Home / Sections / Dear Tita EZA / PIRA-PIRASONG PANGARAP

PIRA-PIRASONG PANGARAP

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Pacis

 

Dear Tita Eza:

Sa July issue ninyo, “It Takes Two,” ay nakita ko na tilang pareho ang buhay naming mag- asawa ni James kina Brenda at Peter. Buti pa sila, kung sila’y nag-aaway, sasabihin lang ni Peter, ”Uwi na tayo,” samantalang ang pinakamamahal kong asawa kung galit, palaging sinasabi, ”That’s it. Split na tayo. Hiwalay!”

Sa probinsya namin, hindi lang Judge ang Daddy niya, kundi Executive Judge ng First Instance. Family of lawyers sila. Eldest brother niya, City Fiscal; ang youngest, promising corporate lawyer sa Manila.

Middle child si James. Nag- Pre-Law, pero sa pag-dorm niya, naki-barkada sa mga members ng frat, nag-shift sa Advertising. During those times, either maging doktor ka, abogado o teacher. Kaya palaging isinusumbat ng tatay niyang executive judge sa kanya,”You’ll never be like your brothers!”

Pa-Amerika at dito na kami nagkita. He went into real estate and made good selling one house after the other. Kaya sa pagsusumikap niya, we started from a 2-door apartment, then three -bedroom, then four, then five… Marangyang pamumuhay!

Kaya lang, nakakapagod din. Malaking butones, malaking hojales! More friends. More needs. More parties. More drinks. Naging malakas siyang uminom.

Nang bumagsak ang ekonomia, sa hirap magbenta ng bahay, doble-kayod ang aking husband. Wala pa rin. Nag-declare siya ng bankruptcy. Balik kami sa apartment!

Dito ko napuna, Tita Eza, ang pag-iiba ng ugali ng aking kabiyak. Mas malakas na siyang uminom, lalong malakas na uminom at mas madaling magalit! That,I did not mind at first, kaya lamang kung nakainom na siya, wala na siyang sinasabi kungdi, “Give up na ako. Final na. Break na tayo! I am a failure!”

Dalagita na’ng mga anak namin – si Eva at si Mabel. Si Eva, sumasali sa mga music groups, nag-oorganize ng youth choirs, balak i-master ang kanyang piano.

Samantalang si Mabel ay active sa mga medical missions, nag-vovolunteer sa shelters for the homeless, baka ang kunin ay Social Work.

“Ano, music na naman? “dinidiin ng Tatay kay Eva, “di ka na nadala sa sinabi ng character sa Sister Act, “Music does not pay the bills; does not put food on the table!”?

At kay Mabel, “What? Anything but social work! Or else, you’ll always be first on the welfare line!” Binabawalan na niya silang mag- pursue ng kanilang interests. Until one Winter night……

Na-late dumating itong dalawang dalaginding. Nagkataong nakainom ang daddy nila. Ayaw niya silang papasukin. Nasa garage sila, umiiyak, nagmamakaawa dahil malakas na ang snow sa labas. Umentra na ako, mag-hypothermia na ang aming mga anak! Kami ng dalawa ang nagtuos. Hindi ko sukat akalain ang sukdulan na nagawa nito! Sa ngayon, Tita Eza, kung sasabihin pa niya, “Hiwalay na tayo,” sagot ko na rin, “Hiwalay kung hiwalay!”

Gumagalang, Thelma

———

Dear Thelma:

1) Kung ang pagsasama ng mag-asawa ay kabaligtaran na ng langit sa lupa, siguro makatarungan na rin ang iyong binabalak. Mismo si Pope Francis na pinuno ng simbahan na mahigpit sa mga naghihiwalay, binabalak nang paluwagan ang mga restrictions for divorced/legally separated couples, dahil aware siya sa marami nang challenges confronting modern families.

2) Kung ako’y iyong tatanungin, masaklap ang ginawa niya sa inyong mga anak. Downright physical abuse. James is criminally liable.

3) Your husband is a broken man, still trying to prove something to his dad and just retaliating to his kids. If you want divorce, go ahead, but just be sure you should be more a part of the solution, and in no way was part of the problem.

4) However, if you want to save your family, ask for help. Kung sa’yo ay mabigat ang terminologiang psychiatrist, tawag na lang natin sa kanila ay family counselors.

“Your children are not your children. They are the sons and daughters of Life’s longing for itself. They come through you but not from you. You their bodies but not their souls. For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in their dreams.” – Kahlil Gibran

Nagmamahal, Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top