isang taon pa lamang ay 55 years old, pareho pa kaming in the prime of life kung ang pag-uusapan ay sex. Ito ang aking pangalawang pag-aasawa at panglima na ng aking asawa na sobrang sexy. Meron lamang isang taon kaming mag-asawa. At ang sabi ng kanyang anak ay meron syang mga anim na boyfriends in between sa kanyang pag-aasawa na hindi niya kinukuwento sa akin ito.

Ok lang sana iyon at part of his dark past lahat iyan at mahal ko talaga siya kaya ko siya pinakasalan. Ngunit ang aking problema sa ngayon ay ang pagiging sexual o malandi sa aming pinupuntahang social functions. Masyado siyang demonstrative sa paghalik-halik, pag-touch at pag-upo-upo sa ibang lalaki. Napakakiri! Sinabi ko sa kanya na ang mga bagay na ito ay something that I cannot tolerate at ako ay napapahiya at nasasaktan sa kanyang mga actions na ito. Ang sabi niya sa akin ay bale-wala iyan sa mga social gatherings at ako raw ay isang malisyosong tao at hindi social. So, away na kami sa mga ganitong situations.

Ang isa pang nakaka-bother sa akin ay ang habit niyang pagkukuwento tungkol sa kanyang ex-husbands, ang kanilang ginagawa sa kama, at iba’t iba pa. Sa skin ay wala siyang sensitivity na tao. How can she do that?

Ang aming sexual activities na almost daily ay nabawasan na ng paminsan-minsan na lamang, maybe once a week kung meron kaming desires dahilan sa kanyang nakaka-turn off na attitude at ganoon din siguro siya sa akin, dahilan sa ako ang madalas na nag-iinitiate.

Nagkamali ba ako sa pag-aasawa sa ganitong klaseng babae?

Worried

 

Dear Worried,

Ang iyong tanong na nagkamali ka ba sa pagpapakasal sa asawa mong malandi ay dapat mong tinanong sa sarili mo bago mo siya pinakasalan dahilan sa pumasok ka sa isang lifetime commitment na medyo mahirap labasan.

Sa una pa lamang dapat ay dapat naitanong mo sa sarili mo na bakit naka-limang asawa na siya at ang sabi ng anak ay mga anim na boyfriends in-between. Ang dapat ay kinonfront mo na siya kaagad right then and there para at least nakilala mo kaagad ang pagkatao niya.

Papaano ba kayong nag-meet at ikaw ay nag-fall in love sa kanya at pinakasalan mo siya? Siguro ay talagang ganyan ang kanyang actions sa mga lalaking kanyang namimeet. Hindi mo ba naisip iyan?

Sa palagay mo ba ay magbabago pa siya dahilan sa iyong paghihinga ng sama ng loob sa kanyang malaswang kilos? Sa palagay mo ba ay bibigyan niya ng consideration ang iyong feelings kung ikaw man ay nasasaktan na syempre ay kanyang ini-ignore?

Kung ganito ang nangyayari sa inyong marriage ay have the two of you considered going to a marriage counselor para ma-save at ma-solve ang inyong marital problems? Ang sa tingin ko ay meron kayong basic disconnect na hindi maganda sa kahit anong relationships.

Dahilan sa masyadong na-aapectuhan ang inyong sexual life na dati ay everyday at sa ngayon ay once a week lamang ay isang malaking factor sa pagkasira ng inyong marriage.

Kapagka ganito na ay parang ready na siya sa pagtalon o paghahanap sa kanyang seventh husband. Nasa huli ang pagsisisi kapagka ito ay nangyari sa inyong buhay. At who’s to be blamed? Pareho lamang kayong dalawa at it takes two to tango. Good luck na lamang sa inyong marriage, if you still want to save it.

ATE LENA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top