Home / Sections / Dear Tita EZA / Init Sa Magdamag

Init Sa Magdamag

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Di ko sukat akalain na dito pa sa Florida tayo magkikita, sa Tampa Philfest na nagaganap tuwing Abril! Mrs. Pacis, ikaw noon ang aking Social Worker higit na dalawampung taon na ang nakakaraan. Paano kita makalimutan, Maam? Parang kahapon lamang………

Mayor pa noon ng “Sunshine City,” Laoag si now Rep.Rudy Farinas (1st District, IN)) at sa hangad nila sa ikauunlad ng fastest growing city in the North, ipinapatupad niya, gabay ng buong City Government, ang mga proyekto para sa kapakanan ng kapwa mga dayuhan at ang mga mamamayan. Kasali doon ang pagpapatayo ng entertainment center, isang hilera ng disco joints, sa Barangay Uno, bandang kanluran ng siyudad. Tutol noon ang ilan sa mga civic and religious organizations, kaya with his leadership, kasama ang Sangguniang Pangludsod, itinaguyod ang ilang control measures gaya ng pagkakaroon ng Surveillance Team na binubuo ng PNP, DOH,DSWD, PIA at Mayor’s Office.

Isa ako sa mga nahakot ng Team na mag-surveillance (“raid”) sila isang gabi. Fourth year ako sa Tondo High School. Nang 3rd year ako, namatay si Itay, dating Janitor sa City, Ilang buwan ang nakalipas, muntik akong nakipag-sabunutan sa klasmeyt ko dahil sabi niya girlpren daw ng kuya niyang polis si Inay. Nang tinanong ko si Inay, nag-deny naman siya. Naniwala na lang ako nang mag-umpisang umuwi sa amin ang kuya niyang polis. Nawalan ako tuloy ng ganang pumasok pa.

Lumipat na rin ang Nanay ni Itay; nakitira siya sa isang kaibigan niya sa isang barong-barong sa gitna ng may kankungan, sa likod ng talipapa. Bagsak akong labandera ni Inay. Kapag iniaabot ni Tiyo sa akin ang lampin ng baby kong kapatid, nadarama ko na pahaplos-haplos sa aking brazo, nagtsatsansing siya. Nang magsumbong ako ke Inay, at hindi siya naniwala, tumakas na lang ako; nakitira ke lola, nakitira sa barkada; hanggang natipuhan kami ng Recruiter; napadpad sa Laoag, ng dalawang buwan.

Natuklasan ng Surveillance Team na fake ang Birth Certifi cate na sinabmit ng Recruiter. Under-age pa lang ako. Desisyon ni Mayor Rudy na ikaw, Mrs. Pacis, ang maghahatid sa akin sa mismong DSWD Central Offi ce sa Legarda, Manila, at sila na ang maghahatid sa akin sa Tondo Unit, Manila Branch.

Sumakay tayo sa Farinas Trans, at sa tagal ng biyahe, at sa tiwaka ko sa iyo, nasabi ko ang lahat na ito, na hindi ko masabi sa iba.

Tandang-tanda ko pa, Mrs. Pacis, nang malapit na tayos a Manila, tanong mo sa akin, “Daisy, kung hindi mo napasok ang ganitong trabaho, ano sana ang gusto mong maging?”

Kahit nagulat ako, nakuha kong sumagot agad, ”Sana nurse, Ma’am!”, at ngumiti ka at sabi mo rin, “Dream big, Daisy; dreams are for free. Hitch your wagon to a star.”

Alas kuwatro pa ng madaling araw nang dumating kami sa Manila. May bagyo daw na darating. Malakas ang hangin. Buti’t nakarating kami sa CO. sa Legarda , “ Ay, naku, Mrs. Pacis, ang layo ng pinanggalingan niyo. Walong oras na biyahe. Nagpagod pa kayo. Sayang the labor, babalik din yon sa pinaggalingan. O, sige, iwanan na lang ninyo siya, kami na ang bahala.”

Pagdinig ko nito, nagdilim ang aking paningin. Habang nagsi- sign ka ng “Received warm body of Daisy Ramos,” lumabas ako sa pintuan, deretso sa gate na nakabukas din, nag-abang at sumakay ng jeep papuntang Lerma .

Nalaman ko na nagrequest ka ng vehicle para habulin ako; binigyan ka ng Willy’s jeep, kasama ang driver. Sa bahay, habang ninenerbiyos si Inay ay nakitungo siya sa iyo, pa-bugso-bugso daw, ang sabi ni TIYO, ”Alam lumayas, alam din pabalik!” Sumugod ka sa likod ng talipapa, tumalaytay ka sa marupok na tulay-kawayan patungo barong-barong ni Lola sa gitna ng kangkungan. Sa gulat niya, pasasaslamat at paghanga sa iyo, ipinangako niya na pag darating ako, i-susurrender niya ako sa Offi ce kung saan ka naghihintay. (Nalaman ko rin na sa iyong undergrad sa Social Work doon ka pala sa Tondo nag- fi -fi eld work, kaya alam na alam mo ang pasikot-sikot ng lugar.)

Nalaman ko rin bago ka umuwi sa Laoag, nag-feedback ka sa management tungkol sa tratamiento ng Intake Worker, na Emergency Employee lang pala. Hindi na yata na-reinstate ng sumunod na buwan.

Sa tulong ng DSWD, naka- graduate din ako. Kay Lola ako tumuloy. Dumaadalaw kami ni Lola ke Inay para maglaba. Nagtitinda kasi araw-araw kami sa talipapa. At doon na kami nagkita ng aking Recruiter! Ayaw niya akong pakawalan, inalok niya akong tumungo sa Olongapo.

Doon kami nag-meet ni Jim, with the US Navy, from Buffalo, Upstate New York, from a farming family, at alam din niya at naiintindihan ang buhay-mahirap. Nagpakasal kami at habang tinatapos niya ang kanyag overseas service, naiwan ako sa Jacksonville, FL. to take up the 2-year LPN. Sa pangkasalukuyan, Licensed Practical Nurse ako at nagtratrabaho sa isang Nursing Home sa Tampa. May dalawa kaming supling na malamang maging nurses, pag nagkataon!

Samantala, kung off-duty ako, nakikisali ako sa mga organizations and their activities. Eto ako ngayon sa PCFI grounds for the Philfest. Retired na si Jim. Eto, kasama kong nagluluto ng tinda naming turon!

Gumagalang, Daisy (Sais)Ramos

 

Mahal kong Daisy:

1) Sana sabi ko sa’yo noon,”Hitch your wagon to the moon.“ Kung magmintis, doon ka pa rin sa mga tala.

2) Daisy, you are not an offender; you are a victim; and the culprit is poverty. Sa Old and New Testaments, may nababasa din tayo tungkol sa mga nagbebenta ng aliw. Prostitution is as old as mankind. Habang may mga kayang magbayad at habang may mga nangangailangan sa mga bayad, entertainment pubs are here to stay. Thank yourself that you were able to get out of the quicksand. “

A different world cannot be built by indifferent people.” -author unknown Nagmamahal, Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top